Unlimited Plugins, WordPress themes, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Code
  2. Mobile Development
Code

19 na Pinakamahusay na Mobile App na Template na may AdMob na Integrasyon

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Isipin mo na handa ka nang magsimula ng iyong sariling negosyo sa pag-develop ng mobile app. Malamang na gusto mong gamitin ang mga pinakamahusay na kasanayan sa pag-develop sa iyong unang app, ngunit nais mong i-code ito nang mabilis. At malamang na gusto mo ring kumita sa iyong app! Ang post na ito ay magpapakita sa iyo ng ilang madaling paraan upang ilunsad ang iyong susunod na app na proyekto na suportado ng patalastas.

Sa artikulong ito, ipapakilala ko sa inyo ang ilang mga napakadali na ipasadya at nababagong mga template ng mobile app na maaari mong gamitin sa iyong susunod na pag-develop na proyekto. Lahat sila ay may Google's AdMob app monetization na platform na maayos na isinama sa kanila, kaya maaari kang bumuo ng isang pagdaloy ng kita para sa iyong app mula pa sa simula.

Ang lahat ng mga template na ito ay magagamit mula sa CodeCanyon, kung saan maaari kang bumili at mag-download ng isang template ng app para sa agarang paggamit sa iyong pag-develop ng proyekto.

Android Templates

Universal Multi-Purpose ng Android App

Universal - Full Multi-Purpose Android App

Ang Universal ay isang naibabagay at nababago na template ng app na maaaring ipasadya para sa isang malawak na hanay ng mga disenyo. Bilang karagdagan sa kanyang built-in na AdMob na suporta, maaaring madaling maisama ang template na may higit sa sampung iba't ibang mga nagbibigay ng nilalaman, kabilang ang WordPress, YouTube, at Facebook. Ito ay isang likas na Android app at ito ay may malawak na dokumentasyon upang matulungan kang makapagsimula.

Ang Universal Android WebView App

Universal Android WebView App

Ang Universal Android WebView App ay may isang simpleng layunin lamang - ipagsama ang isang maaasahang Android WebView component sa mga AdMob ad. Mayroon itong maraming magagandang dagdag na mga tampok tulad ng estilo ng Material Design, geolocation, at pull-to-refresh na paggalaw na suporta. Sinusuportahan nito ang pag-develop ng app sa HTML5, CSS3, JavaScript, jQuery, Bootstrap at iba pang mga teknolohiya sa web, ngunit sa parehong pagkakataon ay inaalok rin nito ang kanyang tumutugon na disenyo at malinis na likas na code.

Web2App

Web2App

Ang Web2App ay isa pang app na template na nagbibigay ng isang Android WebView na component, at puno ito ng mga tampok. Ang template na ito ay nagbibigay ng hindi mabilang na posibilidad para sa pagpapasadya. Hindi lamang iyon, ang komprehensibong dokumentasyon nito, kasama ang mga pagtuturo sa video at hakbang-sa-hakbang na gabay, ay ginagawang mas madali ang iyong trabaho kaysa sa maaaring naisip mong posible.

Ang Android News App

Android News App

Ang Android News App ay Tutulong sa iyo na patakbuhin ang iyong sariling platform ng balita. Ang template ng app ay binubuo ng dalawang bahagi: isang Android client at isang PHP na may MySQL server. Ito rin ay nagbibigay sa iyo ng ganap na kontrol sa AdMob, na nagbibigay-pahintulot sa iyo upang paganahin at hindi paganahin ang mga tampok ayon sa iyong mga partikular na pangangailangan. Ito ay isang app na maaaring gamitin sa buong mundo, na may isang RTL (kanan patungo sa kaliwa) na mode na kung saan ito ay magagamit kung nais mong magdagdag ng mga wika maliban sa Ingles at palawakin ang iyong pandaigdigan na tagatangkilik.

City Guide—Map App para sa Android

City Guide

Ang City Guide ay isang mapa na may kamalayan sa lokasyon at mga lugar na app na para sa Android na platform. Ito ay nagtatampok ng walong iba't ibang mga tema ng kulay, mga animated na epekto, tumutugon na disenyo, at marami pang iba. Gayundin, ito ay binuo na may madaling i-configure, malinis na nakasulat na code, at ang dokumentasyon nito ay magpapadali sa iyong pagsisimula. Ito ay gumagamit ng isang lokal na database ng SQL upang mapaglagyan ng datos, upang maiwasan na umasa sa internet na koneksyon ng gumagamit.

