10 Pinakamagaling na Android Game Templates
Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)
Panimula
Kung pamilyar ka sa Android SDK, sa malamang ay
alam mo na ang pag gamit nito para makagawa ng bagong laro mula sa wala ay
isang malaking tagumpay.Ang pagpili ng tamang game engine, na gumagana sa iba’t
ibang laki ng screen at DPIs, nagpapatupad ng walang mali na gameplay, at ang
pag manage ng player data ay napaka-demanding na trabaho na aabot ng ilang
araw, kung hindi ilang linggo, para matapos.
At salamat naman, mayroong CodeCanyon, na isang online marketplace, maliban sa iba pang katangian nito, ay puno ng pinag-isipang game templates. Sa pamamagitan ng pag gamit ng isa or higit pa ng mga templates na iyon, maaari mo ng lampasan ang karamihan sa mahihirap na aspeto ng pag-usad ng laro at bigyan lamang ng atensyon ang bagay na kakaiba sa iyong laro.
Sa artikulong ito, ipapakilala ko ang
ilan sa pinaka magandang katangian at nakakamanghang templates ng laro sa
Android na makikita sa CodeCanyon.
1. FlappyBot



Ang Flappy Bird and its clones ay ilan sa pinaka-kinahuhumalingan na laro na nariyan
parra sa smartphones ngayon. Sa FlappyBot, ang template na ginawa ng
NeuronDigital, maaari kang gumawa ng sarili mong clone ng laro sa loob lamang
ng ilang minute.
Ang template ay nakasulat para
napakadaling baguhin ang gameplay variables katulad ng bilis ng ibon at ang
bilang ng mga balakid. Sa 21 na customizable sprites na kasama dito, maaari mo
ring baguhin ang itsura ng iyong laro para masigurado na magmumukha itong
kakaiba.
2. Classic Highway Car Avoidance Game



Sa matagal ko ng karanasan, ang walang katapusang pag-scroll ng car avoidance games ay mukhang walang kupas. Kung interesado kang gumawa ng isa para sa Android, maaari mong gawin ito ng mabilis gamit ang Classic Highway Car Avoidance Game, na isa ring madaling intindihin na template ng laro NeuronDigital.
Ang template ay naglalaman ng maraming
iba’t ibanng sprites at gumagawa ng PSD files na maaari mong gamitin para
ma-customize ang itsura ng halos lahat ng bawat element ng iyong laro. Kung
nais mong maglagay ng ads, ito ay may pagpipilian gamit ang AdMob.
Nararapat lamang na banggitin na ang
template na ito ay maaaring gamitin bilang panimulang punto para sa kahit na
anong laro na nakadepende sa accelerometer sensor.
3. Hopping Bird Game



Paglukso sa mga nakaharang, pag-ipon ng
mga bagay bagay, at pag level-up ay mga katangian ng gameplay na sobrang
nakakatuwa at nakaka-enganyo. Ang mga laro na may mga ganitong katangian ay
tinatawag na platform games, o platformers. Sa Hopping Bird Game, sa template na
ginawa ng rouse_spirit, makakagawa ka ng iyong sariling platformer na hindi mo
na kailangang alalahanin ang pagsagawa ng in-game physics o hit-testing.
Ang template ay naglalaman ng AdMob ads. Mayroon din ito ng tatlong level
packs at 105 levels, kung saan makakagawa ka ng malaking laro na ang gumagamit
ay makakapaglaro ng matagal.
Tandaan na kung pamilyar ka sa Cocos2d
game development framework, makakagawa ka kaagad ng nangungunang customizations
sa template na ito.
4. 2048 Puzzle



Kung gusto mong gumawa ng sliding block
puzzle na laro, 2048 Puzzle, iba pang game template galing sa NeuronDigital, ang
pipiliin mo.
Ang template na ito ay gumagana sa iba’t ibang sukat ng screen,kung saan makakapag-publish ka ng iyong laro sa parehong phones at tablets. Naglalaman din ito ng code na gumagamit ng Google Play Services para ipakita ang interstitial at banner ads.
Sa aking opinyon, ang pinakamaganda sa
template na ito ay ang pag-customizenito ay hindi kinakailangan ng kahit na anong kaalaman sa programming.Maaari
mong baguhin ang laman ng isang configuration file para mabago ang karamihan sa
detalye ng laro, kasama na dito ang board dimensions, card contents, at menu
labels.
5. Two Dots



Gawa ng gikdew, ang Two Dots ay isang template para sa kakaibang laro na kung saan may kasamang pagpaikot ng dalawang dots para ang kanilang kulay ay tumugma sa mga kulay ng mga bola na nahuhulog mula sa itaas o mula sa ibabang gilid ng screen.
Kung wala itong kabuluhan, ang sumusunod na video ay maaaring makatulong:
Ang game template na ito ay may
modernong itsura, salamat sa flat na desenyo at Google Play Games Services
integration.Gumagana din ito pareho sa phones at tablets. Sa
laman na PSD files nito, maaari mong i-customize ang layout na naaayon
sa iyong kagustuhan. Para sa mas simple at mas karaniwan na customizations,
may configuration file ito na naglalaman
ng maraming madaling maintindihan na named variables.
6. Orbitals



