Unlimited WordPress themes, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Code
  2. Mobile Development
Code

Pagsisimula sa Android Studio

by
Difficulty:BeginnerLength:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Ang Android Studio ay isang bagong IDE (Integrated Development Environment) na ginawang libre ng Google para sa mga Android developers. Ang Android Studio ay nakabase sa IntelliJ IDEA, isang IDE na nag-ooffer ng isang mahusay na Android development environment. Sa pagtuturong ito, ipapakita ko sa inyo kung papaano gumawa ng bagong Android project at mas mapakinabangan ang mga mai-ooffer ng Android Studio.


1. Setup ng Project

Bago simulan ang pag-eexplore ng Android Studio, kakailanganin mo muna itong i-download at i-install. Tandaan na kailangan mo ang JDK 6 o mas mataas pa na naka-install.  Kung Windows ang gamit mo, i-launch ang .exe file at sundan ang mga hakbang ng setup wizard. Kung ang gamit mo naman ay OS X, i-mount ang disk image sa pamamagitan ng pag-double-click ditto at pag drag sa Android Studio sa iyong Applications folders.

Kung nakumpleto mo na ang mga nasabing hakbang, naka-setup na ng maayos ang iyong development environment. Handa ka nang gawin ang una mong Android application gamit ang Android Studio. Pag ni-launch mo ang Android Studio sa unang beses, makikita mo dapat ang welcome screen, na magbibigay sayo ng maraming pamimilian.

Sa pagtuturong ito, gagamitin natin ang New Project na option. Gayunpaman, maaari mong piliin ang Import Project kung gusto mong mag-import ng project mula, halimbawa, sa Eclipse, papunta sa Android Studio. Ang Android Studio ay i-coconvert ang Eclipse project para maging Android Studio prohect, at nagdadagdag ng mga kakailanganin configuration para sayo.

Kung pinili moa ng Open Project mula sa pagpipilian, maaari kang magbukas ng mga proyekto na ginawa sa maski aling Android Studio or IntelliJ IDEA.. Sa pagpili ng Check out mula sa Version Control, maaari kang mag-check out ng kopya ng proyekto na nasa ilalim ng version control. Ito ay isang mahusay na paraan upang makasabay sa isang nasimulan nang proyekto.

Para makapagsimula, piliin ang New Project mula sa pagpipiliam. Ipapakita nito ang mga pagpipilian upang i-configure ang iyong bagong proyekto. Sa pagtuturong ito, gagawa tayo ng simpleng application upang ipakita sa inyo ang ilan sa pinakaimportanteng mga feature ng Android Studio. Alam kong sasabihin mong wala nang mas iba pang magandang pangalan para sa ating proyekto kaysa sa HelloWorld.

Tulad ng nakikita mo sa screenshot sa itaas, pinangalanan ko ang aking application na HelloWorld at itinakda ang module name bilang HelloWorld. Kung hindi ka pamilyar sa IntelliJ IDEA, maaaring nagiisip ka kung ano ang isang module. Ang isang module ay isang hiwalay na unit of functionality na maaaring i-compile, i-run, i-test at i-debug ng nakahiwalay. Ang mga modules ay nagtataglay ng source code, mga build scripts, at lahat ng kailangan para sa kanilang tiyak na gawain.

Kapag gumagawa ng bagong proyekto, maaari mo ring itakda ang package name ng proyekto. Sa default, ang Android Studio ay tinatakda ang huling element ng pangalan ng package name sa pangalan ng module, ngunit maaari mo itong baguhin sa kahit na anong gusto mo.

Ang ibang settings ay ang location ng proyekto sa iyong machine, ang minimum at target na SDK, ang SDK na magcocompile sa iyong project, at ang tema ng proyekto. Maaari mo ring sabihin sa Android Studio na gumawa ng isang Activity class at isang custom lauch icon para sa iyo, kung ang proyekto ay suportado ng GridLayout, ng Fragments, isang Navigation Drawer, o isang Action Bar.

Hindi na tayo gagawa ng isang custom icon para sa application na ito kaya naman maaari mo nang tanggalin ang check sa checkbox na may label na Create custom launch icon. I-click ang Next upang patuloy na mai-set ang project.

Dahil nilagyan natin ng check ang checkbox ng Create activity sa nakaraang hakbang, sasabihan ka na  i-configure ang Activity class na gagawin ng Android Studio para sa iyo.

Dahil magsisimula tayo sa isang blanking Activity class, maaari mong pindutin ang Next upang makarating sa susunod na hakbang ng proseso kung saan ay sasabihan kang baguhin ang pangalan ng Activity class, anf pangunahing layout at ang fragment layout. Maaari mo ring itakda ang navigation type, na gagawin nating None para sa proyektong ito. Tignan ang susunod na screenshot upang makita kung ano dapat ang itsura ng settings mo.

Matapos pindutin ang Finish, makikita mo ang user interface ng Android Studio na may project explorer sa kaliwa at gawaan sa kanan.  Ngayong nakasetup na ang proyekto mo sa Android Studio, oras na para tuklasin ang iba pang features ng Android Studio.