Cookbook—Recipe App para sa Android

Cookbook

Ang Cookbook ay isang Android app na template  para sa pagbabahagi ng mga resipe sa pagluluto. Dahil may madaling i-configure at mapasadya na code, maaari kang lumikha ng iyong sariling app na wala masyadong pagod at oras. Ang template ay nagtatampok ng isang tumutugon na Material Design na interface at isang lokal na SQLite na database bilang karagdagan sa AdMob monetization na suporta nito. Kaya oras na para simulan ang "pagluluto" ng iyong app, gamit ang Cookbook.

Ang Material Wallpaper

Material Wallpaper

Ang Android wallpaper na mga app ay medyo sikat, at ang Material Wallpaper ay isa sa mahusay na paraan upang magsilbi sa bahagi ng merkado na ito. Ito ay dinisenyo batay sa mga alituntunin ng Material Design ng Google, upang makuha ng mga gumagamit ang biswal na karanasan na inaasahan nila. Ang template ay maaaring pamahalaan ang isang hindi mabilang na mga kategorya at mga tanghalan ng larawan, salamat sa malakas at tumutugon na admin panel nito. Bilang karagdagan sa AdMob na integrasyon, nagtatampok din ito ng Firebase Analytics at push na mga notipikasyon.

Ang Your Recipe App

Your Recipes App

Isa pang mahusay na cooking app na template, Ang Your Recipe App ay isang kumpletong platform na may isang Android client at PHP-based na server. Ang malakas na Admin Panel ay pinapahintulutan ka na pamahalaan ang iyong nilalaman upang panatilihing napapanahon ang nilalaman at walang pagkakamali. Maaari kang magpadala ng mga push na mga notipikasyon sa iyong mga gumagamit gamit ang Firebase at OneSignal. Mayroong kahit RTL (kanan patungo sa kaliwa) na suporta sa wika, na makakatulong kung nais mong palawakin pa sa iba pang mga wika.

Mga Laro sa Android at Media App na mga Template

Ang Fortin Quiz Pro

Fortin Quiz Pro

Ang Fortin Quiz Pro ay isang likas na Android na quiz app na template na may PHP na back-end. Ang mga tanong ay maaaring isaayos sa iba't ibang mga kategorya at mga sub-kategorya, at ang isang napakadaling i-configure na taga oras ay makakatulong sa iyo na ipasadya ang mga antas ng kahirapan ng pagsusulit. Ang tugtog at ang mga larawan ay maaari ring gamitin bilang mga pagsusulit sa halip na teksto, at ang suporta para sa Google Leaderboard ay pahihintulutan ang iyong mga gumagamit na ibahagi ang kanilang mga marka sa mga kaibigan.

Mabilis na Larong Karerahan ng Kotse na may AdMob at Leaderboard

Speedy Car Game

Mabilis na Larong Karerahan ay isang mahusay na paraan upang pagsilbihan ang mga tagahanga ng larong karerahan ng kotse sa Android. Iyong makukuha ang kumpletong source code para sa sikat na uri ng larong ito at malinaw na malinaw na graphics para sa iba't ibang mga resolusyon ng screen, kasama ang musika na may tunog sa background. At natural, kasama dito ang Google Leaderboard at AdMobna integrasyon.

Ang Your Radio App

Your Radio App

Ang Your Radio App ay isang radyo sa internet na streaming app ng para sa Android. Ito ay sumusuporta sa ilang mga sikat na streaming na format, kabilang ang M3U at AAC. Ito ay isang pinag-isipang mabuti na app na may ilang magagandang mga tampok. Halimbawa, ang kakayahang itigil ang radyo kapag may tumatawag ay kapaki-pakinabang. Ang malakas na admin panel, ang magandang tingnan na Material Design UI, at ang push na mga notipikasyon ng Google Cloud Messaging ay dapat rin na ating banggitin.

Stream Radio-Maramihan na Stasyon

Stream Radio

Ang Stream Radio ay isang radyo na streaming app na sumusuporta sa isang malaking bilang ng mga streaming na format tulad ng MP3, PCM/WAVE, AAC, AMR, Vorbis, atbp. Ito ay nagbibigay ng mahusay na suporta para sa paghawak ng mga pagkakamali sa pag-stream dahil sa mga isyu na may kaugnayan sa network at para sa pagharap sa di gumaganang mga streaming na URL. Gamit ang template na ito, makakakuha ka ng kumpletong Android na source code, isang bidyo sa YouTube na may hakbang-sa-hakbang na mga gabay, buong dokumentasyon, at demo na APK file. Ang AdMob na integrasyon ay maingat at di nanggugulo.

