Unlimited Plugins, WordPress themes, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Code
  2. Mobile Development
Code

Ang 20 nakatutulong iOS Icon at App Template Resources

by
Difficulty:BeginnerLength:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Bilang isang developer, maaaring hindi ka gaanong mahusay sa pagdidisenyo. Pero gusto mo na magmukhang maganda ang mga application mo. Tama? Sa mabilis na paalala na ito, naglista ako ng 20 na mga graphic resource para sa iOS na makikita mo sa GraphicRiver. Hindi ka lang makakatipid sa oras, kung hindi makakagawa ka pa ng magagandang mga application.

1. Ang application icon

Ang application icon ay isa sa mga pinakamahahalagang bahagi ng isang application. Epektibo ang paggamit ng oras mo sa paghahanap ng tamang anyo at impresyon. Ang mga sumusunod na bagay ay makakatulong sa iyo.

Ang App Icon Creator na may Flat Shadow Generator

Hindi lang mga icon ang kasama ng bagay na ito. Ito ay may iba’t-ibang mga Photoshop action para makagawa ng tatlong estilo ng mga icon:

  • ang default iOS 7 style
  • ang classy flat style
  • ang flat shadow style

Maaari pang i-customize ang mga icon sa pamamagitan ng mga greydyent, mga kulay, at grid na makakatulong sa iyo na iposisyon ang mga elemento ng icon mo. Ang mga action na nakapaloob dito ay makakatulong sa iyo na makagawa ng iba’t-ibang laki na hinihingi ng Apple.

App Icon Creator With Flat Shadow Generator

Minimal Icon Generator

Marami ang nagagawa ng Minimal Icon Generate template. Ito ay may saklaw na mga elemento ng vector na maaari mong gamitin kasama ng mga greydyent, at kumbinasyon ng mga kulay na mahusay na pinili. Nakaayos ang Photoshop file sa mga grupo at mga layer. Hindi ka dapat magkaroon ng problema sa paghahanap ng magandang kumbinasyon para sa iyong application, kung ikaw ay may kaunting karanasan sa paggamit ng Adobe Photoshop.

Minimal Icon Generator

iOS Bundle: Icon Creator, Generator at Exporter

Kung hindi payak na disenyo ang hanap mo, ang iOS icon template na ito ay mas babagay sa iyong proyekto. Nakapaloob sa template na ito ang iba’t-ibang mga icon, mga frame, at mga background na maaari mong i-mix at i-match para makahanap ng kumbinasyon na nais mo. Ang template na ito ay gumagamit ng mga vector kaya hindi ka na dapat pang mag-alala na i-customize ito para sa pangangailangan mo.

iOS Bundle Icon Creator Generator Exporter

Old School Icons

Gusto mo bang maglagay ng mga makalumang icon bago ang pagdating ng iOS7? Puwes, ang template na ito ay para sa iyo. Maaari mong magustuhan ang dalawang dosenang disenyo ng skeuomorphic icon na kasama dito. Ang template na ito ay mayroon din na mga background ng greydyent, mga estilo ng frame, at napakaraming  mga texture.

Old School Icons

iOS Retina Icon Creator

Pinagsama-sama ng mga template na ito ang mga kulay, mga pattern, at mga template na nagbibigay ng libu-lubong mga kumbinasyon upang makalikha ng custom application icon. Kung limitado ang badyet mo at hindi mo kayang magbayad ng taga-disenyo, maaaring ito ang sunod na pinakamainam mong opsyon. Kalakip ng template na ito ay ang iba’t-ibang mga light effect, mga estilo ng frame, at mga kumbinasyon ng kulay upang makalikha ng pambihirang icon para sa iyong application.

iOS Retina Icon Creator

2. Application Templates

Napakahusay ng mga application template sa pagpapabilis ng pag-unlad ng application. Nakakatulong ang mga ito sa iyo sa pagbibigay ng ganda at impresyon. Ang GraphicRiver ay nagbibigay ng malawak na saklaw ng template na maaari mong gamitin sa iyong mga proyektong iOS. Pumili ako ng ilan na magbibigay sa iyo ng ideya kung ano ang makikita sa GraphicRiver.

Ang Slade Restaurant iOS Mobile App Template

Nababagay ang application template na ito sa mga restawran, mga café, at mga pahingahan. Sinusuportahan nito ang iPhone 5, iPhone 6, at iPhone 6 Plus. Kabilang sa item na ito ay ang iba’t-ibang mga organisado, at may layer na mga Photoshop file. Bagama’t ang pamagat nito ay tumutukoy sa iOS, ang template na ito ay maaari ding gamitin sa Android.

Concept Keynote Template

Mamamangha ka sa template na ito. Ito ay dinisenyo upang magamit kasama ng Keynote at ito ay may nakalaan na suporta para sa iPhone at iPad. Madilim at maliwanag na bersyon ang nilalaman ng template na ito. Maaari mong gamitin ang drag-at-drop upang makagawa ng mga mockup upang mapadali ang paglikha ng application na nababagay sa pangangailangan mo.