2. Ang Android Virtual Device 

Ang Android Virtual Device o AVD ay isang emulator configuration, na hinahayaan kang i-modelo ang isang Android device. Ginagawa nitong mas madali ang pag-run at pag-test ng mga applications sa karamihan ng mga devices. Gamit ang Android Virtual Device, maaari mong mai-specify ang mga pangangailangan ng Android Emulator na hardware at software para makapagemulate.

Ang kinikilingang paraan upang gumawa ng Android Virtual Device ay sa pamamagitan ng AVD Manager, na maaari mong mai-access sa Android Studio sa pamamagitan ng pagpili ng Android > AVD Manager mula sa Tools menu.

Kung ang development environment mo ay naisetup ng maayos, ang Android Virtual Device ay dapat kaparehas ng nasa screenshot sa ibaba.

Upang makagawa ng bagong AVD, i-click ang New... sa kanan, bigyan ng bagong pangalan ang AVD, ay i-configure ang virtual device gaya ng nakikita nyo. Pindutin ang OK upang magawa ang bagong AVD.

Upang magamit ang bagong gawang AVD, piliin ito mula sa listahan sa loob ng AVD manager, pindutin ang Start... sa kanan. Kung naisetup ng maayos ang iyong AVD, dapat ay maglaunch ang Android Emulator gaya ng pinapakita sa screenshot sa ibaba.

Ngayong tumatakbo na ang Adnroid Emulator app, oras na upang i-lunsad ang iyong application sa pamamagitan ng pagpili sa Run ‘helloworld’ mula sa Run menu. Ganyan lang kadali mag-run ng isang application sa isang Android Emulator.


3. Ang Live Layout

Ang live layout na feature ng Android Studio ay binibigyan ka ng kakayahan na i-preview ang user interface ng iyong application ng hindi na nirarun ito sa device o sa emulator Ang live layout na feature ay isang makapangyarihang tool na literal na tutulungan kang makatipid ng oras. Mas madali makita ang user interface ng iyong application gamit ang live layouts.

Para magamit ang live layouts, magdouble-click sa XML layout file at piliin ang Text tab sa ibaba ng workspace. Piliin ang Preview tab sa kanan ng workspace upang maipreview ang kasalukuyang layout. Kahit na anong pagbabagong gagawin mo sa XML layout ay makikita sa preview sa kanan. Tignan ang screenshot sa ibaba para mas magkaroon ka ng ideya sa mahusay na feature na ito.

May iba pang advantages ang live layout na dapat bigyang pansin. Pwede mong gawin, halimbawa, na baguhin ang XML layout na kasalukuyan mong ginagawa sa pamamagitan ng pagpili ng option na ito sa unang menu sa Preview pane. Pwede kang, halimbawa, gumawa ng hiwalay na views para sa portrait at landscape at ang Android Studio ang gagawa ng mga kinakailangang folders at files para sa iyo.

Ang pangalawang menu sa Preview pane ay para magawa mong baguhin ang sukat ng device na pinapakita sa Preview pane. Ang ikatlong menu ay para mabago ang pagkakaorientate ng device na makikita sa Preview pane, kung saan pwede mong makita kung ano ang itsura ng layout sa iba ibang orientations at gamit ang iba ibang themes.

Ang ikaapat na menu sa Preview pane ay binibigyan ka ng madaling daan sa Activity o sa fragment kung saan ginamit ang layout. Ang Preview pane ay binibigyan ka rin ng kakayahang baguhin ang wikang ginamit sa live layout para mas madaling makita ang layout sa iba ibang mga wika. Ang pinakakanang menu ay para sa pagpapalit ng API version.

Ang Preview pane ay mayroon ding mga controls upang makapagzoom in at zoom out sa layout, magrefresh ng Preview pane, o kumuha ng screenshot.


4. Mga Template

Ang Android Studio ay nagbibigay sa mga developer ng ilang mga templates para mapabilis ang development. Ang mga templates na ito ay otomatikong gumagawa ng isang Activity at ang kinakailangang XML files. Maaari mong gamitin ang mga templates na ito para makalikha ng payak na Android application, na pwede mong i-run sa isang device o sa emulator.

Gamit ang Android Studio, maaari kang makagawa ng template kapag gumawa ka ng bagong Activity. Magright-click sa package name sa project navigator sa kaliwa, piliin ang New mula sa menu, at piliin ang Activity mula sa pagpipilian. Ipapakita sayo ng Android Studio ang isang listahan ng mga templates, gaya ng Blank Activity, Fullscreen Activity at Tabbed Activity.

Maaari mo ring piliin ang Image Asset mula sa menu, na maglulunsad ng isang wizard na gagabay sa iyo tungo sa proseso ng paggawa. Hayaan ninyong ipakita ko sa inyo kung papaano gumawa ng bagong Activity ayon sa Login Activity template. Piliin ang Login Activity option mula sa listahan ng Activity templates upang lumabas ang wizard.

