Unlimited Plugins, WordPress themes, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Code
  2. WordPress
Code

20 Na Magaling na Wordpress Membership Plugins sa CodeCanyon

by
Difficulty:BeginnerLength:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Isa sa pinakamagandang bagay tungkol sa CMS katulad ng WordPress ay ang kakayahan nitong ibagay sa kahit na anong uri ng online solution na iyong kailangan. Tapos na ang mga araw kung saan ang katulad ng WordPress ay isa lamang na blogging platform.

Ang WordPress ay natural na may kakayahan na magawan ang mga gumagamit ng iba’t ibang antas ng kontrol. Dahil dito isa itong malaking solusyon sa membership sites pati na rin iyong mga interesado sa pagbigay ng content at resources sa kabila ng paywall.

Kung gumagawa ka sa kahit na aling uri ng sites na ito, narito ang listahan ng WordPress membership plugins na dapat mong isaalang-alang. Isinama ko ang buong plugins, iyong iba na may saklaw kung ano man ang iyong mapagpasyahan na gamitin o maaaring ginagamit na, at ang ilang sobrang pangkaraniwan at naaangkop na solusyon.

Narito ang 20 na magaling na Wordpress membership plugins sa CodeCanyon

1. Ultimate Membership Pro WordPress Plugin 

Hindi nakuha ng Ultimate Membership Pro WordPress Plugin ang pangalan nito para lamang sa layunin ng marketing.

Ito talaga ang pinakamagaling.

Ultimate Membership Pro WordPress Plugin

Ang WordPress membership plugin na ito ay nagbibigay ng malawak na ibat’t ibang pagpipilian, kung kaya ito ay mabilis. Ang ilan sa pagpipilian ay ang:

  • maraming login, register, at locker templates
  • maraming pagpipilian sa pagbayad
  • conditional logic
  • social login
  • at marami pang iba 

Maaari ka ring gumawa ng iba’t ibang antas, drip content, mga limitadong pahina, gumawa ng custom account na pahina, at marami pang iba.

Kahit na anong uri ng membership site ang sinusubukan mong gawin, Ultimate Membership Pro WordPress Plugin ay dapat magawa ng walang problema.

Hindi nakakapagtaka kung bakit ito ang #1 na mabentang membership plugin!

2. Ang WP Membership 

Ang WP Membership ay ginagawa ang lahat ng inaasahan mong gagawin ng WordPress membership plugin.

Subalit ang pagsi-set up at pag manage ng iyong content protection, ay ang umaangat dito sa lahat ng katulad na plugins.

WP Membership

Kung ikaw ay magsi-set up ng iyong limitasyon sa pahina sa pamamagitan ng roles, may makikita kang madaling gamitin na grid outlining sa lahat ng pahina at membership roles. Suriin lamang lahat ng puwede.

Ang iba pang features nito ay ang:

  • isahan at umuulit na pagpipilian sa pagbayad
  • Stripe, PayPal, at MailChimp support
  • paggawa ng antas sa pagiging miyembro
  • templates sa pagpepresyo
  • at iba pa

Ang larawan sa maayos na profile templates na pampubliko at reporting features, at makikita mo WP Membership na malinaw na pagpipilian ng WordPress membership plugin -na narararapat na isaalang-alang.

3. Paid Content Packages Subscriptions

Ito ay isa pang magandang pagpipilian sa WordPress membership plugin.

Ang Paid Content Packages Subscriptions ay hindi gaanong nagbibigay ng maraming iba’t ibang feautures, sa halip ay naghahandog ito ng iilang magandang features.

Paid Content Packages Subscriptions
Sa “Paid Content Packages WordPress Plugin ay makakakolekta ka ng iba’t ibang pahina, posts, kategorya, uri ng post, taxonomies at post tags sa iba’t ibang packages at ibenta ang mga ito sa pamamagitan ng pag-subscribe sa PayPal na may iba’t ibang billing cycles.”

Napakaganda.

Makikita mo rin ang:

  • discount coupons management
  • bayad na content preview
  • iba’t ibang pag-uulat
  • program sa affiliate
  • at marami pang iba 

Maaari mong samantalahin ang shortcodes at madaling integration ng WooCommerce, pati na rin ang kakayahan na magpadala ng emails at newsletters sa mga bayad na miyembro.

 Ang Paid Content Packages Subscriptions ay hindi pangkaraniwang WordPress membership plugin, taglay ang ilang sadyang magaling na features.

4. Ang WordPress Premium Content 

Ang WordPress Premium Content ay isang madaling paraan para i-set up ang sistema ng pinapagana ng PayPal membership.

Kabilang din dito ang magaling na batay sa IP na seguridad para maiwasan ang pag-abuso sa subscription.

