Unlimited Plugins, WordPress themes, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Code
  2. Smart Watch App
Code

Pangkalahatang-ideya ng Wearable Development Platforms

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Mabilis ang pagbabago sa teknolohiya, at ang pinakabagong kagamitan sa ngayon ay nagiging wala na sa uso sa isang iglap. Sa isang dynamiko at umuusbong na kapaligiran ng teknolohiya, ang mga developers ay maaring tila nalilito. Lahat tayo ay gustong makahanap ng pinakamagandang paraan na pagmumulan ng ating kaalaman at ang pagsisikap sa pag-unlad.

Maraming mga teknologo ang naniniwala na nalalapit na ang pagtatapos ng ginintuan panahon ng mga smartphones. Isang buong makabagong hi-tech na naisusuot na aparato ang humigit-kumulang ay papalit sa mga smartphones sa darating na panahon. Ano kaya ang magiging itsura ng mga teknolohiya at mga aparato na ito? Ang mga naisusuot na ito ay may saklaw na sukat mula sa mga relos sa pamamagitan ng smart glasses at smart rings. Araw-araw, nagiging paliit ng paliit ang sukat nito at nadadagdagan ang pagganap nito rin.

Ang mga aparato na ito ay nasimulan nang muling tukuyin ang parisan ng pakikipag-ugnayan ng gumagamit, kilos ng gumagamit, at kung minsan ay pati na rin ang pamumuhay ng gumagamit. Sa artikulong ito, matututunan mo ang pinakabagong umuusbong na naisusuot na aparato na mga plataporma kung saan ay maari kang bumuo ng apps.

1. Smartwatches

Bagama’t ang mga smartwatches ay halata naman na ito ang susunod na hakbang, inabot sila ng ilang saglit para hamunin ang nangungunang posisyon ng smartphones. Na higit sa lahat ay dahil sa problema sa pakikipag-ugnayan na nauugnay sa maliit na sukat ng screen at mahinang buhay ng baterya.

Karamihan sa mga standalone smartwatches ay nagsimula bilang isang “kasama” ng smartphone. Gayunpaman, ang mga bagay ay nagbabago ng mabilis. May ilang mga smartwatches na hindi na kailangan ipares sa smartphone ay mayroon na. Ang pinakahuling pagbabago ay pinahusay at nilinang ang pakikipag-ugnayan ng gumagamit at kasanayan ng gumagamit sa pinakamalawak na saklaw.

Kung gusto mong bumuo ng para sa smartwatch platform, maari mong isaalang-alang ang isa sa mga sumusunod.

1.1 Android Wear

Ang Android Wear ay isa sa nangungunang smartwatch platforms. Ang pinakabagong bersyon, Android Wear 2.0, ay may tinanggal na maraming diprensya ng naung bersyon at mayroon din talagang kakaibang tampok. Ang mga smartwatch na pinapagana ng platform na ito ay maari nang sa ngayon ay gumana bilang standalone devices, ibig sabihin hindi na nila kailangan pang umasa sa smartphone. Ang UI ay naging mas nilinang, mas nababasa, at mas madaling mag-navigate kaysa noong nauna. Ito rin ay may tampok na buong QWERTY keyboard para anggumagamit ay maaring mag-type sa aparato mismo. Ang pinaka-magandang bagay ritoay direkta itong may daan sa Google Play store, na hindi na umaasa sa smartphone para sakoneksyon.

Kung kaya’t malinaw na ang Android Wear ay nag-aalok ng mas magandang oportunidad para sa mga developer na magsaliksik. Maari kang magsimulang bumuo ng maski alin sa watch faces o iba pang Android Wear apps. Ikaw ay malayang makakapag-eksperimento na may malawak na saklaw ng supported sensors, kabilang ang Bluetooth, WiFi, LTE, GPS, NFC, at ang heart rate sensor. Ang Android Wear 2.0 sa ngayon din ay sumusuporta sa third-party input methods. Kaya’t kung ikaw ay nag-iisip na bumuo ng makabagong banayad na keyboard para sa relo, ito na marahil ang pagkakataon para dito.