Concept Keynote Template

iOS App GUI Kit

Kahit na ito ay hindi payak, ang application template na ito ay may limang kahanga-hanga at maaaring gamitin sa anumang dahilan na template. Maayos na inihanda ang mga Photoshop file na ito, kaya naman napakadaling mamili at maghanap ng mga bahagi na nais mong ilagay sa iyong application. Nakapokus ang bawat template sa isang partikular na uri ng application:

  • ang maps app
  • ang reminders
  • ang chat app
  • ang photography
  • ang music player
iOS App GUI Kit

ang iOS 9 UI Shop

Ipinapakita ng mahusay at eleganteng template na ito ang isang mobile application para sa tindahan ng mga damit o moda. Ang mga disenyo ay detalyado, moderno, at madaling i-customize. Sinusuportahan ng template ang mga display ng retina at ito ay mahusay na nakaayos.

iOS 9 UI Shop

iOwn UI App

Madali pa ring mabago ang payak na design template na ito para sa iba’t-ibang uri ng mga application, bagama’t ito ay isang movie listing application para sa iOS. Nakapaloob sa template ang 12 na mga Photoshop file na mahusay na nakaayos at nakapatong. Hindi na kailangan pang sabihin na ang template na ito ay sumusuporta sa mga kagamitan na may retina display.

iOwn UI App

Minimal App UI Kit

Nakakamangha ang katangian ng template na ito sapagkat ito ay naaangkop sa anumang bagay. Ipinapakita nito ang malawak na uri ng mga application kaya naman ito ay makakatulong sa iba’t-ibang mga proyekto. May dalawang bersyon ang template na ito, isa para sa mga 4" display (iPhone 4, 4S, 5, 5S) at isa para sa mga 4.7" display (iPhone 6 and iPhone 6S).

Minimal App UI Kit

Mobile App Bootstrap UI

Nakapaloob sa template na ito ay ang mahigit sa 30 na screen, na may mga hugis ng vector. Ang bagay na ito ay may puti at berdeng variation, at higit sa lahat, ito ay may higit sa 60 na custom vector icon na maaari mong gamitin sa iyong mga application.

Mobile App Bootstrap UI

Ang Expedition UI Kit

Nilalayon ng template na ito ang mga travel application. Dahil ito ay may kasamang hindi kukulangin sa 30 na mga screen at sampung kategorya, sulit ang halaga ng template na ito. Sinusuportahan nito ang iPhone 6 at nakapaloob dito ang humigit sa 100 na bahagi.

Expedition UI Kit

3. Ang mga icon

Ang mga icon ay mahalagang bahagi ng mobile. Madalas na napakaliit ng screen ng mga mobile device para lagyan ng maraming text kaya ang mga icon ay mas mainam na gamitin sa mga interface ng mobile user. Ang GraphicRiver ay may maraming set ng icon. Tiyak na makakahanap ka ng set na nababagay sa mga pangangailangan mo sa iyong proyekto.

Flat UI Icon Set

Halos lahat ng mga mobile device ay may mga maliliit na sukat ng screen, kaya naman ang mga icon ang pinakamainam na paraan para bigyan ng application meaning ang user interface. Ang mga icon na mahusay na dinisenyo ay makakatulong sa user upang malaman kung paano gamitin ang isang application.

Ang icon set na ito ay nababagay sa mga payak na disenyo. Kasama dito ang 50 na maaaring gamitin sa anumang dahilan na mga icon at maaaring gamitin sa kahit na anong mobile application.

Flat UI Icon Set

Ang Thin Weather Icon Set

Isa sa mga mahahalagang elemento ng anumang weather application ay ang mga icon nito. Ang icon set na ito ay may 20 na mahuhusay at matataas na kalidad ng mga icon para sa bawat uri ng panahon.

Thin Weather Icon Set

Ang Sports Vector Icons

Nakapokus sa isport ang icon set na ito at mayroon itong hindi bababa sa 150 na mga vector icon. Kasama sa set na ito ang bawat kilalang isport. Ang mga icon ay detalyado at nababagay para sa iOS, Android, at ang web.

Sports Vector Icons

300 iOS at Android Vector Icons

Kalakip ng pakete ng icon na ito ay ang hindi bababa sa 300 na mga icon. Ang mga icon ay nababagay sa anumang iOS na proyekto na may payak na disenyo, ngunit maaari mo din itong gamitin sa iyong Android o mga proyekto sa web.

300 iOS and Android Vector Icons

Ang Colorful Flat Icon Set

Kung ang hanap mo ay mas maraming kulay, maaaring magustuhan mo ang set ng mga icon na ito. Mayroong 80 na payak na mga icon na nasa iba’t-ibang format ang bagay na ito. Ang saklaw ng mga icon ay mula multimedia at komersyo hanggang programming at edukasyon.

Colorful Flat Icon Set

Ang Flat Linear Icon Set

Tunay na pinagbutihan ng may-akda ang icon set na ito. Naglalaman ng hindi bababa sa 600 na mga icon ang bagay na ito, kasama ang mga Photoshop at Illustrator file. Ilan sa mga paksang kasama sa set na ito ay ang panahon, multimedia, pagkain, social media, at kalusugan.

Flat Linear Icon Set

Web at Mobile Vector Icons

Gusto ko ang kasimplehan, estilo, at kumbinasyon ng mga kulay ng icon set na ito. Kasama sa set na ito ay ang higit kumulang na 150 na mga icon na maaaring magamit sa anumang dahilan at nababagay sa halos lahat na uri ng proyekto. Ang mga icon ay may iba’t-ibang format at mga resolusyon.

Web and Mobile Vector Icons

Mamili ka Pick

Ang GraphicRiver ay nagbibigay ng pambihirang seleksyon ng mga icon at template. Kung hindi mo makita ang hinahanap mo, malamang, hindi mo din ito makikita kahit saan. Sa susunod na kakailanganin mo ang isang graphic resource para sa iyong proyekto, tingnan ang GraphicRiver.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.