Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)
Mayroong mga ilang bagay na dapat isaalang-alang sa paghahanap para sa PHP login form. May mas kitang – kitang mga konsiderasypn katulad ng seguridad at ang suportadong bersyon ng PHP. Kinakailangan mo ding isaalang-alang ang mga problemang nakakaapekto sa sistema na sinusubukan mong solusyunan.
Iniiwasan mo ba ang pag-access ng isang pahina? Sa ilang mga pahina?
At paano naman ang tungkol sa pamamahala ng user? Nais mo bang pahintulutan ang user na palitan ang kanyang sariling password o i-update ang kabuuang profile? Paano naman ang mga lebel ng user?
Ang mga PHP login form ay may napakadaming barayti kaya ang pagbabalangkas ng problemang sinusubukan mong solusyonan bago ka magsimula ay ang mas magpapadali sa buong proseso.
Narito ang mga 15 Kapaki-pakinabang na mga PHP Login Form sa Envato Market na nangangailangan ng iyong konsiderasyon:
1. AuthAny
Patunayan ang iyong mga login gamit ang mga pinagsama-samang pagkakakilanlan gamit ang anumang social network na may AuthAny na nariyan.



Kasama sa mga sinusuportahang login:
- Disqus
- YouTube
- GitHub
- at isang dosenang iba pa!
Ang AuthAny ay nasa porma ng mga hindi
dumidependeng PHP class at mga config file dahilan kaya madali itong isama sa
sistema.
2. Ligtas na
Auth: Madali at Simpleng Sistema ng Paglog-in
Ligtas na Auth: Ang Madali at Simpleng Sistema ng Paglog-in ay may ilang mainam na feature.
Mula sa mabilis na pagi-install hanggang sa pamamahala ng profile ng user, mapagtatanto mo na ang PHP login form na ito ay napakadaling gamitin.



Kasama ang ilang mga feature na:
- hiwalay na login sa pag-redirect
- walang problemang kapag maraming user
- Google reCAPTCHA
- awtomatikong tagahanap ng lokasyon
- at mas marami pang iba!
Ang Ligtas na Auth: Madali at Simpleng Sistema ng Paglog-in ay may kahanga-hangang feature na kasama ng malawak na dokumentasyon
Ito ay hindi nangangailangan ng database. Ngunit kung iyon ay isang bagay na magiging mas kapaki-pakinabang, siguraduhing alamin ang Ligtas na Auth: Madali at Simpleng Sistema ng Paglog-in na bersyon ng SQL.
3. Nakalimutang
Password Para sa Sistema ng Pamamahala ng User
May nagustuhan ka na bang PHP login form? Ngunit papaano kung nakalimutan ng iyong user ang kanyang password?
Ang Nakalimutang Password Para sa Sistema ng Pamamahala ng User ang bahala sa iyo.



Ang pag-iinstall ay sobrang dali. Mayroon itong tatlong pahina na maaaring baguhin nang naaayon sa nais mo upang maging tuluy-tuloy ang pamamahala ng user.
- paghingi ng pahintulot para magkapag-reset
- i-reset ang password
- pagwalang bisa ng reset
“Ang Nakalimutang Password Para sa Sistema ng Pamamahala ng User ay isang email na inayon sa Password Recovery Script. Pinapayagan ka nito na magdagdag ng link para sa nakalimutang password sa ibaba mismo ng iyong user login form. Isang email na naglalaman ng password reset ang ipapadala sa email address ng user para mai-reset niya ang kanyang password.”
Ang Nakalimutang
Password Para sa Sistema ng Pamamahala ng User
ay ganoon lamang kadali.
4. Tagabuo ng
PHP Form
Isa pang mainam na opsyon para sa PHP login form ay ang paggamit ng Tagabuo ng PHP Form.
Hindi ka lang makakabuo ng iyong login form kundi pati na rin iba pang mga form.



Maaari kang bumuo ng:
- mga order form
- mga signup form
- mga contact form
- at kahit ano pang pwede mong kailanganin
Nakapaloob din dito ang 50 na mga nakayaring
template na madaling gamitin pati na rin ang:
- akurdyon, modal, at mga Ajax form
- labis na napapasadyang layout
- pagbubuo ng jQuery plugin
- Bootstrap CSS
- at marami pa
Mainam na pandagdag ang Tagabuo ng PHP Form sa iyong debeloper toolbox.
5. SLAC -
Site Login at Access Control
Ang SLAC - Site Login at Access Control ay maaaring gamitin para sa anumang uri ng pag-install; Drupal, Joomla, at iba pa.
Ito din ay magaan dahilan para ito ay maging mahusay na performer sa anumang serber ng pag—unlad o produksyon. Kaya pa nito na gumana sa Raspberry Pi.



