Unlimited Plugins, WordPress themes, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Code
  2. WordPress Widgets
Code

10 Pinakamahuhusay na WordPress Twitter Widgets

by
Difficulty:BeginnerLength:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Magmula noong binago ng Twitter ang kanilang API ilang taon na ang nakakalipas, sa aking palagay ang mga third-party developers ay nag-alangan sa paggawa ng apps at plugins na nakiki-isa sa Twitter. Kapag sinama mo ang isang kaduda-dudang hinaharap at mga kamakailang pagbabago (ang pag-alis ng bilang ng Twitter), madaling makita kung bakit ang bilang ng Twitter apps at plugins ay kakaunti.

Gayunpaman, nananatiling aktibo ang Twitter, at may mangilan-ngilan pa ring developers na handang gumawa ng mga maaaring kalutasan na makiki-isa rito. Maging ang pag-alis ng bilang ng Twitter ay hindi naging hadlang sa mga mapaparaang developers upang makahanap ng mga alternatibong solusyon.

Mula sa isang taong nananatiling nasisiyahan sa Twitter at patuloy ang paggamit nito bilang isang maayos na plataporma, ako ay nagagalak na ibahagi sa inyo ang sampung pinakamahuhusay na WordPress Twitter widget plugins sa CodeCanyon at libreng i-download.

1. Tweetlab – Twitter slider at Usercard para sa WordPress

Tweetlab - Twitter slider at Usercard para sa WordPress ay isang WordPress Twitter widget na maganda ang pagkakagawa.

Malalaman mong mayroon itong sapat at pinong mga katangian na aayon sa kahit anong tema.

Tweetlab - Twitter slider Usercard for WordPress

Maari mong i-handa ang iyong Twitter slider ayon sa user, search, o hashtag.

Ilan sa mga katangian nito ay:

  • 4 built-in na mga templates o gumawa ng sarili mo
  • pagsasa-ayos ng mga transitions at avatars
  • pahiga at patayong sliders
  • Twitter user card
  • at higit pa

Ito rin ay gumagana sa Visual Composer at WPML, na sa mga kadihalanang ito ay hinihirang ang Tweetlab - Twitter slider at Usercard para sa WordPress na isa sa pinakamahusay na WordPress Twitter widget plugins na mahahanap mo.

2. Twitter Messages para sa WordPress

Ginagawa nitong padaliin para sa mga web users ang pakikipag-usap mula mismo sa Twitter.

Ang Twitter Messages para sa WordPress ay nagdaragdag ito ng pindutang “Padalhan mo ako ng mensahe” na ginagawang lubos na padaliin ang pakikipag-ugnayan ng mga Twitter users sa pamamagitan ng AJAX-powered modal window.

Twitter Messages for WordPress

Hindi lamang nito sinusuportahan ang WooCommerce at profile pages para sa bbPress, BuddyPress at Ultimate Member, ito rin ay napakadaling gamitin sa mga posts, pages, at shortcodes.

Ang mga katangian nito ay:

  • paggamit ng maramihang Twitter accounts
  • WYSIWYG embed pindutan
  • pagpapaunawa tuwing may sumagot
  • caching
  • at higit pa

Napakaraming WordPress Twitter widget plugins ang naka-pokus sa timelines at Twitter cards. Masarap makakita ng isang bagay na ganito kapaki-pakinabang.

Ang Twitter Messages para sa WordPress ay isang namumukod-tangi at mabisang paggamit ng Twitter para sa mga websites.

3. AccessPress Twitter Feed Pro

Oo naman. Maaari kang gumamit ng libreng WordPress Twitter widget plugin at maipakita nito ang iyong feed.

Ngunit nanaisin mo bang gawin iyon kung ang AccessPress Twitter Feed Pro ay lubos na mas maganda!?

AccessPress Twitter Feed Pro

Ilan sa mga kakayahan nito ay:

  • pagsasaayos ng iyong cache period
  • pagsuporta sa maramihang Twitter accounts
  • pag-tweet ng pagpipilian ng display configuration
  • pagkuha ng mga pinakabagong tweets mula sa account ng kahit sino

Ngunit hindi riyan kung saan siya tunay na namamayagpag. Ito ay nasa 12 na design templates na iyong maaaring pagpilian.