Stream Radio 2 (Nag-iisang Stasyon)

Stream Radio 2 Single Station

Ang isa pang mabigat na kakumpitensya sa listahan, Stream Radio 2 (Nag-iisang Stasyon) ay isang Android streamer ng online na radyo na sumusuporta sa iba't ibang mga sikat na streaming na mga format. Ito ay nagbabahagi ng halos magkaparehong mga tampok tulad ng maramihang istasyon na app, ngunit limitado lang sa isang nag-iisang istasyon ng radyo. Sinusuportahan din nito ang integrasyon ng social media network.

Ang Tsanel ng Iyong mga Bidyo

Your Videos Channel

Ang Tsanel ng Iyong mga Bidyo ay isang mahusay na template ng app para sa mga taong kailangan na bumuo ng isang bidyo na streaming platform. Hindi mahalaga kung pinili mong maghatid ng mga video mula sa YouTube o mula sa iyong sariling server. Ang app na ito ay may sapat na kakayahan upang mahawakan ang alinman sa mga opsyon na iyon. Ito ay may magandang Material Design na UI, isang tumutugon na Admin Panel, at suporta para sa OneSignal push na mga notipikasyon. Ito ay isang mahusay na paraan upang mapanatili ang mga gumagamit na nakatuon sa nilalaman ng iyong bidyo habang bumubuo rin ng isang karagdagang pinagkukunan ng kita.

Mga template ng iOS

Ang RealEstate Finder

RealEstate Finder

Ang RealEstate Finder ay isang template ng iOS app na may PHP na  back-end. Ito ay puno ng mga tampok na batay sa lokasyon tulad ng geofencing at mga direksyon mula sa Google Maps, na makakatulong sa iyo na lumikha ng isang natatanging karanasan ng gumagamit. Ito rin ay nagpaayos sa daloy ng mga paraan ng komunikasyon na may pinagsamang telephony, SMS, at email. Ang back-end server na access ay ibibigay sa sinumang bumili ng template.

Ang Web2App para sa IOS

Ang Web2App para sa iOS ay ang iOS na bersyon ng Web2App na nabanggit sa itaas. Ang template na ito ay lubos na napapasadya at napapadala na may komprehensibong dokumentasyon, mga pagtuturo na mga bidyo, at hakbang-sa-hakbang na mga gabay na nagpapadali sa pag umpisa. Maaari kang pumili mula sa hindi mabilang na mga mode at kulay ng display upang at sa iyong mga kinakailangan, at siyempre ayusin ang AdMob na integrasyon.

Ang SuperView—WebView App

SuperView - WebView App

Ang SuperView ay nagpapahintulut sa iyo na ibalot ang iyong website sa isang simpleng iOSapp. Ito ay perpekto para sa mga web developer na nais mabawasan ang hirap sa pag-aaral na nauugnay sa Swift programming na wika at iOS SDK. Ang kalidad ng coding at disenyo sa template na ito ay talagang kahanga-hanga.

Ang Mobile Cross-Platform na Mga Template

ionWordpress

ionWordpress -Wordpress Full Integrated Mobile App

Ang ionWordpress ay binuo sa cross-platform na Ionic framework at nagbibigay-pahintulut sa iyo na bumuo ng hybrid mobile apps gamit ang HTML5, CSS, at JavaScript. Ang template ay may magandang UI at UX na mga tampok upang galakin ang iyong mga gumagamit. Nagbibigay din ito ng madaling estilo ng pagpapasadya na mga kakayahan at integrasyon sa WordPress at, natural, sa AdMob.

Ang Ionic Mobile App na Builder

Ionic Mobile App Builder

Ang Ionic Mobile App na Builder ay isa pang hybrid na template ng mobile na app batay sa Ionic na framework. Ang template na ito ay may ilang magagandang front-end at back-end na mga kagamitan kabilang ang WYSIWYG layout na editor, isang WordPress plugin na generator, at marami pang iba. Kahit na hindi ka masyadong tiwala sa iyong mga kasanayan sa PHP at MySQL, hindi iyon problema-Ang Ionic Mobile App na Builder ay mayroon ding generator ng web admin panel na mag-aasikaso sa iyong PHP code!

Kumuha ng Template ng App Ngayon!

Ang mga template ng app ay isang mahusay na paraan upang simulan ang iyong susunod na proyekto sa pag-develop, o upang matuto mula sa trabaho ng ibang tao. Pumili ng isa sa mga mahusay na mga template ng app ngayon para simulan ang pagbuo ng iyong susunod na app. Mahalaga ang iyong oras, at may obligasyon ka sa iyong sarili upang gawin ang lahat ng makakaya mo upang magsimula sa iyong susunod na proyekto.

Mayroong maraming pang ibang mga template na magagamit sa Code Canyon. Ilagay ang isa sa mga ito upang magamit ngayon, o magbasa pa tungkol sa kung paano gamitin ang isang template ng app dito sa Envato Tuts+!

Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.