Advertisement
  1. Code
  2. PHP
Code

10 Pinakamainam na PHP URL Shortener Scripts

by
Difficulty:BeginnerLength:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Ang ino-offer ng PHP URL shortener scripts ay magbibigay ng maraming pamimilian at iba-bang antas ng pagka-complex gaya ng ibang web development solution. Ang mga Self-hosted na URL shorteners ay maaaring i-ayos na para lamang sa pribadong gamit, ngunit maaari din itong gamitin sa pampublikong paggamit.

May malaking bilang ng PHP URL shortener scripts na maaaring mai-develop sa isang tuluyang matatag na monetized na link shortening service gaya ng AdFly. Kasabay nito, ang mga shortener solutions na ito ay maaaring gamitin ng ibang marketers upang manaliksik at palawakin ang kanilang pagkukusa sa marketing-hindi pa kasama riyan ang mga gustong namomonitor ang kanilang mga personal na links ng hindi gumagamit ng mga third-party solutions gaya ng BitFly.

Kahit na ano pang shortener solution ang hinahanap mo, ito ang mga 10 Pinakamainam na PHP URL shortener scripts na tunay na makakatulong sa iyong mag-simula:

1. AdLinkFly - Monetized URL Shortener

Ang AdLinkFly - Monetized URL Shortener ay di gaya ng iyong tipikal na URL shortener. Ito’y isang matatag na sistemang idinisenyo upang magmonetize ng short URLs-gaya ng ibang shortening services gaya ng AdFly at ouo.io.

AdLinkFly - Monetized URL Shortener
“Hayaan ang mga kasapi na mag-paikli ng links at kumita ng salapi, at kumuha ng parte sa kita.”

Ang kumpletong sistemang tagalathala at taga-advertise ay kayang magsuporta ng maraming payment gateways kasama na ang:

  • PayPal
  • Payza
  • Bitcoin
  • Bank Transfer
  • at marami pang iba

Gamit ang apat na iba-bang kagamitan para sa API, admin panel, social media network login, at marami pang iba, agad mong mapapaandar ang iyong sistemang URL shortener sa lalung madaling panahon.

Ang AdLinkFly - Monetized URL Shortener ay perpekto para sa mga advertisers, at mga sistema ng pagrerefer.

2. Ang Malakas na URL Shortener | Maikling URL Script

Ang Malakas na URL Shortener | Maikling URL Script ay nag-ooffer ng maraming kapaki-pakinabang na URL shortener features-at pinapaloob ito sa isang membership-style na serbisyo.

Ang mga users ay maaaring mamili sa iba-ibang mga plano na maaaring i-customize at magbayad para sa link shortener service gamit ang PayPal, Bitcoin, bank transfer, at marami pang iba .

Mighty URL Shortener Short URL Script

Ilan sa mga features na isinama para sa mga users:

  • magdisplay ng website articles tungo sa redirect page
  • comments system sa mga pahina ng short links
  • advanced na mga istatistika at analitiks
  • social media user logins
  • at marami pang iba

Maaari ka ring mag-develop ng mga applications na pinapagana ng service, gamit ang mga advanced na API. Ang Malakas na URL Shortener | Maikling URL Script ay talagang mahusay.

3. Premium URL Shortener

Ang PHP URL shortener na ito ay naghahandog ng ilang astig na mga features at my kasama pang ilang CMS tools upang matulungan kang bumuo ng isang bagay na talagang kahanga-hanga. Maging gusto mo man ay pampubliko o pang-pribadong sistema, Kayang-kaya itong i-accomodate ng Premium URL Shortener.

Premium URL Shortener

Ang mga tampok nito ay mayroon ding:

  • isang fully-responsive na template na may kasamang template editor
  • isang full featured admin panel at makapangyarihang dashboard.
  • Facebook at Twitter user login
  • geotargeting at advanced na API
  • jQuery sa fallback

May kasama rin itong URL bookmarking system na mayroong bookmarklet:

“Ang mga URLs ay otomatikong nai-papares sa mga rehistradong mga users at nai-sesave sa kanilang mga account para sa access sa hinaharap.”

Ito ay binibigyan ang users ng kakayahang i-drag ang bookmarklet tool sa kanilang browser bookmark bar, na nagpapadaling mapaikli ang URL ng mga website na kanilang tinitignan.

Kasama na ang full documentation at support, ang Premium URL Shortener ay hindi dapat i-overlook.