Ang AccessPress Twitter Feed Pro ay napakadaling gamitin, puno ng napakaraming pagpipilian, at isa sa pinakakaaya-ayang timeline-focused Twitter widgets na iyong mahahanap.

4. Twitter Feed – Isang social plugin para sa WordPress

Twitter Feed – Isang social plugin para sa WordPress na magandang alternatibo upang maipakita ang iyong Twitter timeline.

Ang disenyo nito ay pulido, mayroon lahat ng mga angkop na katangian, at may kasamang Usage Tracker na madaling maunawaan.

Twitter Feed - Social plugin for WordPress

Ang iba pa nitong mga katangian ay:

  • lubos na napapasadyang widget (suportado ang maramihang instansiya)
  • shortcodes para sa mga static, scrolling, at sliding tweets
  • integrated shortcode editor
  • 5 ibat-ibang skins
  • at higit pa

Ang Twitter Feed – Isang social plugin para sa WordPress ay mayroon ng lahat ng inaasam-asam mo (at higit pa ng bahagya) sa isang WordPress Twitter widget.

5.Twitter Feed – Optimized para sa Search Enginges

Pagdating sa simpleng Twitter feed widget solusyon, huwag nang maghanap ng bukod pa sa Twitter Feed – Optimized para sa Search Enginge.

Ang mga SEO-friendly search engines nito ay may kakayahang basahin ang mga tweets na nasa code—ngunit sa aking palagay ang kapayakan nito ay ang lubos kong gusto.

Twitter Feed Optimized for Search Engines

Twitter Feed:

  • maaaring ayusin kasama ng CSS
  • sinusuportahan ang infinite scrolling
  • lumalabas sa kahit anong pahina
  • lubos sa pagtugon
  • at marami pang iba

Ang Twitter Feed – Optimized para sa Search Enginges ay payak, ngunit ito ay puno ng magagandang katangian at kakayahan.

6. Jet Tweet - Twitter Feed para sa WordPress

Heto pa ang isang paraan upang maipakita ang Twitter feeds.

Ang slider effect, isa sa limang predefined templates kasama ng Jet Tweet - Twitter Feed para sa WordPress, ay isa sa pinakapaburito kong Wordpress Twitter widget effects pagdating sa anyo.

Jet Tweet - Twitter Feed For WordPress

Ang mga katangian nito ay:

  • tweet box para sa inline post edit at tweet comments
  • kakayahang baguhin ang teksto bago at pagkatapos ng iyong tweet
  • kakayahang ayusin ang sukat ng avatar
  • template tags
  • at higit pa

Ang Jet Tweet - Twitter Feed para sa WordPress ay madaling i-ayos ayon sa kagustuhan at isang madaling paraan upang saliksikin ang Twitter API.

7. AngTwitter Ultimate-Wordpress Plugin

Ang Twitter Ultimate-WordPress Plugin ay nakapokus sa Twitter feed customization.

Kasama sa settings nito ay:

  • pagkontrol ng bilis
  • pagkontrol ng lapad
  • bilang ng tweets
  • autoplay
  • at higit pa
Twitter Ultimate-Wordpress Plugin

Isang katangian ng WordPress Twitter widget na bukod tangi ay ang multiple queries. Maaari mong ipakita ang tweets mula sa ibat-ibang usernames o queries.

Ang Twitter Ultimate-Wordpress Plugin ay simple, madaling i-ayon sa kagustuhan, at may ilang bukod tanging kakayahang wala sa iba.

8. Tweet to Unlock para sa WordPress

Kahit na ito’y hindi isang widget sa teknikal na salita, nais ko ring isama ang Tweet to Unlock para sa WordPress.

Ang pagdagdag ng Twitter widgets ay tungkol lahat sa pagtutulay ng ugnayan sa pagitan ng website at Twitter users—iyan mismo ang kaniyang ginagawa.

Tweet to Unlock for WordPress

Ginagawa mismo ng Tweet to Unlock para sa WordPress kung ano ang inilalarawan ng pangalan nito. Maaari kang maglagay ng content (blog posts, download links, videos, atbp.) kung saan kakailanganin muna ng bayad upang makuha. Kakailanganin ng mga users na ibahagi ang link sa Twitter upang magamit ito.

