10 Pinakamahusay na Restaurant App Templates
Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)
Ang CodeCanyon ay nag-aalok ng malawakang sakop ng application templates upang i-kickstart ang iyong mobile app project. Sa Artikulong ito, Ipakikita ko sa iyo ang sampung nangungunang restaurant templates na dapat mong isaalang-alang para sa iyong susunod na restaurant app.
Android App Templates
Ang iyong Restaurant App
Gusto mo nang restaurant app template na tutupad sa users’ at administrators ‘ na pangangailangan? Kung gayon, ang template na ito ay para sa iyo.
Ang iyong Restaurant App ito ay Material Design template na makakukuha ng iyong nilalayon na restaurant app na gumagana halos kaagad. Ang template na ito ay may mahusay na katangian na kailangan ng kahit anong restaurant app gaya nang sa mga menus, image gallery, balita, lokasyon, sosyal, pagpapareserba at mga abiso na pinapatakbo ng Firebase para sa ugnayan ng user. Ito rin ay may admin back-end para sa pangkalahatang pamamahala ng app.
Dapat mo itong subukan sa pamamagitan ng pag-download ng app sa Google Play Store para ikaw mismo ang makakita!



Ang Restaurant Finder
Ang Restaurant Finder ay Android app template para mahanap ang malapit na mga resaturants. Ang mga tinatampok sa App ay mga pagkain at pag-marka ng presyo ng mga users at ang restaurant gallery. Ang mga User ay maari din bakasin ang kanilang mga paboritong restaurants. Ang mga Users ay madaling mahahanap ang daan patungo sa restaurant sa tulong ng built-in map, pinapatakbo ng Google Maps.
Ang template na ito ay may kaakibat na PHP Admin back-end at AdMob integration. Maari rin naman na tawagan mo ang restaurant gamit ang app. Ikaw ay libreng makakasubok ng app sa pamamagitan ng pag-download ng apk at tignan kung ito ay okay para sa iyo!



Apps ng iOS platform
Ang Restaurant Finder
Ang template na ito ay para sa apps ng iOS platform. Ang mga Users ay madaling makakahanap ng restaurant at maaring maka-pagpareserba sa pamamagitan ng pagtawag, email, o SMS. Hindi lamang iyon, ang template ay puno ng mga katangian gaya ng restaurant search functionality na may pag-uusisa ayon sa zip code, pangalan ng restaurant, o mga pagkain na inihahain. Map integration ay kasama din para sa madaling direksyon, pati na rin ang customer profile at review feature. Ikaw rin ay may kakayahang salain ang mga retaurants ayon sa kanilang lutuing pagkain.



Ang app ay suportado rin nang admin web dashboard na ipapadala kasama ng template, kung saan ang administrator ay maaring magdagdag ng bagong restaurants, bagong kategoriya ng pagkain, espesyal na handog, at marami pang iba.
Ang Restaurateur iOS
Ang iOS app ay puno din ng maraming kapaki-pakinabang na katangian at kakayahang umangkop maging sa solong restaurant o maramihang restaurants. Ang template na ito ay naiiba dahil ito ay may shopping cart at checkout functionality, kung saan ay ipinahihintulot nitong ang mga users ay makabili ng pagkain online pang takeout o home delivery.
Ang app template na ito rin ay may mga katangian gaya nang paghahanap ng malapit na restaurants, katanungan sa mga bagay, reserbasyon, user profiles at suporta para sa Apple Push Notification Service.



Ang app template na ito ay may kasama rin back-end para sa pangkalahatang pamamahala ng sistema. Ito ay may mahusay na UI at madaling navigation system. Dapat mo itong tignan!
Sistema ng Paghahatid ng Pagkain para sa Restaurant
Ang app template na ito ay kapaki-pakinabang para sa solong restaurant. Ito ay may katangian kabilang na ang abilidad upang maghanap at umorder ng partikular na bagay pati na rin ang cart management, pagpapareserba, pagpapaalala ng reserbasyon, at Admob integration. Ang app template na ito rin ay may kasamang PHP admin back-end, para sa pag-configure ng mga detalye ng restaurant.
May isang bagay sa template na ito na aking nagustuhan, ito ay ang cool UI animation! Ito ay tugma sa lahat ng iOS versions hanggang iOS 9. Ang Android version ng Sistema ng Paghahatid ng Pagkain ay template mayroon din sa CodeCanyon.