WordPress Premium Content

Features at mga pagpipilian kabilang ang:

  • tinatago ang nilalaman ng premium sa pamamagitan ng shortcode sa madaling gamitin na write panel
  • batay sa IP na seguridad para maiwasan ang iba’t ibang gumagamit sa isahang login
  • pagbayad sa PayPal gamit ang PayPal IPN
  • awtomatikong pagbago ng subscription
  • at marami pang iba 

Madaling mag set-up at mag manage ng membership site sa WordPress Premium Content plugin.

5. WP Premium Members + Pre Advertisements Admin

Ang WP Premium Members + Pre Advertisements Admin nag-aalok ng ilang hindi pangkaraniwang features na hindi matatagpuan sa ilang iba pang WordPress membership plugins. 

Ang pinaka kahanga-hangang feature ay ang kakayahang paganahin ito WordPress membership plugin sa iba’t ibang site na environment, kung saan ang miyembro ng premium ay may kakayahang makagawa ng sarili nilang blogs.

WP Premium Members Pre Advertisements Admin

Karagdagang features ay ang: 

  • ipinapakita ang pre-post na anunsyo batay sa user permissions
  • awtomatikong pag dagdag o pagbawas ng anunsyo sa bawat post
  • PayPal IPN at paulit-ulit na pagbabayad sa PayPal
  • at iba pa

WP Premium Members + Pre Advertisements Admin halong membership at pagpipilian sa anunsyo sa hindi pangkaraniwang paraan.

6. 5sec Link Remover - A Membership Extension Plugin

Ang 5sec Link Remover - A Membership Extension Plugin ay nagko-kontrol sa kung paanong ang bumibisita sa iyong website at mga miyembro ay makikita ang links. Hindi lahat ng iyong links, kundi iyong mga ginawa gamit ang WordPress membership extension plugin.

5sec Link Remover - A Membership Extension Plugin

Maaari mong:

  • tanggalin ang links, gawing plain text ang links, at baguhin ang href attributes
  • ipakita ang iba’t ibang links sa iba’t ibang gumagamit
  • madaling baguhin ang dati ng links
  • magdugtong ng affiliate codes sa links
  • at iba pa

5sec Link Remover - A Membership Extension Plugin ay simple, subalit magaling na plugin para makatulong na kumita at ma-manage ang iyong website links.

7. UserPro - User Profiles na may Social Login 

Hindi lahat WordPress membership plugins ay tungkol sa kung paano kumita sa nilalaman.

UserPro - ang User Profiles na may Social Login ay hindi nagtataglay ng content restriction, kundi nagbibigay tuon sa community aspects ng membership website.

UserPro - User Profiles with Social Login

Kabilang sa mga tampok ay:

  • walang limitasyon na membership custom fields
  • nagsi-set up ng badges at achievements
  • manu-manong nag-a-approve sa bagong gagamit
  • maaayos na disenyo ng user profiles
  • at iba pa

Mayroon pang ilang magaling na intergration sa WooCommerce, BuddyPress, MailChimp, at iba pa.

At kung UserPro - User Profiles na may Social Login ay walang sapat na features para saiyo, mayroong mahigit isang dosenang iba’t ibang User Pro add-ons na nararapat isaalang-alang.

8. Ang User Profiles Made Easy - WordPress Plugin

Ang User Profiles Made Easy-WordPress Plugin ay magaling na plugin para sa membership directories at user profiles.

User Profiles Made Easy - WordPress Plugin

Kabilang sa mga tampok ay:

  • kumpletong membership directory
  • pribadong nilalaman at custom fields
  • front-end login at pagrerehistro
  • maayos na disenyo ng user profiles
  • at iba pa!

Mayroon ding pagpipilian sa content restriction, subalit sa membership user profile management ito mas kilala. Taglay din nito ang kakayahan na makahanap ng gagamit batay sa uri ng built-in custom field o custom search filters.

Ang User Profiles Made Easy - WordPress Plugin ay isa sa pinakamagaling na WordPress user profile membership plugins na iyong makikita.

9. Frontend User Pro

Kapag kailangan mo ng mas magaling na user control at drag-and-drop admin, Frontend User Pro ay ang WordPress membership plugin na dapat mong isaalang-alang.

Mula sa membership content hanggang sa pinatibay na conditional logic na registration forms, kaya nito itong i-handle.

Frontend User Pro

Sa custom CSS, JS support at madaling gamitin na API hooks, matutuwa sa maraming magaling na features:

  • user roles at capability manager
  • front-end na profile editor
  • kondisyunal na menu
  • email verification
  • at iba pa!

Frontend User Pro nagbibigay ng matatag na membership system, profile manager, at custom form builder, puno ng kapaki-pakinabang na features.

