Students Save 30%! Learn & create with unlimited courses & creative assets Students Save 30%! Save Now
Advertisement
  1. Code
  2. Android
Code

7 Template na Android na Pupukawin ka sa Susunod Mong Proyekto

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Ang mga proyekto na template ay kahanga-hangang paraan para matuto mula sa trabaho ng iba. Ang artikulong ito ay naglilista ng ilang sikat na mga template na Android na makikita sa Envato Market. Kapag ikaw ay naghahanap ng inspirasyon o gumagawa ng aplikasyon at nangangailangan ka ng tulong sa isang partikular na tampok, makikita mo ang iyong sagot sa ilan sa mga template na ito.

Tagahanap ng Restawran

Ang template na ito sumasambulat ng mga tampok at may kasama pang handang backend na ide-deploy sa isang server. Pinapagana ng aplikasyon na ito ang paghahanap ng mga user ng mga kalapit na restawran, magbasa ng mga pagsusuri, magbahagi sa social media, at kasama rin dito ang kakayahan na magtaan ng mesa sa pamamagitan ng sulatroniko o text message.

Restaurant Finder

Halos lahat ng bawat modernong, mobile na aplikasyon ay nakikipagusap sa isang backend dahil sa isang dahilan o iba pa at ang aplikasyon na ito ay hindi naiiba. Ang template na ito ay may kasamang backend para sa pagiimbak ng mga restawran at profile ng mga user. Ito rin ay may kasamang isang analitikang dashboard na nagpapakita ng mga metrika tungkol sa mga restawran at mga user ng aplikasyon.  Kapag kailangan mo ng inspirasyon para sa isang aplikasyon na nakabatay sa lokasyon, ang template na ito ay dapang tingnan.

Iyong App na Radyo

Kapag gusto mong malaman kung paano mag-stream ng audio sa isang Android na aplikasyon, ang template na ito ay dapat tingnan.  Ang aplikasyon na ito ay nakatuon sa streaming ng audio mula sa online na mga istasyon ng radyo. Ang template na ito ay may kasamang tampok na Android na aplikasyon at pati na rin ang backend para pangasiwaan ang mga istasyon ng radyo na puwedeng pakinggan ng mga user.

Your Radio App

Ang template na ito ay tugma sa parehong Android Studio at Eclipse at umaasa sa Parse para sa mga abiso. Ito rin ay may kasamang AdMob para sa pamamahala ng ad. Suportado ng aplikasyon na ito ang malawak na saklaw ng mga format ng stream at may maganda at modernong user interface. Kapag hindi ka pa kumbinsido, i-download ang aplikasyon mula sa Google Play para masubukan.

App na Pang-Edukasyon para sa Mga Preschooler

Ang mga mobiile phone at tablet ay nag-klik sa mga kabataan. Sapagkat ang mga kagamitan na ito ay nakapakadaling gamitin, ang mga batang ito ay sadyang magaling at alam ang gagawin kapag nabigyan sila ng isa.  Ang template na ito ay may kasamang aplikasyon para sa pinakabata, tinuturuan sila ng alpabeto at mga numero sa pamamagitan ng mga tunog at mga imahe.

Educational App for Preschoolers

Ang template na ito ay may kasamang ilang mga laro na puwede mong pagpilian at matutunan. Ang template na ito ay tugma sa Eclipse at madaling i-customize akma sa iyong pangangailangan.

App sa Pagpapanatili ng Serbisyo

Parami ng parami sa mga tradisyonal na negosyo ang nagiging mobile at ang template na ito ay pinagsisilbihan ang merkadong serbisyo. Dagdag sa mobile na aplikasyon, ang template na ito ay may kasamang backend. Ang aplikasyon na ito ay sagana sa mga tampok at may kasamang rehistrasyon ng user, posibilidad na itakda ang serbisyo at ang abilidad para makapagiwan ang mga kustomer ng isang pagsusuri.

Maintenance Service App

Ang user interface ay malinis at moderno. Ang aplikasyon ay tugma sa Android Marshmallow, pero sinusuportahan din nito ang mga lumang bersyon ng operating system ng Android.  Kapag gusto mong makita kung ano ang hitsura ng aplikasyon, panoorin ang video na nilagay ng may-akda sa YouTube.

Pagtataan ng Taksi na App

Nabanggit ko na maraming mga tradisyonal na negosyo ang nagiging mobile at kasama dito ang mga kumpanya ng taksi. May dahilan kung bakit sobrang sikat ang Uber at Lyft. Ang template na Android na ito ay sadyang kahanga-hanga. Naglalaman ito ng tampok na sagana sa aplikasyon na Android at malakas na backend, isang kumpletong solusyon. Ang aplikasyon ay may kasamang interactive na mapa at impormasyon at pagsubaybay sa sasakyan, pagkilala sa boses, at suporta para sa mga abiso.

Taxi Booking App

Ang template na ito ay nag-aalok ng solusyon sa parehong mga user at mga drayber. Ang mga user ay puwedeng mag-order ng masasakyan gamit ang mobile na aplikasyon at ang mga drayber ay makakatanggap ng abiso kapag may taong humihiling ng masasakyan. Kahit hindi mo planong gumawa ng aplikasyon sa pagtataan ng taksi, marami kang matututunan mula sa pagtingin sa loob at labas ng template na ito.

Pamamahala ng Imbentaryo na App

Ang pamamahala ng imbentaryo ay dating kumakain ng maraming oras, gamit ang panulat at papel, o magastos dahil sa mamahaling hardware at imprastraktura. Hindi na ito ang kaso ngayon at ang template na Android na ito ay pinapakita kung ano ang mga posibilidad. Pagdadagdag, paga-update, at pagtingin sa mga produkto ay madali at  walang pasikot-sikot, at ang user ay inaabisuhan kapag ang imbentaryo ay mababa na.

Inventory Management App

Ang template ay magaan pero kahanga-hangang malakas. Ang mga produkto ay naka-imbak sa isang lugar lamang sa isang SQLite database at may suporta para sa page-eksport sa spreadsheet. Puwede mong i-download ang aplikasyon mula sa pook-sapot ng may-akda, kapag gusto mo itong kunin para suriin.

Pixel na Sining

Sinong may ayaw sa pixel na sining? Sa tingin ko bawat developer ay gusto. Ang template na aplikasyon na ito ay isang simpleng aplikasyon sa pagguhit na nakatuon sa pixel na sining. Ang mga kagamitan ay simple, pero sobrang gusto ko ang mga resulta na makukuha mo kasama nito.  

Pixel Art

Nagsama ang may-akda ng isang maikling video kung saan gumawa siya ng Luigi, kapatid na lalaki ni Mario. Kung gusto mong matuto pa tungkol sa pagguhit sa Android, ito ay isang kahanga-hangang template kung saan puwede kang magsimula.

Higit pa?

Ang Envato Market naglalaman ng dose-dosenang mobile template na aplikasyon para makapagsimula ka sa susunod mong proyekto. Ang mga template na ito ay kahanga-hangang matutunan o tingnan kung paano nagpatupad ang mga kapwa developer ng isang partikular na tampok.   Sila din ay kahanga-hanga kapag naghahanap ka ng inspirasyon. Sila din ay kahanga-hanga kapag naghahanap ka ng inspirasyon. Tingnan ang mga template na Android sa Envato Market.

Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.