1.2 Apple Watch

Ang pinakabagong modelo ng Apple Watch, Ika-3 serye, ay may dalawang klase. Isa lamang ang may opsyonal na LTE cellular connectivity, ngunit parehas na nilagyan nang onboard GPS. Habang isa sa kanila ang nagpapahintulot ng standalone mode, parehas ay na-optimize na gamitin nang sabay sa smartphone. Maari kang makabuo ng ideya na may mga kakaiba at makabagong app upang magamit ang built-in GPS, LTE connectivity, altimeter at Siri, ang voice assistant.

Ang Apple na kamakailan lamang ay naglabas ng watchOS 4, ang pinakabagong bersyon na naisusuot na OS. Naayos na din nila ang ibang mga bugs at mga isyu, lalo na yung mga may kinalaman sa LTE connectivity. Hindi ka na dapat mag-alala tungkol sa pag-link nito sa panlabas na mundo at higit na pagtuonan ang iyong mga app development business.

1.3 Samsung Gear S Series

Habang ang Tizen ay hindi kasing kilala gaya ng Android o iOS kabilang sa mga gumagamit ng smartphone, ito’y mayroon malaking pangalan sa sektor ng smartwatch. Ang Samsung Gear smartwatch, na pinapatakbo ng Tizen OS, ay pangalawa sa pinakamalaking bahagi ng merkado sa sector na ito.

Dapat mong isaalang-alang ang kakaibang mga tampok ng relo kung ikaw ay bumubuo ng apps. Ang mga tampok na ito ay saklaw ang speech to text, GPS, in-app purchases, at espesyal na elemento ng UI kung tawagin ay Widget na nagbibigay ng madaling daan sa madalas na ginagamit na gawain. Ang pinakabagong bersyon ay ang Gear S3, at yan din ay maaring gamitin bilang isang standalone device. Kailangan mo lamang gumamit ng Tizen Studio para magawa na ang iyong ideya na app ay maging katotohanan.

2. Fitness & Activity Trackers

Ang ilang mga tech vendors ay nakalikha ng mga naisusuot na nagsisilbi sa partikular na pangangailangan ng may tiyak na gawain, sa halip na subukang gumawa ng maliliit na mga smartphone. Isang ganyan merkado na gawain ay binubuo ng mga atleta, mga tao sa isport, at mga mahilig sa panlabas na abentura.

Ang mga Naisusuot na nagsisilbi sa sektor na ito ay hindi tinangkang palitan ang mga smartphone ng mga gumagamit. Sa halip, ay mas malamang na palitan nito ang kanilang mga karaniwang relo. Ang mga aparato na ito ay nagbibigay ng mas tamang katugunan sa gumagamit ng kanyang mga aktibidad sa isports. Karamihan sa kanila ay tinaggal ang bersyon ng OS at mga tampok sa hardware, para makapag-pokus sila na magpakadaluhasa sa kanilang tungkulin. Kaya’t kinailangan din nilang lubhang mapabuti ang buhay ng kanilang baterya.

2.1 Fitbit

Ang Fitbit ay isang tracker ng aktibidad na maari din maging relo. Ito ay naka-pares sa isang smartphone upang makapagbigay ng komprehensibong ulat sa pagganap na pag-eehersisyo Ang mga gumagamit ay maari nang magtakda ng pang araw-araw na layunin, gaya ng bilang ng calories na susunugin, at pagkatapos ay titignan ang kanilang naging progreso tungo dito sa loob ng ilang punto. Ang pagbubuo ng apps para sa Fitbit ay madali lamang kung ikaw ay may karanasan sa JavaScript, CSS, and SVG. Fitbit OS ito ay isang pirasong software na maasahan kung saan ay nagawa nitong ang fitness tracker ay talagang kapanapanabik at madaling gamitin.

Maari kang gumamit ng Fitbit Studio, ang opisyal IDE para sa Fitbit OS, para bumuo ng apps at mga mukha ng relo. Kung gusto mong ipamahagi ang iyong apps, maari mo din itong gawin, sa pamamagitan ng pag-upload ng mga ito sa App Gallery.

2.2 Garmin

Ang Garmin ay mayroon mga serye ng naisusuot na nakatuon sa mga atleta, mga adik sa pag-ehersisyo, at mga mahilig sa panlabas na abentura. Halos lahat ng kanilang mga aparato ay may nakatalaga nang GPS, monitor para sa heart rate, at dose-dosenang mga magagamit na sensors at mga katangian.

