Unlimited WordPress themes, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Code
  2. iOS
Code

Simulan ang Inyong Susunod na iOS na Proyekto Gamit ang mga Template na Ito

by
Difficulty:BeginnerLength:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Ang mga template ng proyekto ay mahahalagang paraan upang matuto mula sa gawa ng ibang tao. Ang artikulong ito ay naglista ng ilang tanyag na mga template ng iOS na makikita sa Envato Market. Kung naghahanap kayo ng inspirasyon o gumagawa kayo ng aplikasyon at kailangan ninyo ng particular na katangian, kung gayon maaari ninyong matagpuan ang inyong kasagutan sa ilan sa mga template na ito.

FIVES

Kung ikaw ay nasa pagbuo ng laro, kung gayon ang template na ito ay siguradong karapat-dapat mong tingnan. Ang FIVES ay laro ng salita kung saan nakikipagkarera ka sa orasan upang makagawa ng salita mula sa mga titik sa screen.

Ang laro ay mukhang magaling at naglalaman ng maraming mga tampok na maaring gusto ninyong gawin sa inyong laro, katulad ng suporta sa AdMob at mga pagpipilian sa pagbabahagi sa kapwa.  Mayroon ding pagpipilian upang isama sa Game Center ng Apple, upang makapagtago ng pinakamatataas na puntos at mga board ng lider ng gumagamit. Ang laro ay sinulat sa Swift at ugma sa iOS 10.

Store Finder

Katulad ng ipinapahiwatig ng pangalan, ang Store Finder ay aplikasyon sa paghahanap ng mga malalapit na tindahan. Ngunit ang aplikasyon ay mas higit pa doon ang ginagawa. Ito ay naglalaman ng mga tampok at ang template ay mayroon ding back-end para sa pangangasiwa ng datos ng aplikasyon.

Store Finder

Ang app ay kumukuha ng datos mula sa back-end at, kung ang lokasyon ng serbisyo ay gumagana, ito ay nagrarangko ng mga resulta base sa lokasyon ng gumagamit. Ang template ay handa para sa iOS 10 at ginawa sa Objective C.

Ang app na ito ay naglalaman ng malawak na pagpipilian ng mga custom animation upang gawing mapaglaro at kahali-halina ang karanasan ng gumagamit.   Ang developer ay namuhunan nang mabigat sa pagbabahagi sa kapwa at kasama ang suporta para sa email, text message, Facebook, Twitter, at ilan pang iba. Pumunta sa CodeCanyon upang Makita ang kumpletong listahan ng mga tampok.

Ang MGAppcellerator, ang developer, ay mayroong buong linya ng mga katulad na template ng app: Car Finder, Item Finder, Real Estate Finder, at madami pa!

Ang PhotoGram Image Editor

Kumpara noong 10 taon na ang nakalipas, ang mga tao ay kumukuha ng maraming mga larawan at mayroon tayong mobile na telepono upang pasalamatan para doon. Ang template ng aplikasyon ay naglalaman ng makapangyarihang editor ng larawan na sumasaklaw sa mga batayan, katulad ng pagputol, pag-ikot, paggamit ng filter at pagbabahagi sa kapwa.

PhotoGram Image Editor

Ang template ay naglalaman ng pandaigdig na aplikasyon, gumagana ito ng maayos sa iOS 10, at ang target na palawigin ay ang iOS 6. Tingnan ang kanilang demo na video upang makita lahat ng mga katangian na nasa app!  

Checklist

Kung gusto ninyong isama ang to-do na pagpapaandar sa inyong app, ang template na ito ng to-do na app ay kahanga-hangang pinaikling paraan. Ang Checklist ay maayos na idinesenyong  to-do na aplikasyon na ginagawa lahat ng inyong inaasahan.Checklist

Ang template ng aplikasyon ay suportadong mabuti at ang pinakamababang target na palawigin ay ang iOS 5. Kahit na ang template ay nilikha ilang taon na ang nakalipas, sinusuportahan nito ang iOS 10 at makabago upang sumuporta sa []. Makikita niyo ito sa aksyon sa demo na video sa ibaba.

Ang may-akda ay lumikha pa ng tutorial video na nagpapakita kung paano isama ang template sa umiiral ng aplikasyon. Ang template ay nakacode sa Objective C.

appyMap

Itong magandang puntos ng interes na mapapansin sa finder na template ay ang pagkakaroon ng pagsasama sa CloudKit. Sa halip na umasa sa custom back-end, ang app na ito ay gumagamit ng iCloud sa pamamagitan ng CloudKit. Nangangahulugan ito na hindi mo kailangan ng server upang umangat at tumakbo! Siyempre, kung gusto mo maaari mong iimbak ang datos sa local sa Plist na mga file sa halip — ang template na ito at nagbibigay sa iyo ng parehong pagpipilian.

Ang template ay gumagamit ng lokasyon ng device upang makita ang pinakamalalapit na mga puntos ng interes at ipakita ang mga ito sa mapa. Kasama ng magandang UI at makabagong Xcode 8 na proyekto, an app na ito ay may kasamang mga opsyonal na mga anunyo, manwal ng paggamit, at suporta para sa mga iPhone mula bersyon 4 hanggang 7.

Global

Ang template na ito ay mahalaga sa pagkatuto kung paano gumagana ang audio sa iOS. Ang app ay nagpapatugtog ng radio na nag-i-stream ng audio mula sa online na mga istasyon ng radio at nagpapangyari upang mapangasiwaan ng mga gumagamit ang kanilang listahan ng mga paborito, na may datos na nakasave sa custom back-end. Ang template ay may suporta para sa background na audio at eleganteng nangangasiwa sa mga umaantala sa playback. At natural lamang, mayroong suporta para sa AdMob na banner na mga anunsyo!

Global radio player app template

Ito ay totoong buong-katangian na tagapagpatugtog ng radio na app, at kahanga-hangang pambuwelo para sa inyong sariling proyekto.

7 Minutong Pag-eehersisyo  

Kung talagang gusto mong maging kapansin-pansin ang inyong app mula sa pakete, ang Apple Watch at watchOS ns supports ay mahalagang paraan upang gawin ito. Ang template ng app na ito ay magbibigay sa inyo ng kumpletong app na susubaybay sa ehersisyo na may mga video na nagpapakita ng instruksiyon, pagdidikta ng boses, pagkocustomize, nakaskedyul na pagpapaalala ng ehersisyo at marami pa. Kung ano talaga ang nagbubukod sa template na ito, gayunman, at ang WatchKit at HealthKit na suporta!

Ang template ay isinulat sa Objective C at napapanahon sa iOS 10 at watchOS 3.

Kumuha na ng App na Template Ngayon!

Ang CodeCanyon ay naglalaman ng mahigit sa isang libong iOS na mga template ng app. Kahit alin sa mga ito ay makakapagsave ng daan-daang oras sa inyong susunod na proyekto! Hindi lamang yan, sapagkat ang mga template na ito ay mahalaga sa pagkatuto sa pagkocode sa iOS o kaya para sa pagtingin kung paanong ang kapwa mga developer ay mayroong mga isinakatuparang particular na katangian. Mahalaga rin ang mga ito kung kayo ay naghahanap ng panimulang inspirasyon. Tingnan ang iOS na mga template ng app sa Envato Market at maging inspirado ngayon.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.