15 Na Pinakamagaling na Ionic AppTemplates
Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)
Sa Ionic, ang paggawa ng high-performance, cross-platform na mobile app ay kasing dali lang ng paggawa ng website. Sa totoo lang, kung ikaw ay magaling na developer ng web na nais na maging Android or iOS app developer ng ganun lang kadali, ang gagawin mo lang ay i-install at simulang gamitin ang Ionic. Sinisigurado ko, wala itong kahirap-hirap.
Subalit ang paggawa ng feauture-rich na
Ionic app na may eleganteng user interface, ay hindi ganun kadali-lalo na kung kailangang
magmukha itong native sa iba’t ibang platform. Sa kabutihang palad, sa
pamamagitan ng paggamit ng Ionic template marami kang matitipid sa oras at bawas
sa hirap.
Ang CodeCanyon ay isa sa pinakamalaking
online market places para sa Ionic templates. Kahit na ano pang kailangan ng
iyong app, ,malaki ang pag-asa na ang CodeCanyon ay may template para dito. Sa artikulong ito, ililista ko ang 15 na
magaling na Ionic templates na maaari mong gamitin ngayong taon.
1. Ang
Ionic Mobile App Builder



Gawa ng CodeGenerator, ang Ionic Mobile
App Builder, o sa madaling salit IMA builder, ay isang award-winning na
template kung saan makakagawa ng parehong static at dynamic na Ionic apps ng
hindi kailangang sumulat ng kahit anong code o kung ano pa man. Taglay nito ang
napakagaling na web-based interface na magagamit mo para matukoy ang bawat
aspeto ng iyong app. At tiyak, maaari mong i-fill out ang ilang
forms sa iyong browser para makagawa at ma-configure lahat ng bahagi ng user
interface ng iyong app, kasama na dito ang navigation drawers, menus, popovers,
tables, at pahina.
Subalit ang maganda sa template na ito
ay ang app na ginawa mo sa loob nito ay may kakayahang makipag-ugnayan sa iba’t
ibang data sources, katulad ng WordPress, WooCommerce, at iba pang content
management system na may JSON API.
2. IonWordpress



Ang IonWordpress, na gawa ng magaling na
IonicThemes, ay template na maaari mong gamitin kung nais mong gawing
kamangha-manghang Android o iOs app ang iyong WordPress. Isa ito sa mga sikat
na themes sa CodeCanyon, at dahil may napatunayan na ito-marami itong feautures
na maiisip mo, magaling na dokumentasyon, at madaling basahin na code.
Karagagdagan sa functionality ng
WordPress, ang template na ito ay taglay ang push notifications, advertisements
sa mobile sa pamamagitan ng Google AdMob and Apple iAd, at ang in-app browser.
3. Material Design UI Ionic



Ang template na ito, na gawa ng magaling
na CreativeForm, ay para sa Ionic developers na ayaw ilaan ang oras sa
pagdi-disenyo ng apps. Taglay nito ang mahigit 60 na karaniwang
ginagamit na screen layouts at limang magandang UI themes. Mayroon din itong organisadong
Sass file na naglalaman ng dosenang variables na maaari mong baguhin para mas
ma-customize ang itsura ng app.
Para maiwasan ang iba’t ibang
resolutions ng mga images, sa template na ito ay kabilang ang icon fonts na may
mahigit 800 na icons. Kung gagamitin mo ang images na ito, sinu-support din
nito ang ilang blending modes para dito.
4. Ang
IonStore



Ang IonStore, gawa ng ionicpremium, ay template na dapat
mong isaalang-alang gamitin kung gumagawa ka ng e-commerce app. Dito ay madali kang makakagawa ng
magandang app na maaari mong ilagay sa iyong WooCommerce website at kunin ang
data and settings mula dito. Sinu-support din nito ang iba’t ibang paraan ng
pagbabayad (payment methods), lengguwahe, at salapi (currencies). Sobrang customizable din ito, na may mabusising
control sa itsura ng iyong app. Bukod pa dito, sinu-support din nito ang discount
badges, pag-rehistro ng user, pag-track ng order, at push notifications.
Dapat ding tandaan na ang template na
ito ay dokumentadong mabuti, at nakikita ang regular na updates at pag-aayos sa
bug.
5. Ang
Catalogue Ionic



