Unlimited WordPress themes, graphics, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Code
  2. iOS
Code

Dalhin sa Ibang Lebel ang Iyong Laro sa Mobile Gamit ng Disenyo, Tunog at Musika

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Kailangang nakakaengganyo at maganda ang pagkakadisenyo upang maging matagumpay ang isang laro. Subalit, ang kalakhan ng mga game developer ay hindi mahuhusay na mga taga-disenyo. At hindi ito tumitigil sa disenyo. Kasinghalaga nito ang tunog at musika upang makaakit ng mga manlalaro sa iyong laro.

Hindi kinakailangang marunong magdisenyo o sumama sa isa upang bumuo ng magandang laro. Mahahanap mo ang lahat ng kakailanganin para sa iyong laro sa Envato Market. Sa artikulong ito, ika’y bibigyan ng buod ng iyong mga mahahanap sa Graphic River at Audio Jungle na makatutulong sa paglikha ng sunod mong laro sa mobile.

1. Mga Game Kit

Ang Envato Market ay isang magandang mapagkukunan ng orihinal, mataas na kalidad na mga sangkap para sa iyong sunod na laro. Maging endless runner o tower defense na laro man ang iyong binubuo, ika’y makahahanap ng maraming magagandang game kit sa Graphic River. Ika’y aking pakikitaan ng halimbawa.

Strategy Game Kit

Ang game kit na ito ay puno ng mga graphic, mula sa mga background at menu at, siyempre, mga tanke, bala at bomba. Ang item na ito ay marami ring mga GIF upang ipakita ang mga kayang maatim gamit ang mga kasamang sangkap.

Tank Wars

Platform Game Kit

Bagaman ilang dekada na ang lumipas mula ng linikha ang mga platform game, mas kilala ang mga ito ngayon, lalo na sa mga mobile device. Ang game kit na ito ay maraming mapagpipiliang mga background, tauhan, obstacle at menu para sa iyong sunod na platform game. Ang item na ito ay mayroong ding mga GIF na makatutulong sa iyo.

Platform Game Kit

Pixel Art Game Kit

Kung ikaw ay may edad na at mayroong pagkiling sa pixel art, iyong magugustuhan ang sunod na game kit. Taglay ng item na ito ang lahat ng mga sangkap na iyong kakailanganin upang bumuo ng isang klasikong platform game tulad ng Sonic the Hedgehog o Super Mario Bros.

Ang item na ito ay mayroong iba’t ibang mga file para sa pagbuo ng mga level ng iyong laro,  mga tauhan, background, obstacle at artifact. Ang may-akda ay lumikha ng mga pixel art game kit na maaari mong pagpilian. Tignan ang koleksyon sa Envato Market.

Pixel Art Game Kit

Pong Game Kit

Malamang ay iyong alam, o ‘di kaya’y nalaro na, ang sikat na larong Pong. Sa paglipas ng mga taon, maraming mga baryason ng tema ang nailabas. Sakaling iyong planong bumuo ng katulad na laro, maaaring iyong magustuhan ang item na ito. Ang may-akda ay ginamit ang soccer bilang inspirasyon para sa baryasyon nito ng kilalang laro mula sa seventies. Mayroon itong mga menu, mga playing field, animation, at marami pang iba.

Pong Game

Jump Game Kit

Ang game kit na ito ay tamang-tama para sa iyong sunod na mga jump game. Mayroong itong taglay na malawak na mapagpipiliang mga sangkap kabilang ang mga tauhan, katunggali, menu, collision, at background. Ang mga likhang-sining ay nakamamangha at maaaring makuha sa iba’t ibang mga file format.

Jump Game Kit

Card Game Kit

Mayroong daan-daang mga card game at sikat ang mga ito sa mga mobile device, mula patience hanggang poker. Lahat ng iyong kakailanganin upang makalikha ng card game ay matatagpuan sa item na ito. Mayroon din itong poker, mga chip, texture, at background.

Card Game Kit

2. Mga Game Asset

Kung hindi ka naghahanap ng game kit, maaari ka pa ring matulungan ng Envato Market. Ang Graphic River ay nag-aalok ng libo-libong mga item para sa mga game developer, tulad ng mga background, tauhan, obstacle, pattern, at marami pang iba. Tignan ang mga sumusunod na mga pinili.

Mga background

Vitaly Vill

Vitaly Vill

Creativerush

Creativerush

Sprites

2D Knight

2D Knight

Ninja

Ninja

GUIs

Forest Game GUI

Forest Game GUI

Playful GUI

3. Mga Sound Effect

Ang Audio Jungle ay isang magandang batis ng mapagkukunan ng mga tunog at musika para sa mga laro. Nag-aalok ito ng libo-libong mga item para sa mga game developer. Hindi ka matutulungang makita ang iyong mga hinahanap sa pamamagitan ng pagpapakita sa iyo ng listahan ng mga item.  Sa halip, bisitahin ang Audio Jungle at tignan ang kategorya na Game Sounds. Maaaring kang magdagdag ng ilang mga filter upang mahanap ang iyong hinahanap dahil mayroong libo-libong mga item na maaaring pagpilian.

4. Game Music

Ang isang magandang laro ang nangangailangan din ng Musika. Ang isang laro ay agad na magiging nakakayamot kung ang iyong naririnig ay puro mga sound effect o, mas malala pa rito, wala. Maaari kang tulungan din dito ng Audio Jungle.  Nag-aalok ito ng mga mapagpipiliang mga item para sa iba’t ibang uri ng mga laro. Mahalaga na tumingin ng mga item na madaling mailalagay sa isang loop, tulad ng casual gameplay loop ng Ghetty.

Konklusyon

Kahit pa gaano kaganda ang iyong laro, hindi ito makukumpleto kung hindi maganda ang disenyo, tunog, at musika.  Aking inaasahan na naipakita ng artikulong ito na hindi mo kailanganan gumastos ng malaki upang matagpuan ang iyong hinahanap. Bisitahin ang Graphic River at Audio Jungle upang mag-umpisa. 

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.