Students Save 30%! Learn & create with unlimited courses & creative assets Students Save 30%! Save Now
Advertisement
  1. Code
  2. HTML5
Code

20 sa Pinaka-sikat na mga Template ng Larong HTML5

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Ang Flash ay pumasok sa mundo ng mga larong base sa browser, subalit sa paglaho ng Flash at sa pagpasok ng HTML5 sa eksena, iyong  mga kaparehong larong base sa Flash ay nakarating sa  HTML5.

Sa malamang nakapaglaro ka na ng isa sa mga larong ito, baka sa anyo pa nga ng isang app sa labas ng konteksto ng browser, na lahat ay gamit ang HTML5.

Mayroon ka bang ideya o konsepto para sa paglalaro?

Tingnan mong mabuti ang 20 sa pinaka-sikat Template ng Larong HTML5 sa Envanto Market para hanapin lamang ang tamang pagsisimulan ng iyong ideya para sa laro o hanapin ang perpektong solusyon para sa iyong website.

1. Canvas Puzzle

Ang Canvas Puzzle ay ang unang HTML5 sa Envanto Market, kaya mukhang ito ang mabuting lugar para magsimula.

Ang konsepto ay simple, pero hindi ba yoon ang  nagpapagaling  sa isang laro?

Canvas Puzzle

Bagay sa lahat ng mga modernong browsers, itong Template ng Larong HTML5 ay mayroong Internet Explorer 9 o mas kaunting pag-urong habang gumagana din sa pinakabagong  iPad.

Ang gumagamit ay maaaring gumamit ng kahit anong imahe—i-drag at i-drop gamit ang Firefox at Chrome—at ito ay lilikha ng walang hanggang bilang ng iba’t ibang mga piraso.

Ang Canvas Puzzle ay magaan, simple, malinis at nakahanda para iyong i-customize ayon sa iyong gusto.

2.  Word Search Game

I-upload mo lang ang iyong script at simulang gamitin ang Word Search Game kaagad.

Mula sa Internet Explorer 6 hanggang sa pinaka-modernong browser—maging sa iPad—ang word search game ay magaan and handa para sa kasiyahan.

Word Search Game

Narito marahil ang pinaka-mahahalagang mga tampok para sa larong tulad nito:

  • Suportang Unicode
  • Gamit ang kahit anong letra
  • Opsyon na gamitin ang mga numero

Kasama rin sa Word Search Game ang admin para sa mga opsyon ng laro.

3.  Indiara at ang  Skull Gold

Tulad ng karamihan ng Template ng Larong HTML5, ang Indiara at ang  Skull Gold ay gumagana sa lahat ng mga platforms.

Handa ka ba na makipagsapalaran sa pangongolekta ng mga sinaunang artepakto sa mga kweba na puno ng mga bitag ?

Indiara and the Skull Gold

Kabilang sa mga  pantastikong larong HTML ang :

  • 8 mga lebel
  • Construct 2 files           
  • Patong-patong na mga files ng Photoshop at Illustrator
  • marami pa

Ang Indiara at ang Skull Gold ay suportado nang husto ng paghipo at ng mouse, kabilang ang buton para sa pag-share sa social mediam at maaaring i-customize sa paningin sa pamamagitan ng pagpapalit-palit ng mga files ng  imahe o ang kompletong pagbabago gamit ang Construct 2.

4.  Slot  Machine The Fruits - HTML5 Casino Game

Ang Slot  Machine The Fruits - HTML5 Casino Game ay ginawang mabuti pareho para sa mobile at deskrop at kabilang ang matataas na kalidad na mga imahe na sumusuporta sa hanggang 1500x640 na resolusyon.

Slot Machine The Fruits - HTML5 Casino Game

Ang makulay na likha ay binuo gamit ang:

Ang Slot Machine The Fruits - HTML5 Casino Game ay maaari ding i-install gamit ang CTL Arcade WordPress plugin.

5.  Coloring Book - HTML5 Game

I-set-up mo ang iyong sariling virtual coloring book gamit ang Coloring Book - HTML5 Game.

Gamit ang hustong suporta ng  paghipo at mouse, itong pala-tugon na coloring book ay taglay ang lahat ng iyong kakailanganin para makapagsimula.

Coloring Book - HTML5 Game

Ito Template ng Larong HTML5 ay kinabibilangan ng :

  • sistema ng pagpi-print
  • sistema ng configuration
  • Pagku-customize ng itsura
  • marami pa

Higit sa lahat, ang Coloring Book - HTML5 Game ay kinabibilangan ng 24 kulay at 16 na mga larawan na may opsyon na magdagdag ng kahit ilang mga imaheng kukulayan na na iyong gusto.

6.  The Sorcerer - HTML5 Game

Masiyahan sa mahika ng Template ng Larong HTML5 gamit ang The Sorcerer - HTML5 Game.