Ang Catalogue Ionic,gawa ng appseed, ay ang
pangkalahatang business-oriented template. Kung magpapatakbo ka ng negosyo at
sinusubukang makagawa ng app na maipapakita
ang mga produkto, ang template na ito ang iyong kailangan.
Maipapakita din nito ang mahahalagang
impormasyon katulad ng oras ng pagbukas ng shop at pagpipilian sa contact. Kung
gumagamit ka na ng WooCommerce, ang template na ito ay maaaring i-configure
para mabasa ang data galing dito.
Ang arkitektura ng Catalogue Iconic ay sadyang
modular. Bukod pa dito, dahil ito ay gawa gamit ang napakasikat na Yeoman
generator para sa balangkas (framework) ng Ionic, makakasiguro kang sumusunod
ito sa mahusay na pamamaraan.
6. Barebone Ionic



Ang Barebone Ionic ay malaki,
feauture-rich starter template gawa ng appseed. Bilang developer, maaari mo itong gamitin
para simulan ang halos kahit anong uri ng Ionic app. Halimbawa, makakagawa ka ng apps n
walang hirap na makakabasa ng data mula sa iba’t ibang content management
systems, katulad ng WordPress at Drupal. Magsisilbi din itong magandang pundasyon
para sa CRUD-oriented apps,instant messaging apps at e-commerce apps.
Gusto ko ding idagdag na ang template na
ito ay sadyang integrated ng API ng ilang sikat na websites, katulad ng YouTube, Instagram, Facebook, at Vimeo.
7. IonChat



Ang IonChat, katulad ng pangalan nito,
ay template kung saan makakagawa ka ng cross-platform instant messaging na
apps. Gawa ng IonCoder, ito ay malaking template na may dosenang malakas na features, katulad
ng support para sa usapan ng grupo, social login at pagma-manage ng friend.
Hindi lang madaling i-customize ang
template na ito, ang apps na ginawa mo dito ay papaganahin ng Firebase, isang
cloud-based na platform na pag-aari ng Google. Ibig sabihn maaari mong gamitin
ang Firebase console para i-manage ang iyong app data.
8. Ionic Framework App



Kung naghahanap ka ng modernong template
na may dosenang magagandang pahina at madaming pagpipilian ng kapaki-pakinabang
na features, ang template na ito, gawa ng gtsopour, ay para sa iyo. Gawa sa Ionic 3, ito ay napaka modular
at sobrang madaling palawakin. Sa totoo lang, ito ay may mahigit 20 na modules
at mahigit 35 na bahagi!
Ang apps na gagawin mo sa template na
ito ay may kakayahang makipag-ugnayan sa iyong WordPress blog gamit ang REST
API nito. Maipapakita din nito ang charts,YouTube videos, Google maps, at RSS feeds. Isa pang kahanga-hangang katotohanan
tungkol sa template ay ang barcode scanner module, na magagamit mo para i-scan
ang ilang uri ng barcodes.
9. TapShop



Sa pamamagitan ng pag-gamit ng TapShop, ang template gawa ng tapgadget, makakagawa ka ng e-commerce app ng walang kahirap-hirap kung saan ang mga gumagamit ay maaaring bumili at magbenta ng mga produkto. Lahat ng features na inaasahan mo sa template ay mayroon ito.
Halimbawa, mayroon itong screens para sa bumibili para makapaghanap ng mga produktong naririyan, mag-alok sa nagbebenta (vendors), at kahit mag-chat sa nagbebenta. Katulad din nito, mayroon itong screens para sa nagbebent para makapag-post ng mga bagong produkto, mag-upload ng mga larawan ng nasabing produkto, at i-handle ang alok ng mga mamimili.
Subalit hindi lang yan,meron pa. Sinu-support din nito ang push notifications, at sadyang integrated din sa AdMob, kung saan mas madaling i-monetize ang apps na ginawa mo dito.
10. Ang
Restaurant Ionic



Ang Restaurant Ionic, gawa ng appseed, ay isang
template na makakapaghikayat ng kahit sinong may-ari ng restawran. Ang Apps na
gawa dito ay feauture-packed, at may
magaling na user interfaces kung saan maaaring makita ng mamimili (customers)
ang menus, maglagay ng customized orders, mabasa ang mga espesyal na
alok (offers), at pumili ng paraan ng pagdi-deliver. Dito ay maaaari ka ring makipag-ugnayan
sa iyong mamimili gamit ang push notifications.
Ang pag-set ng template na ito ay madali
lang gawin. Ganun din ang pagko-customize nito, dahil magagawa mong kapansin-pansin ang ang itsura ng iyong apply
sa pamamagitan lamang ng pagpili ng isa sa mga ilang magagandang hango sa
Material Design na color themes nito.
11. Ionium