4. LinkPress - URL Shortener, Links Directory at Link Management Platform

Mas maiintindihan ang iyong marketing channel performance gamit ang LinkPress - URL Shortener, Links Directoy at Link Management Platform. Binuo gamit ang PHP, MySQL, Laravel, at Bootstrap, ang management platform na ito ay maganda ring tignan kasama ang responsive at retina-ready na disenyo nito.

LinkPress - URL Shortener Links Directory Link Management Platform

Madaling magdagdag ng links ng paisa-isa, ngunit suportado din nito ang bulk import. Mas mabilis at mas madali mong mapapaikli ang libo-libong links ng isang bagsak.

Ilan pa sa ibang tampok ay ang sumusunod:

  • Disqus-powered na sistema para sa comments.
  • proteksyon mula sa mga spam at bot
  • handa para sa Google AdSense
  • link tracking na may kasamang mga stats
  • astig na API
  • at iba pa

Gamit ang sistemang ito, mayroon ka ring kalayaan na mangolekta ng detalye ng link gaya ng pamagat, paglalarawan, mga keywords, atbp. Ang impormasyong ito ay maaaring lumabas sa mga link detail cards na may previews at mga keywords.

Bumuo, mag-analyze, magpaikli at marami pang iba gamit ang LinkPress - URL Shortener, Links Directory at Link Management Platform.

5. Ang Shortny - The URL Shortener

Ang Shortny na URL Shortener ay binabawasan ang mga hindi kailangan na tampok sa ibang URL shorteners at nag-aalay ng direkta at simpleng solusyon na kayang gawin ang trabaho.

Shortny - The URL Shortener

Sa front end, ang mga users ay maaaring:

  • gumawa ng kanilang pinaikling URL
  • lagyan ng password protect ang link
  • kopyahin at i-share ang link
  • makita ang istatistika ng link

Sa back-end side naman, ang website admin ay maaaring:

  • makita ang istatistika
  • magbura ng anumang URL
  • i-edit ang website settings at mga ads

Ang Shortny - URL Shortener ay isang solidong solusyon na nagbibigay ng tamang-tamang dami ng mga features na kadalasang hinahanap ng mga tao.

6. URL Shortener sa Ads at Makapangyarihang Admin Panel

Ang URL Shortener na may Ads at Makapangyarihang Admin Panel ay isa pang sistemang kagaya ng AdFly. Kapag ang user ay pumindot sa link na gawa ng URL shortener na ito, hanggang dalawang pahina ng ads ang pinapakita bago ibunyag ang orihinal na URL.

URL Shortener with Ads and Powerful Admin Panel

Sa teknikal na panig, ilan sa mga tampok ay:

  • pinapagana ng PHP/MySQL
  • template na malayang mabago
  • may kasamang API, LESS na mga file at napagsama-samang CSS

Ilan sa mga features para sa mga user at admin ay:

  • mag-talaga ng iba-ibang pribilehiyo para sa mga admin
  • pagsuporta sa AdSense, at analytics
  • social sharing
  • maghanap ng URLs
  • at iba pa

Ang URL Shortener sa Ads at Makapangyarihang Admin Panel ay tamang-tama lang ang mga taglay na features upang mai-set up ang sarili mong advertising link shortener.

7. Ang Shortny B - Shorten sa Style

Kung naghahanap ka ng simple at patok na URL shortener, eh kailangan mong tignan ang Shortny B - na Shorten sa Style. Taglay ang responsive nitong disenyo at malinis na itsura, Ang URL redirect na pag-aadvertise ay bihirang maging ganito kaganda.

Shortny B - Shorten in Style

Kapag napaikli na ang URL, ang user ay maari nang pumili sa sumusunod:

  • mamili ng tag, taas o ibaba para sa paglalagay ng ad
  • magdagdag ng pindutan na may custom na URL
  • i-takda ang header text
  • custom na URL

Pagkatapos ay kopyahin at i-share ang iyong bagong gawang link.

Matapos mai-share ang link, tignan ang link stats:

  • pinakamataas na links
  • pinakamataas na referrals
  • at iba pa

Ang back-end admin ay nagbibigay ng kakayahan na:

  • baguhin ang website settings
  • baguhin at burahin ang mga links
  • magdagdag ng tracking scripts
  • mga web stats
  • at iba pa

Ang Ang Shortny B - Shorten sa Style ay isang eleganteng URL shortener na kailangang makita.

8. Ang Shortix – URL Shortener

Pinapadali ng Shortix – URL Shortener ang magdevelop ng di kilalan at/o sistemang naka-base sa mga nakarehistrong users. Maaaring makita ng nakarehistrong users and grapikong mga link stats at may kakayahang makakuha ng access sa nagpapaikling API, habang ang mga hindi kilalang users ay maaaring magshare ng kanilang bagong gawang shortened URL.