Kung nais mong gumawa ng laro na
nagtataglay ng space travel, maaari mong isaalang-alang ang pag gamit ng Orbitals, isa pang template na gawa ng by gikdew. Sa madilim, futuristic na
desenyo, ang template na ito ay may taglay na magpapamangha sa mga tagahanga ng
sci-fi na mga laro at pelikula.
Gayundin, ang template na ito ay kasama
sa Google Play Games Services. Sa madaling salita, ito ay may leaderboards,
achievements at notifications.At para sa
monetization na pagpipilian, makakapili ka sa pagitan ng AdMob ads at
in-app purchases.
Kung ikaw ay pamilyar sa libGDX, sikat
na open-source game development framework, magiging madali na sa iyo ang gumawa
ng makabuluhang pagbabago sa template na ito.
7. The Bird That Can't Escape



Kahit na mukhang hawig sa iba’t ibang
Flappy Bird clones, The Bird That Can't Escape, sa template na ginawa ng AnalogPresent, ay nagbibigay ng iba’t ibang
karanasan salamat sa maganda nitong graphics at kakaibang gameplay. Ang template
ng larong ito ay pangunahing nagtataglay ng pag-kontrol sa ibon sa loob ng
saradong kuwarto, sa lahat ng oras sinisigurado na hindi ito babangga sa spikes
na nasa dingding ng kwarto.
Ang template na ito ay ginawa sa libGDX at Eclipse, at
maraming variables na maaari mong i-customize. Naglalaman din ito ng vector
assets sa lahat ng in-game graphics.
8. Mini Car Racing



Ang car racing na laro ay lubos na
matagumpay sa Google Play. Marahil dahil dito ang tao ay nadidiskubre ang kanyang pagiging
magaling sa kompetisyon.Kung nais mong gumawa ng ganyang laro, Mini Car
Racing, sa template na ginawa ng fifdee, ang tiyak na para sa iyo.
Sadyang out of the box, ang template na
ito ay gumagana sa AdMob interstitial ads, global leaderboards, at in-app
purchases. Maaari mo ring maglagay ng video ads na maaaring panoorin ng gumagamit
para makakuha ng in-game currency, na maaari nilang gamitin para mabuksan ang
bagong mga sasakyan. Ang template na ito ay may limang iba’t
ibang tracks, bawat isa ay may tatlong mahirap na levels. Kung gusto mo ng mas
maraming tracks, maaari kang gumawa ng iyong sarili gamit ang third-party
editor.
Para makagawa ng makabuluhang pagbabago sa template na ito, kailangan
mo ng Corona SDK, kung saan ay mayroong libre nito.
9. Panda Forrest Run



Panda Forrest Run, na gawa ng dulisa1, ay template para sa side-scrolling endless running na laro.Katulad ng karamihan sa tumatakbo na laro, ang layunin ng larong ito ay tumakbo ng mabilis hanggat kaya mo ,tumalon sa mga harang, ang kumuha ng mga makabuluhang items. Kung ninanais mo na gumawa ng simple, ngunit nakaka-adik na laro na may AdMob banner at interstitial ads, ang template na ito ay hindi masamang subukan.
Para mas madali sa iyo na baguhin ang
itsura ng iyong laro, ang template na ito ay naglalaman ng lahat ng artwork
nito bilang PSD file. At higit pa, magagamit mo ng Malaya ang parehong Android
Studio at Eclipse para mabago ang source code nito.
10. Block Jumper



Ang Block Jumper galing sa xtremetom ay isang template para sa simpleng para sa pag-ilag sa harang na laro na gumagana sa touchscreen na devices. Ang gameplay ay gumagawa ng square jump mula sa isang sulok ng screen papunta sa isa pa para makailag sa parating na harang.
Ang template na ito ay gumagamit ng
libGDX framework sa loob, at maaari mong i-re-skin ang halos lahat ng game
elements sa loob lamang ng ilang minute. Ito rin ay nagbibigay ng splash at share
screen kung saan maaari mong ipakita ang logo ng iyong kumpanya. Bilang
karagdagan, gumagana din ito sa leaderboards at AdMob ads.
Konklusyon
Kung mayroong isang bagay sa mga gumagamit ng Android na gustung-gusto nila, ito ay ang bagong mga laro na nakakatuwa at maganda. Dahilan kung bakit ang karamihan sa top-grossing na apps sa Google Play ay mga laro. At sa totoo lang, kung ikaw ay nagsisimula pa lamang na gumagawa ng Android na nagbabakasakali na palarin sa Google Play, ang pag-gawa ng bagong laro ang pinakamaganda para sa iyo. Sana ay gamitin mo anng isa sa mga templates ng laro ng Android na natutunan mo sa artikulong ito para masimulan na ang pagbabago para sa iyong susunod na laro.
Gamitin mo na ang isa sa mga templates ngayon, o kaya tingnan ang ilan sa mga ibang laro na nariyan sa CodeCanyon. Bilang karagdagan sa mga laro, CodeCanyon ay nagbebenta rin ng kumpletong templates para sa maraming ibang klase ng apps. Alamin ang mga ito dito sa Envato Tuts+!
- AndroidPaano Simulan ang Template sa Android AppAshraff Hathibelagal
- Android7 Android Templates Para Inspirasyon Sa Iyong Susunod na ProyektoBart Jacobs
- Android SDKSimulan ang Android Add Template sa 60 SegundoAshraff Hathibelagal