Kabilang sa mga feature ang:
- kawalan ng limitasyon sa bilang ng mga user at mga lebel ng user
- pagdagdag, pagbabago, at pagtatanggal ng mga user
- sinusuportahan ang Bootstrap 3
- kakayahang kontrolin ang pahina
- at marami pa
Hindi nangangailangan ng karanasan sa
pagkukudigo. Naglalaman din ng bidyo ng mga tutoryal na tungkol sa kung paano
gawin ang mga bagay-bagay ang SLAC -
Site Login at Access Contro.
6. Premium
Login – Sistema ng Pagpapatunay
Ang Premium Login – Sistema ng Pagpapatunay PHP login form ay maraming maiaalok. Nagbibigay ito ng parehong login portal at sistema ng pamamahala ng user.



Kaya na mga user na:
- maglog-in gamit ang Facebook, Twitter, Google+, o OAuth
- magsign-up, maglog-in, at mabawi ang kanilang login
- mag-upload at mag-crop ng mga larawan ng profile
Napapalooban ito ng tatlong bersyon, ang inline, modal, at raw. Madali din ito para sa pagsasalin ng wika gamit ang lang.php file.
Nagtataglay ang Premium
Login – Sistema ng Pagpapatunay ng lahat ng iyong
kinakailangan para sa sistema ng login. Dagdag pa dito, mayroon ding itong
ilang mainam na pamamahala ng pagiging miyembro.
7. EasyLogin
Pro – Sistema ng Pagsapi ng User
Isang tunay na hiyas ang EasyLogin Pro – Sistema ng Pagsapi ng User
Higit pa sa isang simpleng PHP login form ang maiaalok nito. Nagtataglay din ito ng:
- pagpapatunay na sosyal
- mga mau-unlad na user field
- mga pribadong mensahe
- buong pagpapatunay
- at marami pa



Hindi lang din naman ito sa panig ng UX. Makukuha mo din ang:
- mabilis na simula ang masinsinang dokumentasyon
- mga tungkulin at permiso ng user
- mabisang API
- malalim na seguridad
- at marami pa
Mahihirapan kang humanap ng kahit anong mas
mahusay pa kaysa sa EasyLogin
Pro – Sistema ng Pagsapi ng User.
8. AJAXed
Login/Signup PHP Script
Madaling ibahin ng nang naaayon sa iyong nais at isama ang iyong mga PHP login form sa anumang pahina ng HTML o PHP na may ang AJAXed Login/Signup PHP Script.



Ang simpleng solusyon na ito ay nagbibigay ng parehong pagpapatunay ng front-end at back-end at mahusay na seguridad:
“Ang PHP script ay ligtas laban sa SQL Injection (pagkawala ng data, pagkabigo sa pag-uulat ng hindi paggana, mga field ng patunay na may RegExp), sa mga atake ng pag-hijack (pasisiyasat sa HTTP_USER_AGENT), at Email Header Injection.”
Gamitin ang AJAXed Login/Signup PHP Script para lang sa impormasyon ng email at login password o magdagdag ng kahit ano mang ibang mga field na maaari mong kailanganin nang hindi binabago ang mga script ng PHP o JavaScript.
Tiyak na may halaga ang pagtingin dito.
9. Ang Form
ng Pag-login at Pagrehistro sa PHP AJAX na may Social Network
Malinis? Mabilis? Madaling i-customize?
Sabihin mo pa sa akin ang tungkol sa Form ng Pag-login at Pagrehistro sa PHP AJAX na may Social Network!



Kasama sa mga feature ang:
- JavaScript at HTML5 para sa pagpapatunay
- Facebook at Twitter social login
- pagbabalik sa password ng user
- loader ng AJAX
- at marami pa
Ang Form
ng Pag-login at Pagrehistro sa PHP AJAX na may Social Network
ay madaling setup, mabilis, simple, at
maaaring isama sa iyong website.
10. Tagapagtanggol
ng php Password- Sistema ng PHP Login
Protektahan ang iyong mga pahina ng PHP at pahintulutan lamang ang mga ito makita ng mga nakalog-in na user na may Tagapagtanggol ng php Password - Sistema ng PHP Logi.



Ito ay parehong solusyonn ng maraming user at maraming lebel. Kinakailangan lang na isama ang script sa kahit ano at lahat ng pahina na nais mong protektahan at ang Tagapagtanggol ng php Password na ang bahala.
Kabilang sa mga feature ang:
- proteksyon laban sa mga malupit na pag-atake
- gawing pansarili ang mga maling mensahe
- ang opsyon na “remember me”
- walang database na kailangan
- at marami pa
Ang Tagapagtanggol
ng php Password - Sistema ng PHP Login
ay maaaring gamitin para sa mga simpleng login o sa solusyon ng buong
pagsapi.
11. Dalawang-Salik
ng Auth Login at Pagpaparehistro
Magdagdag lang ng dalawang-salik ng pagpapatunay gamit ang PHP login form ng Dalawang-Salik ng Auth Login at Pagpaparehistro.



