30-50% off hundreds of digital assets! WordPress themes, video, music and more 30-50% Off Go to Sale
Advertisement
  1. Code
  2. App Templates
Code

 15 na Pinakamagagandang Template para sa Swift App

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Introduksyon

Inaasahan ng mga gumagamit ng mobile ang kaayusan at pagganap ng UI na maaari lang manggaling sa taal na mga app. Ang pagbuo ng iOS app na maraming sangkap at eleganteng interface ay isang malaking hamon. Buti na lang at sa pamamagitan ng app template, mababawasan ang paghihirap at magagamit na oras.

CodeCanyon ay mayroong malaking koleksyon ng mga Swift language na ios app template. Kung hindi mo alam kung ano ang app template, ito ay gawa nang aplikasyon na maraming mga primaryong kasangkapang ipinatupad na para sa iyo.  Maari mong gawing sarili at magdagdag sa code ng template upang buoin ang pinal na app na ayon sa iyong kagustuhan.

Depende sa lisensya na iyong kinuha para sa template, maaari mong gamitin bilang sangkap sa pagkatuto o kaya gawing totoong produkto sa App Store. Kahit na ano pa man ang mga pangangailangan ng iyong app, malaki ang posibilidad na ang CodeCanyon ay mayroong template para rito. 

Sa artikulong ito, ipapakita ko ang 15 sa mga paborito kong mga Swift app template magagamit sa CodeCanyon.

1. iOS Recipe App

iOS Recipe App

Ang template na ito ay nagbibigay ng app na nagpapakita ng iba’t ibang mga recipe base sa mga kategrya, kabilang na ang maaaring gawing sariling Favourites na kategorya. Ang screen sa pagtanaw ng mga detalye ng isang recipe ay sinusuportahan ang iba’t ibang mga imahe, pakikibahagi, at madulas na mga transaksyon.

Lahat ng data para sa recipe ay nasa isang XML na file na madaling baguhin o palitan gamit ng data mula sa isang server. Ang template na ito ay mayroon ding iba pang mga laman, kabilang ang isang listahan para sa pamimili, pagsanib sa Google AdMob, mga push notification, at isang sliding menu sa kaliwang bahagi ng app.

2. appyMap

appyMap Template

Ang appyMap ay isang magandang app para sa pagtingin ng iba’t ibang mga lokasyon at interesanteng mga lugar malapit sa kasalukuyang lokasyong ng gumagamit.  The template allows you to split up points of interest into various groups which, if you want, can easily be locked behind an in-app purchase. Ang appyMap ay hinahayaan ka ring mamili sa pagitan ng CloudKit ng Apple o ng lokal na plist file para sa iyong data. Dagdag pa, ang template na ito ay mayroong pagsanib sa AdMob kung gugustuhin gamitin. 

3. appyQuote

appyQuote

Ang appyQuote ay isang template na ginawa ng parehong mga developer ng appyMap, ngunit naglilipon at nagpapakita ito ng mga sipi imbis na mga lokasyon. Ang template na ito ay linalagay lahat ng mga sipi nito sa isang plist na iyong madaling mababago gamit ng sariling linalaman. Ang appyQuote ay mayroon din kasamang AdMob, isang 12 na pahinang gabay para sa gagamit, ay isang Sketch na file na mayroong 24 na icon.

4. SuperView

SuperView

Ang SuperView ay isang template ay dinesenyo para sa mga web developer upang sila’y madaling makagawa ng mga taal na iOS container para sa kanilang mga website. Mayroon itong simpleng mga kasangkapan, kabilang na ang isang toolbar na mayroong back, forward at refresh na mga pindutan, ngunit pinananatili nilang nasa gitna ang iyong website.

Ang template na ito ay mayroon ding maraming mga dagdag na sangkap na maaaring mapakinabangan sa iyong app, kabilang na ang Firebase of OneSignal na mga push notification, suporta sa GPS, pag-login sa mga social network, Google AdMob, at suporta para sa kanan-tungong-kaliwang mga wika tulad ng Arabic.

5. FIVES

FIVES

Ang FIVES ay isang laro ng mga salita na kailangang bumuo ng pinakamaraming mga salita na kaya mo mula limang titik bago maubos ang oras. Sinusuportahan nito ang iba’t ibang mga wika, mga leaderboard sa Game Center, isang PDF na gabay para sa mga gagamit, at isang Photoshop na PSD file para sa mga larawan. 

6. Jetpack Challenge

Jetpack Challenge

Ang template na ito ay para sa walang-katapusang-pagtakbo na laro na binuo gamit ng framework ng SpriteKit ng Apple. Ang Jetpack Challenge ay mayroong hindi lamang ang Gabay sa laro, ngunit pati ang iba’t ibang mga background, antas ng kahirapan, at tipo ng mga kaaway.  Ang template na ito ay maryoon din AdMob, mga leaderboard at pagsanib sa mga push notification.

7. Spotimusic

Tulad ng ipinapahiwatig sa pangalan nito, ang Spotimusic ay isang app template na nagbibigay na katulad na pagganap sa Spotify at Apple Music. Maliban sa paglikha ng mga playlist at pag-ulit sa mga kanta, ang Spotimusic ay mayroong mga nakaaangat na mga sangkap tulad ng background playback, isang audio equaliser, at ang abilidad na mag-download ng mga kanta para sa offline na paggamit.

Ang pinakamagandang sangkap ng tempalte na ito ay na mayroon itong gumagana at handa nang server back-end para sa pagsasaayos ng mga user account at para sa pag-imbak ng mga kanta. Ang kailangan mo lang ay maglagay ng metodo para sa server hosting at ang back-end template.