Shortix URL Shortener

“Ang “Shortix” ay isang payak at magandang script na hinahayaan kang simulan ang sarili mong URL shortening service, isang web service na nagbibigay ng maiiikling aliases para sa pagpapalit ng direksyon ng mahahabang URLs.”

Ilan sa mga karagdagang tampok ay:

  • PHP mail at SMTP support
  • optional na shortener API
  • proteksyon mula sa spam
  • interface na nakabase sa AJAX
  • at iba pa

Ang Shortix – URL Shortener ay madaling i-install at handang magamit para sa iyong susunod na proyekto.

9. URL Shortener

Isa sa mga pinakasimpleng URL shorteners ay ang URL Shortener.

Pero wag mong hayaang malinlang ka ng pagkapayak nito. Ito ay marami pang karagdagang kakayahan.

URL Shortener

Ilan sa mga tampok nito ay ang sumusunod:

  • nag-gegenerate ng QR code para sa mga pinaikling URL
  • pagpapatunay gamit ang Google, Bing at Yandex
  • suportado ang AdSense at mga analytics
  • social share buttons
  • pindutan na auto-copy
  • pinapagana ng AJAX
  • developer API
  • at iba pa

Gamit ang makapangyarihang admin panel at madaling pang-install, maaaring ang URL Shortener ang matagal mo nang hinahanap.

10. Ang URL Shortener Script na may Statistics

Ang URL Shortener Script na may Statistics na mga pakete ay tunay na sulit. Gamit ang Google Shortener API, ang PHP URL shortener script ay parehong mahusay at maganda.

URL Shortener Script with Statistics

Dahil pinapakilos nito ang Shortener API ng Google, “nagbibigay ito ng advanced na istatistika mula sa Google, gaya ng mga referrals, mga browsers o ang operating system na gamit ng mga bumibisita”

Ilan sa mga karagdagang tampok ay ang sumusunod:

  • Mga bisita ng World Map mula sa Google Shortener API
  • mga shortlinks na pwedeng may custom alias
  • malinis at tunay na responsive na disenyo
  • shortlink na nilikha sa pamamagitan ng QR code
  • 3 lugar na handa para sa AdSense
  • at iba pa

Ang URL Shortener Script na may Statistics ay isang kahanga-hangang solusyon na nagbibigay ng parehong porma at gamit.

Tanungin ang mga Tamang Tanong

Anong uri ng PHP URL shortener script ba ang hinahanap mo?

Maraming mga bagay na kailangang isa-alang-alang:

  • Gusto mo bang pagkakitaan ang iyong sistema sa pamamagitan ng pagaadvertise?
  • Kung gayon, gusto mo bang gamitin ang redirects mula sa pag-aadvertise o maglagay lang ng mga ads sa iyong URL shortener website?
  • Anong mga istatistika ang pinakamahalaga sa iyo, kung mayroon man?
  • Gusto mo bang gamitin ang sarili mong API?
  • Papaano ang mga user accounts? O gusto mo bang hindi kilala ang pag-gamit ng shortener?

Ilan lamang ito sa mga malawak na tanong na kailangan mong itanong sa iyong sarili. Gugustuhin mong magtanong ng ilan pang mga tiyak na tanong, depende sa iyong proyekto.

Konklusyon

Sapagkat mayroong malawak na espektro ng PHP URL shortener scripts sa loob ng limitadong bilang ng mga solusyon, importanteng pag-isipang mabuti kung ano ba talaga ang nais mong malikha, at intindihin ang problema na gusto mong solusyonan bago maghanap ng mga kasagutan.

Kung hindi mo mahanap ang solusyong hinahanap mo, maaari mong pag-isipang gumawa ng sarili mo. Sa Envato Tuts+, makakahanap ka ng sari-saring mga mapagkukunan ng kaalama sa PHP, gaya ng maraming pagtuturo sa PHP, mga eBooks ng mga code, at mga video code na mga kurso. Mayroon silang mga kurso para sa mga baguhan sa PHP, gaya ng PHP Fundamentals o mga mas mahihirap na mga kurso gaya ng PHP Object Oriented Programming Fundamentals. Anuman ang iyong istilo sa pag-aaral, makakahanap ka ng kurso sa PHP na makakatulong sa iyo.

At kung interesado kang malaman kung ano pang ibang PHP scripts ang maaari mong makuha, tumingin lamang sa Envato Market.

Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.