Ang Ionium ay maraming gamit na starter template gawa ngionicpremium. Kahit gumagawa ka ng e-commerce app, pag book sa hotel na app, news reader, o kaya social media app, maibibigay ito ng template. Makakagawa ka rin ng mabilis na CRUD-oriented na apps, kung saan sinu-support nito ang parehong local at remote storage.
Dahil ang template na ito ay gumagamit
ng bahagi ng Material Design, animations, at galaw (gestures), makakasiguro kang
ang apps na ginawa mo dito ay magmumukhang modernong-moderno at malinis.
12. IonSocialApp



Ang apps na may social features ay may
posibilidad na gumana sa parehong Google Play at Apple’s App Store.Kung
interesado kang gumawa ng iyong sarili, ang IonSocialApp, isang pang
template gawa ng IonicThemes, ay mayroon ng lahat ng iyong kailangan para makapagsimula. Taglay din nito ang screens kung saan
ang gumagamit ay makakapag sign up, sign in, magsulat ng komento, at kahit na maghanap
ng napapanahong paksa.
Kabilang din sa template na ito ang
ilang kapaki-pakinabang na features na mapapabuti ang user interface ng apps.
Halimbawa, sinu-support nito ang pull-to-refresh gesture, infinite scrolling,
at native sharing functionality.
13. Mobionic



Mobionic, gawa ng gtsopour,
ay isa pang multi-purpose template na may host ng kapaki-pakinabang na
feautures. Integrated ito sa WordPress at sinu-suppot ang server-side
pagination ng posts. Marami din itong layouts para sa home
screen ng iyong apps. Ang pinakabagong bersyon ng template na ito ay sadyang
integrated din sa YouTube API, kung saan makakagawa ka ng video-based na apps.
Bilang karagdagan, sinu-support din nito
ang push notifications sa parehong Android at iOS na platforms.
14. IcyMobi



Ang IcyMobi, mula sa inspitheme, ay one-stop
shop para sa lahat ng iyong kailangan sa development ng e-commerce. Sa template
na ito, makakagawa ka ng apps na nagsu-support ng maraming sikat na paraan ng
pagbabayad, pag-track ng order, inventory management, at push notifications.
Maaari din silang makipag-ugnayan sa
maraming e-commerce platforms, katulad ng PrestaShop, WooCommerce, at Magento. Isa pa, kung nais mong ang app ay
ipapakita ang posts mula sa iyong WordPress blog, magagawa din ito ng template
na ito.
15. Daily News



Gawa ng tdmobile,
ay madaling gamitin na template kung saan makakagawa ka ng news apps na hango
sa WordPress.Bilang karagdagan sa magandang home-screen, ang template na ito ay
may screens para maipakita ang photo galleries, resulta ng pagsi-search, mga
komento, bookmarks, at marami pang iba.
Mayroon din itong ilang features na may
kinalaman sa notifications, katulad ng pag-track ng delivery, analytics, at
segmented targeting.
Konklusyon
Sa artikulong ito, natutunan mo ang 15 na
mahalagang Ionic templates na magagamit mo para simulan ang proseso ng paggawa
ng app. Subalit huwag limitahan ang sarili sa
mga ito dahil ang CodeCanyon ay marami pang daan-daang tulad na templates. Kung
kaya ano pa ang hinihintay mo? Kumuha na ng template at gumawa na!
At kung nais mong mas matutunan pa ang tungkol sa Ionic o app templates, marami kaming magagaling na pagtuturo at mga kurso dito sa Envato Tuts+!
- Mobile Development19 Na Magaling na Mobile App Templates na may Integration ng AdMobBala Durage Sandamal Siripathi
- IonicSimulan Sa Ionic 2Reginald Dawson
- Ionic 2Panimula sa Ionic 2Wernher-Bel Ancheta
- IonicPaano Gumawa ng Camera App sa Ionic 2Ashraff Hathibelagal