Tulad ng makikita ninyo sa screenshot sa itaas, pinangalanan ko ang Activity bilang LoginActivity, itinakda ko ang Layout Name bilang activity_login, na nagbigay sa Activity ng isang titulo ng Sign In. Ang checkbox na may pangalang Include Google+ sign in ay nakacheck sa default. Tanggalin ang check nito yaman rin lamang hindi tayo gagamit nito sa ating halimbawa.

Maari mong itakda ang Hierarchal Parent ng bagong Activity. Bibigyan ka nito ng kakayahang magnavigate pabalik kapag nag-tap ka sa back button ng device. Gagawin nating walang laman ang field na ito. Matapos pindutin ang Finish, ang Android Studio ay lilikhain ang mga kinakailangang files at folders para sayo. Kapag okay na ang lahat, dapat ay makakakita ka ng isang bagong Activity at Layout sa iyong project.

Ang susunod na hakbang ay i-setup ang bagong Activity sa manifest file para ito ay gamitin bilang main Activity kapag naglaunch na ang application. Gaya ng nakikita mo sa manifest file sa ibaba, ang LoginActivity na class ay mayroong sariling activity node.

Para mai-launch ng iyong application ang ginawa mong LoginActivity, tanggalin ang activity node para sa LoginActivity na class at palitan ang com.tuts.HelloWorld.MainActivity 
ng com.tuts.HelloWorld.LoginActivity. Ang resulta ay ang application ay gagamitin na ang LoginActivity class bilang main Activity nito.

Kapag binubuo at nira-run ang iyong application sa emulator, dapat ay makakakita ka ng screen na pareho sa pinapakita sa ibaba. Ibig sabihin niyo ay matagumpay nating napalitan ang blanking Activity class ng bagong gawa nating LoginActivity class.

5. Ang mga Lint Tools

Ang pagtest ng iyong code ay isang bagay, ngunit kasinghalaga na gamitin ang pinakamahusay na pamamaraan kapag nagsusulat ng code. Papahusayin nito ang performance at ang kabuuang stability ng iyong application. Mas madali ding i-maintain ang isang maayos na project.

Ang Android Studio ay may kasama nang Android Lint, isang static analyzer na sinusuri ang source code ng iyong project. Makikita nito ang ilang potential na bugs at iba pang problema sa iyong code na maaaring hindi makita ng iyong compiler.

Sa screenshot sa ibaba, halimbawa, pinapakita nito na ang LinearLayout sa layout na ito ay hindi nagagamit. Ang maganda sa Android Lint ay binibigyan ka nito ng dahilan para sa warning o sa error, na ginagawang mas madali ang pagaayos rito.

Magandang gawin na i-run ang lint tool ng Android Studio maya’t maya upang makita ang ilang mga posibleng maging problema. Sasabihin din ng lint tool kung meron kang mga nadobleng imahe o mga pagsasalin.

Upang i-run ang lint tool, piliin ang Inspect Code… mula sa Analyze menu sa Android Studio upang simulan ang proseso. Kapag tapos nang usisain ng Android Studio ang iyong project, bibigyan ka nito ng mga resulta sa ibaba ng window.  Tandaan na bukod pa sa Android Lint, ang Android Studio ay gumagawa rin ng karagdagang pagche-check. I-double click lang ang isang issue upang mapunta sa bahagi ng file kung saan naroon ang problema.

6. Ang Rich Layout Editor

Ang Android Studio ay mayroong rich layout editor kung saan maaari kang magdrag and drop ng mga user interface components. Maaari ka ring mag preview ng layouts sa maraming screen configurations gaya ng nakita natin kanina.

Ang rich layout editor ay tuwiran at napakadaling gamitin. Una ay kakailanganin natin ng layout na gagawin. Tumungo sa layout folder sa res folder ng iyong project, mag right-click sa layout folder, at piliin ang New > Layout resource file mula sa menu na lalabas.

Bigyan ng bagong pangalan ang layout, itakda ang root element, at pindutin ang OK. Ang Android Studio ay otomatikong bubuksan ang layout sa editor sa kanan.

At sa ibaba ng editor, makakakita ka dapat ang dalawang tabs, ang Design at Text. Ang pagpindot sa Text tab ay magdadala sayo sa editor, na hahayaan kang baguhin ang kasalukuyang napiling layout. 

Ang pagpindot sa Design tab ay magdadala sa iyo ng ibang editor na ipapakita sa iyo ang preview ng layout. Para magdagdag ng widget sa layout, i-drag ito mula sa lisahan ng widgets sa kaliwa tungo sa layout sa kanan.  Ganun lang kasimple.

Konklusyon

Sa pagtuturong ito, mabilisan nating tinignan ang ilang key features ng Android Studio. Halos katulad ito ng IntelliJ IDEA, ngunit may karagdagan itong mga gamit na nagpapadali, nagpapabilis at nagpapasaya sa Android development.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.