10. WP Frontend - WordPress Frontend Dashboard at User Profile Plugin

Narito ang isa pang hindi pangkaraniwang twist sa WordPress membership plugin na kategorya.

Ang WP Frontend - WordPress Frontend Dashboard at User Profile Plugin nagbibigay ng drag-and-drop editor at ilang iba pang magandang features, subalit higit sa lahat, ang guest post support ang nakapukaw ng aking pansin.

WP Frontend - WordPress Frontend Dashboard and User Profile Plugin

Ilan pa sa ibang tampok ay ang sumusunod: 

  • nagsi-set ng awtomatikong post status na ipapadala
  • gumagawa ng forms para sa iba’t ibang uri ng post
  • pumipili mula sa 17 na predefined fields
  • gumagawa ng custom taxonomies
  • at iba pa

Ang gumagamit ay maaaring gumawa ng bagong posts, magbago ng kanilang profile, at marami pang iba, lahat mula sa front end.

Ang WP Frontend - WordPress Frontend Dashboard at User Profile Plugin nagtataglay ng mas maraming feautures at pagpipilian, kung kaya ito ay mahusay na solusyon para sa community at pagpapadala ng guest post.

11. Good LMS - Learning Management System WP Plugin

Hindi katulad ng ilang dating WordPress membership plugins, ang Learning Management System WP Plugin ay nakatuon sa pag-aaral online.

Good LMS - Learning Management System WP Plugin

Sa Good LMS maaari kang:

  • gumawa ng online at onsite na kurso at pagsusulit
  • mag set-up ng bayad sa komisyon para sa mga nagtuturo
  • magbenta ng mga kurso sa pag-aaral sa pamamagitan ng PayPal
  • marka sa kurso
  • at iba pa!

Ang Good LMS - Learning Management System WP Plugin taglay lahat ng kailangan  mo para makagawa ng sistema sa online na edukasyon mula sa pagbabayad at pagpaparehistro hanggang sa pagsusulit at certificates.

12. WPAMS - Apartment Management System para sa WordPress

Katulad ng nabanggit WordPress membership plugin, ito ay nakatuon sa isang natatanging bagay.

Ang WPAMS - Apartment Management System para sa WordPress ay isang malawakang solusyon para sa pag manage ng paupahan.

WPAMS - Apartment Management System for WordPress

Maaari mong i-manage:

  • impormasyon sa tirahan, may-ari at nangungupahan
  • buwanang maintenance
  • events at bookings
  • at iba pa

Para sa paupahan na may seguridad, tagabantay ay maaaring i-log ang detalye ng bisita at iba pa:

  • pag manage ng serbisyo sa kontrata
  • pag manage sa reklamo
  • tagapamahala sa parking
  • at iba pa

Ang WPAMS - Apartment Management System para sa WordPress ay kahanga-hanang paupahan at sistema ng property management

13. WPGYM - Wordpress Gym Management System

Gawa ng parehong may akda ng nakaraang plugin, WPGYM - Wordpress Gym Management System ay gumagana sa parehong paraan, subalit nakatuon sa gym memberships.

WPGYM - Wordpress Gym Management System

Kabilang sa mga tampok ay:

  • pang-ehersisyo, aktibidad, nutrisyon, at iba pang modules para sa mga miyembro
  • kumpletong dashboard
  • bayad sa pagpapa-miyembro
  • profiles ng miyembro
  • at marami pang iba 

Ang WPGYM - Wordpress Gym Management System ay kahanga-hanga.

14. WPAppointments - Paid Appointments System WP Plugin

Ang WPAppointments -  Paid Appointments System WP Plugin ay maaaring gamitin sa iba’t ibang paraan para sa maraming iba’t ibang batay sa serbisyo na negosyo.

WPAppointments - Paid Appointments System WP Plugin

Maaari mong i-manage:

  • mga lakad at bookings
  • lokasyon at manggagawa
  • pagbabayad at gumagamit
  • mga serbisyo at oras 
  • at iba pa

Ang WPAppointments - Paid Appointments System WP Plugin ay sakto para sa mga manggagamot, abogado, mekaniko, tagapag-ayos ng buhok, at marami pang iba!

15. Custom Login at Access WordPresss Plugin

Madaling restrict content, subalit nagdadagdag ng ilang istilo ng Custom Login at Access WordPress Plugin.

Ito ay simple at madaling gamitin.