The Sorcerer - HTML5 Game

Itong  larong nagawa  ay na- inspirado ng Zuma gameplay at kabilang ang tatlong magkakaibang progresibong mga lebel.

Ito ay nabuo gamit ang:

Ang  960x540 na resolusyon ay antas na akma at maaaring gamitin sa CTL Arcade WordPress plugin.

I-customize ang The Sorcerer - HTML5 Game at simulang gumawa ng ilang mahika sa puzzle !

7.   Game Christmas Furious

Ito ang panahon para sa ilang kasiyahan !

Ang  Game Christmas Furious Template ng Larong HTML5 ay nagdadala ng kasiyahang suportado ng paghipo at ng mouse sa lahat ng platforms.

Game Christmas Furious

Kabilang ang:

  • 6 na mga lebel
  • Construct 2 files
  • Patong-patong na mga files ng Photoshop at Illustrator
  • marami pa

Sinakop ng mga lobo ang North Pole – masalo kaya ni Santa ang lahat ng mga regalo at  maiwasan ang mga lobo?

Ang Game Christmas Furious Template ng Larong HTML5 ay handang maglaro o baguhin ka sa iyong sarili.

8. Ang HTML5 3D BlackJack - HTML5 Casino Game

Ang HTML5 3D BlackJack - HTML5 Casino Game ay mayroong:

  • magkahating kamay
  • doble taya 
  • tampok na kaseguraduhan

Subalit ang pinaka-mahusay na bahagi ay ang istilong hi-res 3D graphic.

3D Roulette - HTML5 Casino Game

Ang larong ito ay nabuo gamit ang HTML5, JavaScript at CreateJS at parehong handang maglaro at napaka- customizable.

Maaari mo pa ngang i-ante up ang HTML5 3D BlackJack - HTML5 Casino Game gamit ang CTL Arcade WordPress plugin.

9. Ang Game FlapCat Steampunk

Ang Game FlapCat Steampunk ay base sa kaparehong blockbuster na mga laro na may simpleng disenyo at playability.

Masiyahan dito sa larong kasundo ang paghipo at mouse sa buong  1280x720 na resolusyon.

Game FlapCat Steampunk

Kabilang sa cool cat na ito ang:

  • walang hangganang mga lebel
  • Construct 2 files
  • patong-patong na mga files ng Photoshop at Illustrator
  • at marami pa

Ang Game FlapCat Steampunk ay may magaling na istilong pang-sining at handang maglaro at i-customize.

10. Ang 3D Roulette - HTML5 Casino Game

Tulad ng HTML5 3D BlackJack - HTML5 Casino Game, ang 3D Roulette - HTML5 Casino Game ay mayroong magaling na itsurang 3D hi-res .

3D Roulette - HTML5 Casino Game

Ito ay nabuo rin gamit ang:

Madaling baguhin ang 3D Roulette - HTML5 Casino Game sa pamamagitan ng pag-download at pag-edit ng mga Photoshop at Illustrator files. Ito rin ay maaaring i-install sa WordPress gamit ang  CTL Arcade WordPress plugin.

11. Ang Bubble Shooter - HTML5 Games

Ang Bubble Shooter - HTML5 Games ay nagpapaalala sa akin  nang husto ng Snood at ibang mga larong katulad nito.

Ang simple at nakaka-addict na larong ito ay maaaring i-install nang ganito mismo o baguhin sa iyong kagustuhan.

Bubble Shooter - HTML5 Games

Ang Template ng Larong HTML5 ay mayroong 870x1504 na resolusyon, tumutugon  nang husto at madalin baguhin gamit ang mga files ng  Photoshop and Illustrator.

Ito ay nabuo gamit ang  HTML5, JavaScript at CreateJS, at parehong handang maglaro at maaaring i-install direkta sa WordPress gamit ang CTL Arcade WordPress plugin.

12.  Woblox

Ang Woblox marahil ay ang pinaka-nakaka addict na laro dito sa roundup ng Template ng Larong HTML5 .

Idagdag ang iyong sariling logo at ang puzzler na ito ay handa na.

Woblox

Ang larong ito ay maglalaro sa lahat ng mga platform ,pero pinakamabuting gamitin ang touch screen habang sa iyong pakiramdam ay nais mong padulasin ang mga block sa tamang lugar upang mapalaya ang green block.

Kabilang sa laro ang :

  • 384x600 na resolusyon
  • 45 na progresibong mga lebel
  • Gumagamit ng mas mababa sa 100 Construct 2 events
  • marami pa

Madaling i-customize at nakaka-addict din, ang Woblox ay isang napakahusay na Template ng Larong HTML5.