Idinisenyo ito kasama ng Bootstrap CSS/HTML. Kabilang sa mga feauture ang:
- kakayahang maka-iwas sa atake gamit ang CSRF, XSS, at SQL injection
- SMS kowd para sa pagtutunay sa user
- password ng mga encrypt at salt
- pagsubok sa lakas ng password
- at marami pa
Kung ikaw ay naghahanap ng paraan upang
palawigin pa lalo ang iyong seguridad, bigyang pansin ang Dalawang-Salik
ng Auth Login at Pagpaparehistro.
12. Simpleng
jQuery AJAX PHP Captcha
Panatilihin ang iyong kalukuyang PHP login form at magdagdag ng ilang CAPTCHA gamit ang Simpleng jQuery AJAX PHP Captcha.
Madaling isama at i-configure sa anumang pahina ng HTML o PHP.



- i-refesh ang CAPTCHA nang hindi nire-refresh ang pahina
- ibahin ang istilo ng iyong CAPTCHA nang naaayon sa iyong nais
- sinusuportahan ang napakaraming halimbawa ng pagkakataon
- gumagamit Bootstrap 3
- at marami pa
Madaling
i-configure. Madaling
isama. Idagdag lang ang Simpleng
jQuery AJAX PHP Captcha
sa iyong mga PHP login
form.
13. SimpleAuth:
Napakadali at Ligtas na Sistema ng Pag-login
Ang SimpleAuth: Napakadali at Ligtas na Sistema ng Pag-login ay parehong simple at ligtas.
Kahit walang kaalaman sa PHP, maaari mo pa ding panatilihing ligtas ang anuman sa iyong mga web page habang nagbibigay ka ng access sa mga web page na naka-login.



Kasama sa mga feature ang:
- awtomatikong pagtuklas sa mga karaniwang pagkakamali sa pagi-install
- opsyon para i-save at itabi ang karagdagang datos ng user
- sistema ng isa o maramihang user
- walang database ang kailangan
- at marami pa
Tignan at suriin ang SimpleAuth: Napakadali at Ligtas na Sistema ng Pag-login kung ikaw ay naghahanap ng simple at tiyak na solusyon.
14. SecLog
Magdagdag ng isa pang suson ng seguridad sa iyong PHP login form kasama ang SecLog.
“Ang Seclog ay napakasimple ngunit mabisang PHP class para pangalagaan ang iyong login form laban sa malupit na pag-atake online sa lebel ng script. Maaaring isama ito sa captcha, limitadong mga tangka ng pag-login, pagbawal sa user, at iba pang pamamaraan na walang gusot.”



Upang maging malinaw, ito ay hindi isang login form. Idinisenyo ito para proteksyonan ang mga user laban sa mga atake sa pamamagitan ng paghadlang sa mga awtomatikong pakiusap at pagloko sa umaatake. Pwede itong isama sa iba pang mga PHP login form pati na din sa iba pang mga script na kontra sa malulupit na puwersa.
Pabagalin at iwasan ang mga atake gamit ang
SecLog.
15. Siguradong PHP-Login at Sistema ng Pagpaparehistro
Ang Siguradong PHP-Login at Sistema ng Pagpaparehistro na ginawa sa Bootstrap ay nagbibigay ng simpleng solusyon ng pagpaparehistro at paglo-login sa maraming user.



Ilan sa mga feature ay ang:
- Pagpapatunay ng jQuery at tiyak na protection para sa password encryption
- Facebook, Twitter, at Google social login
- back-end admin para sa pamamahala ng user
- suporta ng MySQL
- at marami pa
Dahil sa malinis na disenyo at simpleng mga
feature, ang Siguradong
PHP-Login at Sistema ng Pagpaparehistro ay mahusay na tool ng pamamahala ng pangmaramihang user login.
Konklusyon
Kailangan mo ba ng database? Paano naman ang paggamit ng PHPMailer para sa pagbawi ng password? Kailangan mo ba ng kontrol sa access na nasa user-level?
Siguro nanaisin mo ding bumuo ng iyong sariling script? Tignan ang mga tutoryal ng PHP, mga kowd eBook, at mga kurso ng bidyo kowd. Kahit ano pa man ang iyong istilo ng pag-aaral o kung ano man ang sinusubukan mong matutunan, siguradong makakahanap ka ng tulong sa Envato Tuts+.
Napakaraming kailangang isaalang-alang sa paghahanap ng tamang PHP login form. Madami ding mga PHP script na pwedeng pagpilian sa Envato Market.
Ano ang iyong binubuo gamit ang mga PHP login
form?