Unlimited Plugins, WordPress themes, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Code
  2. WordPress
Code

Paano Ihanda ang Iyong Site para sa WordPress Gutenberg

by
Length:MediumLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Ang Gutenberg ay parating na sa WorPress sa lalong madaling panahon.Handa na ba ang iyong website? Habang hindi pa natin lubos na alam kung ano magiging itsura nito, ang bagong content system na ito ay idadagdag sa Wordpress core sa hinaharap.  Tingnan natin ang maaaring maging epekto nito sa iyong site, at mga paraan na iyong matutukoy, at maaayos, mga problema ng mas maaga.

Ano ang Gutenberg?

Ang Gutenberg ay proyekto ng WorPress na naglalayon na bigyan ang mga users ng higit na flexibility sa disenyo ng kanilang content. Sa katunayan, ang proyekto ay naglalayon na palitan ang kasalukuyang editor, kung saan kadalasan ay gumagana bilang word processor, na may mas higit na visual at structured interface. Sa kasalukuyan, ang Gutenberg ay isang plugin, at binibigyan nito ang mga users ng kakayahan na baguhin ang kanilang content na katulad sa kung paano gumagana ang Visual Composer o iba pang drag-and-drop editors — kahit na sa pinasimple at sadyang magaling na paraan.

Kung gusto mong mas malaman ang tungkol sa kung ano talaga ang Gutenberg, tingnan ang aking nauna nang post na “Ano ang WordPress Gutenberg?

Ang Mga Bahagi ng Iyong Site

Ang Gutenberg ay malaking pagsasagawa at sa malamang ay sasakupin ang malaking bilang ng endpoints sa loob ng iyong website.Narito ang tatlong bahagi na lilinisan natin ng mga isyu:

  • Ang Iyong Theme: Ang Gutenberg ay mayroong sariling set ng mga istilo ng content. Tugma ba ito sa iyong theme? Ano magiging itsura nito kapag may Gutenberg?

  • Ang Iyong Plugins: Posible na ang Gutenberg ay makaapekto sa iyong ibang plugin sa hindi inaasahang paraan. Titingnan natin kung ano man ang mga iyon, at kung ano ang gagawin tungkol sa mga isyu na lalabas.

  • Ang Iyong Content: Ang Gutenberg ay makakaapekto kung paano maipapakita ang iyong content. Susuriin natin kung papaano ito maaaring magbago ng itsura ng iyong pahina, at titingnan natin ang ilang mga posibleng solusyon kung ikaw ay nagkakaproblema.  

Pag Set Up ng Testing Area

Bago tayo magsimula, magandang ideya na mag set-up ng testing area kung saan maaari kang mag eksperimento sa Gutenberg nang hindi sisirain ang iyong live site. Tama lang na i-set up ang iyong sariling testing area o gumawa ng local copy ng iyong site.Para sa karagdagan kung paano gawin ang alin man sa dalawa, tingnan ang sumusunod na pagtuturo:

Kapag alimanman sa mga ito ay hindi posible, maaari mong gawin ang testing direkta sa iyong site. Subalit, tandaan na maaaring ito ay delikado, dahil ia-activate at deactivate natin ang ilang bagay sa iyong site. Kapag ginagawa mo ang testing ng live, kung maaari sana na siguraduhin na makagawa ng backup ng iyong site bago magsimula.

Kapag alam mo na kung saan mo gagawin ang testing, pumunta sa plugins directory at hanapin ang Gutenberg. Kapag na-install at na-activate na ito, ituloy ang pagbabasa.

Ilagay Ang Iyong Theme Sa Pagsubok

Ngayon na na-install na ang Gutenberg, tingnan natin ang unang bahagi ng iyong site na maaaring maapektuhan; ito ay theme. Kapag mayroon ng malaking problema sa puntong ito, katulad ng database errors o mga problema sa WordPress admin, pumunta sa Ano Ang Gagawin Kapag Masyadong Maraming Isyu.

Dahil ang Gutenberg ay pangunahing nakikipag-ugnayan sa content ng site, kailangan lang natin na mag test ng ilang mga bagay — suwerte natin. 

Ang una ay ang Gutenberg ay may sariling syle sheet and set ng mga istilo. Suriin bawat isa ang iba’t ibang page types at templates na ginamit sa iyong site para masigurado na lalabas pa din silang tama. Ang magiging pangunahing tuon dito ay ang elements sa pangunahing conteng ng iyong mga pahina — lalo na ang content at image blocks. Kapag nakakita ka ng kahit na anong isyu, malamang ay ang istilo ng Gutenberg ang nangibabaw sa iyong site.

Para maitama ito, kailangan mong matukoy saan nanggagaling ang problema. Kadalasan, ito ay CSS selector na nakatuon sa HTML element, o kaya maaaring ito ay prayoridad ng istilo ng Gutenberg higit sa iyong sariling classes. Ano man ang maaaring sitwasyon, subukang alamin kung saan lumalabas ang error. Sunod, tukuyin kung bakit ang istilo ng Gutenberg ay nangingibabaw kaysa sa iyong istilo, at itama ang iyong code para ito ang mangibabaw.

Subukang gumawa ng pagwawasto sa loob ng iyong sariling theme( o mas maganda sa child theme o tiyak na bahagi para sa CSS sa iyong theme), sa halip na ibahin ang Gutenberg. Kung babaguhin mo ang alinman sa files ng Gutenberg nang direkta, sa malamang na ito ay mabago kapag na-update ang plugin.