At dahil ang Google ay nagpaparusa ng mga websites na may mapang-abalang pop-ups at subscription forms, ito ay isang posibleng alternatibo na hindi makakaapekto sa iyong SEO.

9. Twitter o Jetpack by WordPress.com

Kung ikaw ay hindi interesado sa kahit anong karagdagang handog ng premium WordPress Twitter plugins, maaari mo namang gamitin ang built-in Twitter widget na kasama sa Jetpack ng WordPress.com—o ang opisyal na []. ang opisyal na Twitter widget.

Twitter or Jetpack by WordPresscom

Kung ikaw nama’y gumagamit na ng Jetpack ni WordPress.com at ang kailangan mo na lamang ay isang payak na timeline, maaari mo itong subukan. Tandaan na ang mga pagbabago sa disenyo ay limitado, at papalampasin mo ang caching pati na rin ang iba pang mga katangiang kasama sa mga opsyong premium.

Para sa mga hindi gumagamit ng Jetpack, maaari nilang subukan ang mas simpleng Twitter widget mula sa Twitter.com. Muli, ito ay isang simpleng alok, ngunit isang pagpipilian gayunpaman.

10. Ang Twitter Kit para sa mga Websites

Para sa mga may tapang sumubok, maaari kayong gumawa ng sarili niyong Twitter widget gamit ang Twitter Kit para sa mga Websites.

Mulay kay Twitter.com:

“Ang Twitter Kit para sa mga Websites ay isang koleksyon ng mga widgets na nagdadala ng Twitter content sa inyong webpage at mga pindutan upang engganyuhin ang inyong mga tagatangkilik sa Twitter na ipamahagi ang inyong content at mag-subscribe sa inyong Twitter account updates.”
Build Your Own Twitter Widget

Mga hakbang upang makapag-embed:

  • sundan ang mga pindutan
  • i-tweet ang mga pindutan
  • isahang tweets
  • timelines

Sa mga pagpipiliang ito, maaari mong siyasatin ang ibat-ibang timeline templates at  mga uri nito, kasama na rin ang pagtuklas kung paano maipapakita ang Twitter collections at higit pa.

Sa pangkalahatan, maraming paraan upang magpasadya at makagawa ng widget gamit ang Twitter Kit para sa mga Websites.

Gumawa ng sarili mong WordPress Twitter widget

Matapos suriin ang iba-ibang pagpipilian ng WordPress Twitter widget, masasabi kong malaki ang lugar para sa marami pang plugins.

Kung kaya’t bakit hindi ka nga naman gumawa ng sarili mong WordPress Twitter widget?

Maaaring ito ang pinakamainam na solusyon sa iyong website—o hindi kaya ibenta ito sa ibang WordPress users. Ang Twitter ay nag-aalok ng mga kagamitan para sa mga developers, at nagbibigay ng maraming dokumentasyon upang sila’y makapagsimula.

Marami ring WordPress How-To Tutorials, tulad ng:

Maaari mo ring gustuhing pag-aralan ang mga kursong sa Envato Tuts+ WordPress, pati na rin maghanap ng mga code ebooks na maaaring tumulong sayo sa paggawa ng sarili mong WordPress Twitter widget.

Maraming lantad na limitasyon sa Twitter API kumpara sa kung anong mayroon noong mga nakalipas na taon, ngunit may malaking lugar pa rin para sa magagandang Twitter widgets na hindi hamak na mas namamayagpag kumpara sa payak na widgets mula sa Twitter.

Pagwawakas

Sakaling hindi mo natagpuan sa sanaysay na ito ang WordPress Twitter widget na angkop para sayo, marami pang ibang WordPress Twitter plugins sa Envato Market.

Sa aking tingin ang pagbabago sa Twitter API ilang taon na ang nakakalipas ay lubhang nakapinsala sa pangkabuhayan ng third-party apps—mula sa desktop apps hanggang sa WordPress plugins—at dama pa rin natin ang pinsala nito hanggang nayon.

Iyon ay sinabi, Sa aking tingin ang kasalukuyang API ay sapat na para sa mga developer upang bumuo at suportahan ang mahusay WordPress Twitter widget plugin.

Ano ang paburito mong Twitter widget?

Mayroon ka bang kakaibang katangiang hinahanap na hindi mo pa natatagpuan hanggang ngayon?

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.