Custom Login Access WordPresss Plugin

Hinaharang ang gumagamit mula sa mga pahina, posts, uri ng post, kategorya, at taxonomies. Nagri-redirect sa gumagamit kapag magla-log in at log out. Maaari mo ring:

  • dagdagan ng login, pagrerehistro, at forgotten forms sa pahina
  • lagyan ng istilo ang dati ng pahina ng WordPress login 
  • hayaan ang gumagamit na maglagay ng sarili nilang password
  • at iba pa

Ang Custom Login & Access WordPresss Plugin ay mahusay na paraan para ang restrict content ay para lamang sa rehistradong gumagamit, at gayon din nagtataglay ito ng kapaki-pakinabang na redirects at disenyo.

16. Ang Modal Login Register Forgotten WordPress Plugin 

Ang Modal Login Register Forgotten WordPress Plugin ay parang katulad ng dating offering, subalit nasa modal form.

Modal Login Register Forgotten WordPress Plugin

Kabilang sa mga tampok ay:

  • custom register email
  • walang limit na istilo ng kulay
  • login widget
  • at iba pa

Ang Modal Login Register Forgotten WordPress Plugin ay mahusay na paraan para magbigay ng kahit na anong WordPress membership plugin, na makakatulong sa gumagamit na marecover ang nakalimutang logins sa magandang paraan.

17. Ang Fullscreen Login WordPress Plugin 

At ang panghuli, ang Fullscreen Login WordPress Plugin ay magaling na paraan para mas mapaganda ang kahit na anong membership site na kailangan ang login.

Hindi lang ito magandang tingnan, mayroon din itong ilang magandang features na nagbibigay dito ng kasiya-siyang add-on.

Fullscreen Login WordPress Plugin

Ang plugin na ito ay mayroong:

  •  Facebook, Twitter, at Google social login
  • login, logout, register redirects
  • Google reCAPTCHA 2.0
  • sadyang customizable
  • at iba pa

At kung ang fullscreen ay hindi ang saktong hinahanap mo, Fullscreen Login WordPress Plugin ay nagtataglay ng walong modal effects.

18. WordPress Expire Passwords

Ang Membership websites ay maaaring mapasailalim sa panganib na may kinalaman sa seguridad, dahil ang gumagamit ay napapabayaan ang pagbago ng kanilang passwords.

Sa puntong iyan ay masasagip ka ng WordPress Expire Passwords.

WordPress Expire Passwords

Madali mong:

  • piliin ang password expiration batay sa user roles
  • magawan ng pagpipilian para maiwasan ang gumagamit na gumamit ng parehong password
  • piliin gaano katagal bago ang password ay mawalan ng bisa
  • tingnan ang huling password reset
  • at iba pa

Hindi lang WordPress Expire Passwords ay magaling na plugin para sa lahat ng membership sites, gayon din ang kahit na anong WordPress site na may iba’t ibang gumagamit.  

19. Ang WP Accept to Register Terms of Service at Privacy Policy 

Ang isa ay hindi lang may users register.

Ang WP Accept to Register Terms of Service & Privacy Policy ay ang tumpak na paraan para sa gumagamit para tanggapin ang Terms of Service at Terms of Service bago mag rehistro.

WP Accept to Register Terms of Service Privacy Policy

Ang pangunahing features ay ang:

  • "Return to Registration" button sa hulihan ng dokumento
  • tatlong paraan para mabuksan ang dokumento
  • ganap na nababagong text
  • at iba pa

Kung kailangan mo na ang gumagamit ay sumang-ayon sa kahit na anong legal na tuntunin, ang WP Accept to Register Terms of Service & Privacy Policy ay ang pinakamagandang paraan.

20. SMS Register

Mukhang nararapat lamang na tapusin ang listhan na ito ng isa pang hindi pangkaraniwan mgaWordPress membership plugin.

Sa SMS Register, maaari kang magrehistro at mangolekta ng bayad sa pamamagitan ng SMS text messaging.

SMS Register

Kabilang sa mga tampok ay:

  • magpadala ng mensahe sa SMS pagkatapos maproseso ang pagtuturo para sa gumagamit
  • BuddyPress at UltimateMember na supporta
  • gumamit ng Fortumo para sa pagproseso ng SMS
  • at iba pa

Kailangan mo ang Fortumo account bago mo magamit ang SMS Register.

Konklusyon

Ang Envato Market ay may maraming iba’t ibang WordPress membership plugins para makatulong masimulan o mapaganda ang iyong website.

Kapag hindi mo makita ang hinahanap mo, marahil ay kailangan mong isaalang-alang ang ilan sa Envato’s WordPress code na pagtuturo, mga kurso sa code, o code eBooks.

Kung isasaalang-alang mo ang pagpili ng may kalidad na plugins, siguradong makikita mo ang hinahanap mo. O marahil matutulad ka sa akin at maghanap ng WordPress membership plugin na hindi mo akalain na kakailanganin mo.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.