Maari mong gamitin ang Garmin’s Connect IQ SDK at pumili mula sa numero ng APIs gaya ng Health API, Connect API at iba’t-iba pa para bumuo ng apps. Ang developer website ay puno ng mga karagdagang mga kasangkapan at mga mapagkukunan gaya ng GIS software, digital map datasets, at marami pang iba.

2.3 Samsung Gear Fit

Samantalang ang Gear S ay isang buong tampok na smartwatch, Ang Gear Fit ay mas nakakiling tungo sa fitness tracker market. Maari kang gumamit ng parehas na tools na ginamit mo para sa Gear S, ngunit ang isang bagay lamang na kailangan mong mabatid sa isang ito ay ang kakaibang tungkulin nito bilang isang fitness tracker.

3. Smart Glasses

Ang Smart glasses ay may alok na kakaibang karanasan na lubos na kakaiba mula sa lahat ng naisusuot sa kamay. Hindi nila hinihiwalay ang gumagamit mula sa totoong mundo gaya ng ginagawa ng VR headsets, ngunit sa halip ay hinalo ito sa katotohanan. Sa karaniwan ay ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng layer ng impormasyon sa ibabaw ng user’s view sa tunay na mundo.

Ang mga smart glasses ay maaring gamitin sa iba’t-ibang sitwasyon mula sa apps ng pangkalahatang konsumo hanggang sa mataas na teknikal at tungkulin pang-industriya na gawain. Isang mahalagang halimbawa ay ang para sa pagkumpuni ng mga kagamitan. Nakikita ng tekniko ang aktwal na kagamitan mula sa smart glasses, at isang AR app ang makapagbibigay ng mas higit na tulong sa pamamagitan ng pagkilala sa lahat ng parte na hinahawakan ng tekniko at ipinapakita ang impormasyon tungkol dito sa isang overlay.

3.1 Epson Moverio

Ang Epson ay nangunguna sa sector na ito, at ang pinakabagong mga modelo ng Moverio ay isinama ang Moverio BT-300, BT-350, at BT-2000 Pro mga bersyon. Bagama’t hindi nito sinusuportahan ang cellular data connectivity, maari mong gamitin ang built-in Wi-Fi o Bluetooth para mai-kabit ang mga ito sa kahit anong suportadong aparato.

Ang Epson smart glasses ay gumagamit ng Android OS at ito ay may sangkaterbang bilang ng mga sensor gaya ng GPS, geomagnetic sensor, accelerometer, gyroscope, at illumination sensor. Ngayon ikaw din ay maaring maging isang AR app publisher, sa pamamagitan ng pag-rehistro sa kanilang developer website at gamit ang Moverio SDK plus ang optimized tools para lumikha ng apps.

3.2 Daqri

Hindi katulad ng Epson, na mas nakakiling tungo sa mga mamimili, tumuon ang Daqri sa enterprise clients. Ang smart glasses at smart helmet ay kapaki-pakinabang sa ilang bilang na paggamit na pang indutriyal at medikal. Ang platform ay makapagbibigay ng real-time data visualization, tagubilin sa trabaho, at remote expert assistance. Maari mong i-download ang SDK bilang isang extension para sa Unity, at kaagad na magsimulang mag-coding.

3.3 Sony SmartEyeglass

Ang Sony SmartEyeglass ay nakatuon lalo na sa mga developer na gustong mag-eksperimento sa mga pinakabagong AR apps. Ito ay mayroon naka-embed na kamera, mikropono, accelerometer, gyroscope, compass, at brightness sensors. May layer ng monochrome green text na nakikita sa binocular see-through lenses, na nakapagbibigay sa gumagamit ng impormasyon.

Ang mga glasses na ito ay kailangan mai-pares sa smartphone para gumana. Ang Sony ay nag-labas din ng isang SDK, pinapayagan ang mga developer na mag-eksperimento sa may ilang magagandang ideya ng apps.