13. Sliding Puzzle

Kabilang sa Sliding Puzzle HTML game  template  ang tatlong iba’t ibang modes:

  • klasiko
  • hamon
  • katuwaan

Ang bawat mode ay mayroong iba’t ibang paraan ng paglapit sa pangunahing konsepto ng puzzle ng pagpapalit-palit ng mga piraso na magkakalapit sa isa’t isa hanggang ang scrambled na larawan ay kumpleto.

Sliding Puzzle

Loadan mo ang iyong sariling image pack, i-customize ang disenyo at mga setting kung gusto mo, ang simulan gamit ang Sliding Puzzle Template ng Larong HTML5.

14.  Don't Crash

Don't Crash

Yoon yun.

Parang ang dali, pero ang mesmerizing na Template ng Larong HTML5 na ito ay patuloy kang pahuhulain.

Dont Crash

Kabilang sa mga tampok:

  • suporta sa paghipo
  • lubos na palasagot
  • 1280x720 na resolusyon
  • kabilang ang Construct 2 files
  • marami pa

At huwag kalimutan—Don't Crash!

15. HTML5 Slot Machine: Jackpot 777

Kabilang sa  template ng HTML5 Slot Machine: Jackpot 777 ang lahat ng kakailanganin mo para kayanin mong mag-isa.

HTML5 Slot Machine Jackpot 777

Kabilang sa mga tampok:

  • Mga file ng Illustrator
  • Consruct 2 files
  • Kontrol ng mouse at paghipo
  • marami pa

Tamaan ang jackpot gamit ang HTML5 Slot Machine: Jackpot 777 Template ng Larong HTML5.

16. Katana Fruits - HTML5 Game

Maging ang susunod na fruit ninja gamit ang labis na  customizable Katana Fruits - Template ng Larong HTML5.

Katana Fruits - HTML5 Game

Itong Template ng Larong HTML5 ay nabuo gamit ang sumusunod na mga code chops:

Pwede mong i-edit ang itsura at pakiramdam gamit ang kabilang na mga files ng Photoshop at Illustrator at i-install ito direkta sa  WordPress gamit ang CTL Arcade WordPress plugin.

17. Panda Love

Handa, takda, takbo!

Ang mabilis na tumatakbong pandang ito ay kailangang gabayan sa mga balakid sa pagkolekta ng mga premyo at tapusin ang bawat isa sa mahigit na 20 mga lebel.

Panda Love

Kabilang sa template na ito ang Construct 2 files at mga tampok na:

  • autosave
  • suporta sa ad
  • isang hipuang control
  • marami pa

Magpakita ng ilang pixel love gamit ang Panda Love.

18. HTML5 Tetris

Sa lahat ng Template ng Larong HTML5, ang HTML5 Tetris ang aking paborito.

Mahirap magkamali gamit ang klasiko.

HTML5 Tetris

Gamit ang suportang paghipo at 800x600 na resolusyon, maaari kang:

  • baguhin ang mga tunog at musika
  • i-personalize ang itsura ng laro
  • gamitin ang patong-patong na file ng  Photoshop para i-redesign ito

Nilikha gamit ang GameMaker Studio, ang HTML5 Tetris game template ay kahanga-hangang bumabagay para sa halos kahit kanino.

19. Let's Park!-High Quality Parking Game

Let’s Park !  Mataas na Kalidad na Parking Game ay mayroong solidong visuals at makinis na laro.

Lets Park-High Quality Parking Game

Kabilang sa mga files:

  • HTML5 file
  • Patong–patong na file ng Photoshop
  • File ng Construct 2 project

Ang Let's Park!-High Quality Parking Game Template ng Larong HTML5 ay sinusuportahan pareho ang kontrol ng keyboard at paghipo, subalit lubos na rekomendado ito para sa touch screens.

20. Angry Finches - Funny HTML5 Game

Sa tingin ko halata kung anong laro ang naging modelo ng Angry Finches - Funny HTML5 Game.

Angry Finches - Funny HTML5 Game

Ito ay nabuo gamit ang GameMaker Studio at kabilang ang:

  • 20 mga lebel
  • Patong-patong na mga file ng Photoshop
  • customizable na mga tunog at musika
  • marami pa

Gamitin ang Angry Finches - Funny HTML5 Game para buuin ang iyong sariling kasiyahan na base sa angry bird.

Konklusyon

Ang ilan sa mga templates na ito ay ganoon lang – templates – habang ang iba ay bumabaybay sa kumpletong konsepto ng laro. Kung ikaw man ay nakakahanap ng isang bagay para sa iyong website o natututong bigyang buhay ang iyong ideya, malinaw mong makikita kung paano magiging magkakaiba ang Template ng Larong HTML.

Baka makakita ka rin ng isang Envato Tuts+ code tutorial para sa pagdidisenyo ng laro o ng makakatulong na mechanics ng laro o kahit ang isang HTML5 tutorial para makapagsimula ka sa pagko-code ng iyong sariling laro.

Laron na.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.