Sa parehong paraan, gusto mong bigyan ang iyong admin area ng mabilis na pagsusuri para sa anumang isyu sa styling. Ang pagpipilian sa Theme at iba pang bahagi na custom-implemented na gawa ng iyong theme ang lumalabas na pinakasalarin sa ngayon. Kapag natukoy mo na ang isyu sa styling sa mga bahaging ito, maaari mo ng ayusin ang mga ito sa pamamagitan ng pagbago o paggawa ng child theme at pag-ayos ng CSS doon.

Gumagana Ba ang Iyong Plugins?

Pagkatapos na maayos ang iyong theme, sunod ay ang plugins ng iyong site.Partikular na obserbahan ng mabuti ang ano mang plugins na nagbibigay ng shortcodes na ginagamit mo sa iyong content (halimbawa Gravity Forms), plugin na nakakaapekto sa itsura ng iyong content (halimbawa accessibility plugins na nakakaapekto sa sukat ng text), at plugins na direktang nagpapasok ng elements sa iyong pahina(katulad ng Advanced Custome Fields).

Pagsusuri sa Shortcodes

Para suriin ang bahaging ito, una ay bumuo ng listahan ng kahit na anong shortcodes na iyong ginagamit, kasama ng kung saan mang pahina mayroon ito. Gamit ang listahan na mayroon ka, bisitahin bawat mga pahina para makita kung gumagana sila katulad ng inaasahan. Kapag nakaranas ka ng kahit na anong isyu sa styling, malamang ay nakararanas ka ng parehong problema katulad ng nabanggit sa itaas at kailangang ayusin uli ang iyong styles.

Gayunpaman, kung nangyayari ang iyong kinatatakutang shortcode-ibig sabihin ang iyong pahina ay ipinapakita ang [shortcode] sa halip na gawin ang dapat nitong gawin-may iba pang solusyon. Sa pagkakataong ito, maaari  mong tingnan ang block kung saan naroon ang shortcode at patunayan na hindi ito kabilang sa text (hinahanap at tinatanggal ng hindi kailangang tags sa loob ng shortcode). Kapag ang problema ay nariyan pa din, ang paglipat sa short sa mas nararapat na block type ay dapat magbalik sa lahat sa normal na paggana.

Itsura ng Content

Ang isyung ito ay lumalabas mula sa parehong problema na tinalakay natin dati: style overrides.Kilalanin ang elements na naaapektuhan at itama ang CSS.

Paggawa ng Element

Ang huling bahagi na titingnan natin tungkol sa mga salungat ng isyu ay ang paggawa ng element. Anumang plugin na naglalagay ng HTML elements sa pahina na hindi gumagamit ng shortcodes ang salarin dito-halimbawa, kapag hinila ng PHP ang custom fields mula sa Advanced Custom Fields plugin.

Ang pinaka-karaniwang mali sa  paggawa ng element ay umiikot mula sa mga block na mali ang pagkaka-match. Dahil ang Gutenberg ay nagbibigay na sariling istilo, may pagkakataon na ang iyong elements ay nagagawa sa loob ng maling block, kaya nagiging mali. Ang solusyon dito ay dapat nasisiguro na ang iyong code ay nagdadagdag ng elements sa block kung saan mo sila gusto.

Ang Iyong Content Ba Ay Lumalabas Kung Kinakailangan?

Hindi ito ganoon ka-halaga katulad ng ibang mga problema na natalakay natin, subalit maaaring may mga kumplikasyon kung papaano ang iyong content ay nire-render. Karamihan sa mga problemang ito ay mula sa maliit na pagbabago sa pagiistilo o kung paano inaayos ang blocks. Para itama ito, kailangan mong laruin ang block system hanggang sa makuha mo ang iyong pahina sa paraang gusto mo.

Ano ang Gagawin Kapag Sobrang Daming Isyu

May naranasan ka na bang problema na hindi mo malutasan sa mga mungkahi sa artikulong ito? Huwag mag-alala! May panahon pa bago pasukin ng Gutenberg ang WordPress Core.

Una, itala kung ano ang error at ang hakbang na naging dahilan ng error. Mas marami kang impormasyon na maiipon, mas maganda. Ipasa ang impormasyon sa pangkat ng Gutenberg. Kung suswertehin, matutukoy nila ang isyu at maayos ito sa susunod na release.

Kung gumagawa ka sa staging site, sa puntong ito, iyan lang ang magagawa mo sa ngayon. Ituloy ang pagsusuri ng release notes para makita kung ang problema ay nalutas, o kaya gawan mo ng sariling solusyon.  

Kung gumagawa ka sa iyong live site, ang pag deactivate ng Gutenberg ay dapat magbalik ng lahat sa normal. Kung hindi, ito ang oras para balikan ang  backup na iyong ginawa!

Good Luck sa Iyong Install!

Ang Gutenberg ay naglalayon na maging malaking pagbabago sa WordPress environment, na nais na baguhin ang content para sa mas ikagaganda nito. Bago ito mapunta sa pangunahing branch, siguraduhing tingnan na ang iyong site ay gagana sa mga bagong pagbabago. Kapag may problema ka maliban sa nakalista dito, mas mainam na solusyon, o pagwawasto sa kahit na ano sa artikulong ito, kung maaari ay mag-iwan ng komento sa ibaba!

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.