Students Save 30%! Learn & create with unlimited courses & creative assets Students Save 30%! Save Now
Advertisement
  1. Code
  2. Ionic
Code

10 nakamamanghang Ionic Template

by
Difficulty:BeginnerLength:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Ang Ionic ay isang sikat na batayan para sa paggawa ng modernong halu-halong mga aplikasyon sa telepono gamit ang JavaScript, HTML, at CSS. Ang Ionic ay pinagagana ng AngularJS at Apache Cordova. Dahil ang mga debeloper ay maaaring gumamit ng teknolohiya kung saan sila ay pamilyar na (JavaScript, HTML, at CSS), ang pagtuto ay hindi gaanong kasintagal.

Ang CodeCanyon ay nag-aalok ng maraming templeyt upang masimulan ang iyong pag-unlad sa Ionic. Sa artikulong ito, ako ay magpapakita ng sampung templeyt na maaaring magbigay inspirasyon sa iyo sa iyong susunod na proyekto.

Restaurant Ionic

Tulad ng nilalahad ng pamagat, ang templeyt na ito ay para sa mga restawran. Ang aplikasyon na ito ay tinutulungan ang mga may-ari ng restawran na maglista ng kanilang mga menu at magtanggap ng mga order mula sa mga mamimili. Ang templeyt ay maayos na dinisenyuhan at pinagagana ng WordPress, Drupal, o kahit anong ibang programang nakasusuporta sa JSON.

Restaurant Ionic

Ionic Material Design

Ang templeyt na ito ay ganap na sinusunod ang mga detalye ng Google’s Material Design para sa mga aplikasyon sa telepono at sa web. Ang templeyt ay punung-puno ng mga tampok. Ito ay sumusuporta sa SQLite at WordPress, at ito ay akma rin para sa iba’t-ibang mga serbisyo, gaya ng Facebook, Instagram, Foursquare, at Dropbox. Ang templeyt na ito ay tumatanggap ng regular na pag-updeyt, na isa pang positibong katangian nito.

Ionic Material Design

Barebone Ionic

Huwag palilinlang sa pamagat ng templeyt na ito. Ito ay higit pa sa isang simpleng bare bones na templeyt. Sa katunayan, ito ay siksik sa mga tampok, kagaya ng Stripe integration, shopping cart, SQLite, WordPress, at Drupal support, audio streaming, at iba’t ibang sosyal na integrasyon. Ang templeyt na ito ay madalas na i-updeyt kasama ang maraming bagong tampok at pag-aayos ng mga bug.

Barebone Ionic

Mobionic

Ang Mobionic ay isang siksik sa tampok, at maraming kayang gampanang layunin na templeyt na akma sa iba’t-ibang uri ng aplikasyon. Ito ay akma sa WordPress at kayang sumuporta sa push notifications, Google Maps, at YouTube. Ang templeyt na ito ay mayroon ding modernong disenyong madaling iakma sa mga pangangailangan sa iyong proyekto.

Mobionic

MobSocial

Ang MobSocial ay akma sa WordPress at mayroong ilang mga templeyt, kagaya ng blog, chat, at balita. Ito ay may tampok na eleganteng user interface, akma sa platapormang AdMob ng Google, at nagsusuporta sa push notifications. Kung iyong nais masaksihan ang templeyt, maaaring bumisita sa online na demonstrasyon.

MobSocial

Selig

Ang Selig ay isang elegante at kapaki-pakinabang na templeyt para sa mga bloggers. Ito ay akma sa WordPress at ginagamit ang Flickr para sa pagsasaayos at pagpapakita ng mga litrato. Ito ay madaling gamitin at sumusuporta sa Twitter at Facebook login. Ang push notifications ay pinagagana ng Pushwoosh.

Selig

NewsMob

Ang NewsMob ay nag-aalok ng pangkalahatang solusyon. Ang aytem na ito ay mayroong templeyt na Ionic pati na rin isang programa, na nagpapagana sa aplikasyon sa telepono gamit ang data. Ang programa ay nagpapahintulot sayo upang makagawa ng mga nilalaman, mamahala ng mga users, at magpadala ng push notifications. Interesado? Subukan ang demonstrasyon na mayroon sa CodeCanyon.

NewsMob

Local Business Ionic

Ang templeyt na ito ay nakatutok sa mga lokal na negosyo. Ang disenyo ay simple ngunit madaling gamitin. Ang templeyt ay mayroong ilang kategorya ng nilalaman, katulad ng mga balita, mga produkto, mga serbisyo, at mga talaan. Ang templeyt na ito ay simple lamang, ngunit minsan ito ang iyong kailangan.

Local Business Ionic

IonFullApp

Ang templeyt na ito ay may kahanga-hangang listahan ng mga tampok at, kasinghalaga nito, ito ay talagang dokumentado. Ito ay pinagagana ng WordPress at gumagamit ng ilang Ionic plugins upang dumagdag ng suporta para sa push notifications, ads, integrasyong audio at video, at serbisyong panlokasyon. Ang templeyt ay may katangi-tanging disenyo na madaling gamitin upang umakma sa pangangailangan ng iyong proyekto.

IonFullApp

Ionizer

Ang layunin ng Ionizer ay upang maisabay ang mga debeloper sa pag-unlad na Ionic nang mabilis. Bilang resulta, ang templeyt ay siksik sa mga tampok at akma sa ilang serbisyo, katulad ng WordPress, Firebase para sa chat na pangkasalukuyan, YouTube, at Rotten Tomatoes. Ang templeyt ay nag-aalok ng maraming pagpipilian na user interface at paraan ng nabigasyon, kagaya ng infinite scroll, scroll, responsive cards, at pull-to-refresh.

Ionizer

Gumawa ng Ionic Template at manalo ng $1000

Kung ikaw ay komportable na sa Ionic framework, maaaring naisin mong sumali sa Envato’s Most Wanted contest for Ionic templates. Paano? Gumawa ng katangi-tanging Ionic na templeyt at isumite ito sa Envato Market bago mag-ika-27 ng Abril 2016.

Ang limang pinakamahusay na templeyt ay tatanggap ng $1000. Interesado? Magbasa pa sa website ng paligsahan para sa mga detalye tungkol sa mga kinakailangan at mga alituntunin sa paligsahan. Kung kailangan mong panariwain ang iyong kakayahang Ionic, tingnan lamang ang mga sumusunod na Envato Tuts+ resources:

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.