3.4 Vuzix

Ang Vuzix ay mayroon saklaw ng mga naisusuot na produktokasama ang smart glasses, smart sunglasses, at video headphones. Sila aynakapagsisilbi sa kapwa mamimili at mga magkatulad na propesyonal, at maaring sumakopsa malawak na hanay ng mga aplikasyon gaya ng sa industryal, medikal, tingi,remote help desk, at marami pang iba . Siguraduhin na mag-rehistro sa developer website at simulan ang pagbuo pagkatapos mag-download ng SDK.

4. VR Headsets

Habang ang VR headsets ay maaring gawin na ang nagsusuot ay magmukhang katawa-tawa sa iba, sila ay may alok na talaga namang nakaka-engganyo na mararanasan ng gumagamit na walang ibang naisusuot ang makapagbibigay. Sa kasalukuyan, ang pinaka-maasahang aplikasyon ay ang mga apps na pang-libangan gaya ng mga laro, ngunit mayroon mga bahagi na maaring siyasatin.

Ang isa sa mga bahagi ay ang training simulations. Ang mga tagapag-empleyo ay maaring gumamit ng VR headsets at simulated virtual tasks na gagawin ng mga trainees. Ito ay makakatulong dahil mababawasan nito ang halaga at nakakuha ng epektibong katugunan sa pagganap din. Ang Immersive educational content ay paniguradong magiging isang pamatay na app.                                                            

Ang kasalukuyang VR headsets ay puno ng napakaraming mga sensor na may kaugnayan sa spatial, magnetic, optical at thermal na datos ng kapaligiran ng gumagamit. Sila ay may kapasidad na iharap ang nagsusuot na may real-world view, virtual world view, o kumbinasyon ng dalawa. Magagawa nito na maging talaga naman makapangyarihang aparato na magkakaroon ng malaking epekto sa lahat.

Narito ang ilan sa mga pinakasikat na VR headset platforms.

4.1 HTC Vive

HTC’s Vive VR headset na may kasamang kumpletong pangkat ng kagamitan na makakatulong sa makatotohanang VR spaces na kung tawagin ay play areas. Ang mga gumagamit ay kailangan iayos ang kanilang mga headset kasama ng mga kagamitan at tukuyin ang play areas bago ito gamitin. Kung nais mong ilathala ang VR apps, mag-rehistro lamang bilang isang developer sa Vive’s app store, Viveport, at simulan ang pagbuo ng bagong mundo gamit ang Viveport SDK. Sinusuportahan din ng SDK ang ilan OS at game engine platforms, para ikaw ay makapili nang bersyon na uugma sa iyo ng pinakamabuti. Maari mong ilathala ang iyong VR games sa tanyag na SteamVR app store din.

4.2 Oculus Rift

Isa pang nangungunang platform sa VR space, Oculus na nag-aalok ng mahusay na karanasan sa VR at pakikipag-ugnayan ng gumagamit. Ang SDK nila ay mayroon iba’t-ibang bungkos, kabilang ang Platform SDK at kagamitan para sa Unity game engine. Ang tanyag na game engine Unreal ay nag-aalok din ng built-in support para sa developing Oculus apps.

4.3 Samsung Gear VR

Ang Samsung Gear VR ay hindi isang standalone VR headset, ngunit isa lamang lalagyan ng aparato para sa katugmang smartphones na makapagbibigay ng VR experience. Ginawa ito ng Samsung sa pakikipagtulungan ng Oculus, at sinusuportahan nito ang Samsung’s flagship handsets. Ang headset device ay umaakto bilang kontroler, nagbibigay ng optics pati na rin bilang isang head tracking mechanisms, at iba pa. Ito ay kumokonekta sa smartphone sa pamamagitan ng USB at dapat na i-kalibrate bago gamitin. Bagama’t ang pag-ayos sa pagbuo ng kapaligiran ay medyo nakakaubos-oras, ito’y sulit na maging isang developer para sa isa sa pinakabagong tech platforms na mayroon ngayon.

4.4 Google Daydream View

Ang Daydream View ay halos kaparehas din sa Gear VR, ngunit ang isang ito ay nakabalot ng tela at may mas mababang timbang kaysa sa aparato ng Samsung. Ang Google ay kasalukuyang nagsimulang makipagtulungan sa Lenovo sa pagbuo ng isang standalone VR headset, ngunit ito’y hindi pa muna darating. Pansamantala, ang Google ay nag-aalok ng apat na SDKs para sa developers nang sa gayon ay makapili sila Android, Unity, Unreal, o iOS bilang kanilang pangunahing development platform.