82 Cars Lane

2 Cars Lane

Ang template na ito ay katulad sa bersyon ng isang sikat na laro sa App Store, and 2 Cars. Ang layunin ng laro ay makarating sa pinakamalayo na kaya habang sumasalo ng mga bilog at umiiwas sa mga parisukat na mayroong kotse.  Ang laro ay ginawa gamit ang SpriteKit at mayroong dagdag na mga sangkap kagaya ng pagsanib sa Game Center, pati na rin ang pakikibahagi sa Facebook at Twitter.

Ang 2 Cars Lane ay madali ring gawing sarili, ay mayroong maraming mga katangian sa loob ng isang Constants.swift na code file.

9. iOS Mobile Shop

iOS Mobile Shop

Ang iOS Mobile Shop, tulad ng ipinapahiwatig ng pangalan nito, ay isang template para sa mobile store application.  Ang app na ito ay binibigyang depinison ay lahat ng mga produkto nito sa isang lokal na XML file kung saan madaling mong magagawang sarili o palitan ang file na galing sa isang servier. Ang app ay nag-oorganisa ng mga produkto sa mga kategorya, pinapayagan ang mga gumagamit na maghanap ng produkto, at inaalagaan ang pag-ayos ng cart ng gumagamit.

Ang template ay kasalukuyang binubuo ng mga push notification gamit ng OneSignal at magpapadala ring ng email direkta sa iyo kapag nagawa na ang order. Mula rito, ikaw na ang bahala sa pag-organisa ng pagbayad, pagpapadala, atbp.

10Flappy Wigs

Flappy Wigs

Ang Flappy Wigs ay katulad ng Flappy Bird na maaaring bilhin. Maliban sa lahat ng mga elemento ng gameplay, ang template na ito ay mayroong mga ad sa taas at sa mga pagitan ng mga bahagi na gamit ang Google AdMob, leaderboard ng Game Center, at Google Analytics. Ang laro ay madali ring magagawang sarili at maaaring bilhin mula sa app ang pagtanggal ng lahat ng mga ad.

11. Cool Voice Recorder

Cool Voice Recorder

Dagdag pa sa lahat ng mga voice effect, ang Cool Voice Recorder ay mayroong ding mga sangkap tulad ng pagsanib sa AdMob at pakikibahagi ng mga recording gamit ng email, saka na rin isang gabay sa madaling pagbago ng balat ng app. 

Dagdag pa sa lahat ng mga voice effect, ang Cool Voice Recorder ay mayroong ding mga sangkap tulad ng pagsanib sa AdMob at pakikibahagi ng mga recording gamit ng email, saka na rin isang gabay sa madaling pagbago ng balat ng app. 

12SpeedoMap

Ang SpeedoMap ay isang app  template na mayroong tatlong primaryong mga screen:

  • Speedometer: ginagamit ang GPS ng device upang malaman at kasalukuyang bilis sa miles per hour, kilometres per hour, o knot. Ang screen na ito ay pinapakita rin ang coordinates ng kasalukyang lokasyon at ang kalsado kung nasaan sila.
  • Tracker: gumuguhit ng daan sa mapa na maaaring tahakin ng gumagamit
  • Weather: ipinapakita lahat ng impormasyon na may kaugnayan sa kasakuluyang lokasyon ng gumagamit, kabilang na rito ang temperatura, air pressure at humidity. 

Ang tempalte na ito ay madaling magagawang sarili at sinusuportahan ang Espanyol at Aleman, maliban pa sa Ingles.

13. Dot2Dot

Dot2Dot

Ang Dot2Dot ay isang universal game template na mayroong interesanteng paraan ng paglaro. Ang layunin ng laro ay magtugma ng mga nahuhulog na bilog sa iba pang mga bilog sa baba ng screen upang makakuha ng pinakamataas na marka na kaya. And Dot2Dot ay mayroong ding mga dagdag na sangkap, kabilang ang pagsanib sa AdMob, leaderboard ng Game Center, at pakikibahagi sa social network ng pinakamatataas na iskor.

14Gif Factory

Gif Factory

Ang Gif Factory ay isang universal app template kung saan ginagawang mga GIF ang mga larawan at video. Dagdag pa sa paggawa ng GIF, and app ay mayroong ding mga nakakaangat na editing feature tulad ng frame reordering, loop count, at overall dimension.  Ang Gif Factory ay mayroon din pagsanib sa AdMob, mahuhusay na in-app animation, ay madaling pakikibahagi ng mga nalikhang GIF.

1530s Math

30s Math

Ang 30s Math ay isang template para sa laro sa Apple Watch. Sa laro na ito, maaari kang pumili ng operator na makakatrabaho (+, -, ×, or ÷) at tapos sasagot ng pinakamaraming tanong na kaya gamit ang operator na ito sa loob ng partikular na oras.  Ang tempate na ito ay interesante sapagkat ang laro ay pinapatakbo lamang sa Apple Watch ay walang pasandal sa iPhone.

Konklusyon

Ang 15 na template na ito iilan lamang magagamit sa CodeCanyon. Marami pang mga magagandang template na hindi kabilang sa artikulong ito, kaya maganda na iyong matignan kung ano pa ang pwedeng mahanap. 

Kung nais mong matuto pa tungkol sa iOS app development of mga template, tignan pa ang aming mga pinaskil rito sa Envato Tuts+!

Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.