Ang Restaurant IOS Template
Ang app template na ito ay tugma sa iOS 8 at 9 na sadyang ang development environments ay out of the box, ngunit ang up-to-date iOS 10 at Swift 3 version ay maaring magamit kung ito ay hihilingin. Ang mga tampok dito ay menu, na mayroon paglalarawan at ritrato ng bawat bagay, pati na rin ang restaurant gallery, social media integration, at contact details.
Walang back-end para i-manage ang ganitong template-ito ay gumagana kahit offline at itoý na-configure via XML. Ito rin ay mayroon Google Analytics integration. Ang simpleng iOS template na ito ay madaling i-set up at madali rin i-navigate.



Cross – Platform App Templates
Restaurant App Template - React Native
Itong app template ay isang React Native mobile app na gumagana sa Android at IOS platforms. Ang template na ito ay natatangi at may kaakit-akit na user interface at ilan mga kapuna-punang katangian: multi-language support, order management, push notifications para sa user engagement, Paypal payment integration, at Firebase-powered admin dashboard para sa pangkalahatang pamamahala. Maari mong i-download ang app mula sa Google Play Store at subukan na ngayon.



Ang Restaurant Ionic
Itong app template na ito ay isang cross-platform Ionic app template para sa solong restaurant. Ilan sa mga nakawiwiling katangian ay ang color themes na maaring pagpilian sa app branding, Firebase back-end integration, categorized menus, restaurant finder with built-in map, special offers at may shopping cart.
Para sa ugnayan, maari kang magpadala ng push notifications, at ang app ay may saklaw nang social network integration nang sa gayon ang mga users ay maari ng makita ang social media profile ng restaurant. Maari mong i-download ang Android apk file upang ikaw mismo ang magsuri rito.



Crunchy - Restaurant Booking
Itong app template na ito ay puno ng functionality na kailangan para sa kahit anong restaurant app na gawa sa PhoneGap at sa Ionic framework. Itong cross-platform app template ay may tampok na easy payment integration with Paypal at Stripe, social media login with Facebook or Google+, at ang back-end platform na gawa sa CodeIgniter PHP framework.
Ang Android apk ay meron na, kung kaya’t maari mong i-download ang isang app na halimbawa na gawa sa template na ito. Subukan mo, tignan kung paano, at pagkatapos ay gumawa ng iyong desisyon!



Caetano
Ito ay napaka-dalisay at madaling gamitin na Ionic 2 restaurant app template. May katangian na saklaw ang splash screen, food menu, shopping cart at user profile. Itong template na ito ay walang kasamang ready-made back-end, ngunit madali mong maipatupad ang sarili mong serbisyo gamit ang back-end provider na iyong pinili. Ito rin ay madaling napapasadya. Bakit di mo ito subukan, sa pamamagitan ng pag-download ng apk at tignan kung mapupuno nito ang iyong mga pangangailangan?



Konklusyon
Ang App templates ay isang mahusay na paraan upang masimulan ang iyong susunod na pagsulong ng proyekto, o upang matuto sa gawa ng ibang tao. Ang artikulong ito ay may tala lamang ng mangilan-ngilang sikat na mobile app templates na meron sa Envato Market. Kung ikaw ay naghahanap ng inspirasyon o ikaý gumagawa ng application at kailangan ng tulong sa isang partikular na katangian, samakatuwid ay maari mong makita ang kasagutan sa ilang mga templates na ito.
Ilagay ang isa sa mga templates na ito upang gamitin ngayon na, o suriin ang ilan sa mga iba pang templates para sa kumpletong apps na meron sa CodeCanyon. Matutunan pang mabuti ang tungkol sa mga ito dito Envato Tuts+!