4.5 Sony PlayStation VR

Ang Sony’s VR headset ay nakikipag-kumpitensya din na halos pantay sa ibang tanyag na platforms gaya ng Oculus, ngunit ang maging isang developer ay talaga namang napakahirap. Kailangan ay nasa lugar ka nila talaga sa ilan piling bansa, mayroong static IP address upang maka-access sa developer support, at isumite ang tax ID number ng iyong amo. Ang ibig sabihin nito ay ang mga corporate developers lamang ang pinapayagan.

4.6 Windows Mixed Reality

Habang ang karamihan sa ibang VR headsets ay umaasa lamang sa panlabas na sensors para sa motion tracking, Windows Mixed Reality headsets ay naka-built in ang lahat ng sensors. Kung kaya’t hindi na kailangan mag-ayos pa ng lugar gaya ng play areas (gaya ng sa kaso ng HTC Vive), ngunit ibig sabihin ay ang kakayahan ng tracking nito ay medyo limitado.

Mayroon ilang mga nagtitinda ang gumagawa ng Windows Mixed Reality headsets. Lenovo, HP, Samsung, Acer, and Dell ay kabilang sa kanila. Mayroon napakaraming mga artikulo at iba pang mapagkukunan sa Microsoft HoloLens developer website para makatulong sa iyo upang makatindig at makatakbo.

4.7 Google Cardboard

Ito ang pinaka low-tech item sa isang ultra-hi-tech list: tinangka ng Google na isama ang VR experience sa masa sa napakababang halaga. Ang Google Cardboard aparato ay talagang binubuo ng karton, at humahawak ng smartphone at plastic na lente upang makapgbigay ng isang VR experience. Ang Google ay naglathala ng kumpletong manufacturer kit para ang mga developers ay magsimulang bumuo ng lahat magsimula sa umpisa. Ang tangi lamang na kailangan nilang bilhin ay ang smartphone at ang mga lente.

5. Smart Rings

Ang Smart rings marahil ay ang susunod na ebolusyon ng smartwatches. Bilang ang mga naisusuot ay paliit ng paliit, ang ugnayan sa kanila ay nagiging isang tunay na hamon para sa mga developers. Gayunpaman, sa tulong ng ilang hindi kinaugaliang paraan ng ugnayan, gaya ng gesture control, ang mga ito ay maaring malutas. Sa ilalim ay ang dalawa sa pinakabagong smart ring platforms.

5.1 Talon

Ang Talon rings ay maaring ikabit sa ilan saklaw ng mga aparato mula smartphones  at sa tablets at smart TVs. Hindi lamang iyan, maari din silang gamitin bilang isang remote control para i-switch on o off ang smart lights. Isang bagong mundo ang bumukas kapag iniisip mo ang mga apps na maaring malikha. Maari mong kontrolin ang ibang mga aparato o mapahusay ang karanasan ng gumagamit ng ibang apps. Kung kaya’t mag-rehistro bilang isang Talon developer at humiling ng SDK access. Ikaw ay lilikha ng kahanga-hangang, futuristic apps ng saglit lamang.

5.2 NFC Ring

Ang NFC Ring ay may malawak na saklaw ng aplikasyon gaya ng access kontrol, paglipat ng datos, at mga bayarin. Tunay na malikhaing mga developer ay malayang makakagawa ng mga magagandang ideya at isalin ang mga ito sa apps gamit ang SDKs at iba pang tools.

Konklusyon

Sa artikulong ito ating daglian titignan ang pinakabago at umuusbong na wearable development platforms na papalit sa smartphones sa hinaharap. Ang teknolohiya ay mabilis na nagbabago kung saan ay imposibleng masabi kung alin sa mga ito ang tunay na mangingibabaw. Kung kaya’t lumabas ka at simulan nang mag-eksperimento!

Habang ikaw ay narito, tignan ang ilan sa aming mga ilang mga pinaskil ukol sa smartwatch at wearable app development.

Mayroon din kaming kumpletong kurso na magpapakita sa iyo kung paano lumikha ng naisusuot na app mula simula hanggang katapusan para sa tanyag na Android Wear o Apple watchOS platforms.


Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.