Unlimited Plugins, WordPress themes, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Code
  2. WordPress
Code

8 na Pinakamagaling na WordPress Slider at Carousel Plugins ng taong 2017

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Maging ang gusto mo ay magpakitang gilas ng mga patunay mula sa mga mamimili, iyong pinakabagong blog na mga post, ang iyong pinakamagandang mga larawan, o ipagdiwang ang mga miyembro sa iyong grupo, may isang WordPress slider o carousel plugin dito na tamang tama para sa iyo.

Ngunit bago namin ibahagi sa iyong ang 8 na pinakamainit sa Envato Market sa taong ito, siguro dapat naming linawin ang kaibahan o ang pagkukulang sa pagitan ng isang slider at isang carousel plugin. Ang iba ay nagsabi na may kaunting kaibahan sa pagitan nga dalawa dahil sila pareho ay gumagawa ng pagkakaiba sa parehong bagay: ipakita ang isang bilang nga mga larawan sa isang slideshow na format habang nag-aalok ng ilang mga kontrol tulad ng nakaraan/sunod na mga arrow, thumbnail na nabigasyon, at minsan mga paglipat na mga epekto sa pagitan ng mga slide.

Ang iba ay gumigiit na kahit ito ay maaaring totoo, ang mahalagang kaibahan sa pagitan ng dalawa ay ang isang slider ay pinapakita ang mga larawan na pahalang o patayo habang ang isang carousel ay pinapaikot ang mga larawan sa isang axis na ang larawan ay laging nakaharap sa nanonood. Habang ang husgado ay nagdedesisyon pa rin kung sino ang tama, para sa layunin ng artikulong ito ating ituturing na ang dalawang termino na ito ay mapagpapalit at magpatuloy sa pagpapahayag sa 8 na Pinakamagaling na WordPress Slider at Carousel Plugins ng taong 2017.

1. Magazine Builder - Baguhin ang tema ng iyong blog na maging tema ng isang magasin

Ang Magazine Builder ay ang pinakabago sa CodeCanyon. Ang pangunahing layunin nito ay pagsamasamahin ang mga pagkakaayos ng magasin, mga elemento at mga tampok sa loob ng tema ng iyong blog, at sa paggawa nito ito ay nakalikha ng tatlong magagandang slider na mga tampok na nagdadala ng pagkaastig sa aling mang WordPress na site.

Magazine Builder

Ang aking paboritong tampok ay ang hilahin at ibaba na interface kung saan pinapadali nito ang paggamit. 

Iba pang mga paboritong tampok:

  • buong - lapad na pagkakaayos
  • tumutugon na pagkakaayos
  • 4 na pagpapakita na pagpipilian
  • mga pagkakaayos ng blog
  • at marami pang iba

Ang Magazine Builder ay maaari ang pinakabago, ngunit hindi magtatagal bago ito mangingibabaw.

2Woo Shop Slider - WooCommerce Slider Para sa mga Produkto, Nag-iisang Produkto at mga Kategorya

Ang Woo Shop Slider ay partikular na dinisenyo para sa mga gumagamit na may mga produkto na gustong ibenta online, ngunit  ito ay nag-aalok ng isang napakalawak na hanay ng mga istilo ng slider na walang dahilan na ang karaniwang mga gumagamit ay hindi maiangkop ito para bumagay sa kanilang mga pangangailangan.

Woo Shop Slider

Ang pinakakamangha mangha na tampok para sa akin sa bagay na ito ay ang mga slider ay gumagawa ng isang shortcode na maaaring ilagay saan man sa iyong website.

Iba pang mga paboritong tampok:

  • 8 na iba't ibang disenyo ng slider na pagpipilian
  • madali para sa biswal na kompositor
  • lazy loading
  • madaling pagkabit
  • at marami pang iba

Para sa mga gumagamit na gustong ipagmalaki ang kanilang mga produkto, ang  Woo Shop Slider mahirap matalo sa kanyang kagalingan sa maraming bagay at kapangyarihang biswal.

3. Master Slider - Tumutugon na WordPress Touch Slider

Ito ay hindi nakapagtataka kung bakit ang Master Slider ay isang matagal na na paborito sa CodeCanyon. Ang Tumutugon na Touch Slider ay nag-aalok ng higit sa 70 na mga pagkakaayos kung saan ito ay napakadaling baguhin at kasing dali ng 1, 2, 3.

Master Slider

Ang pinakanagustuhan ko sa plugin na ito ay ang kakayahan na ipasok o i-embed ang HTML na pagkakaformat na teksto, mga link, mga larawan o bidyo direkta sa loob ng bawat slide at isa isang pagalawin ang bawat patong.

Kabilang sa ibang mga kamangha manghang tampok ay:

  • hilahin at ibaba na biswal na builder
  • madali na ipakita na galerya ng larawan bilang slider
  • touch swipe na nabigasyon
  • kakayahan na magload at mapakita ang mga galerya mula sa mga serbisyo tulad ng Flickr at WooCommerce
  • at marami pang iba

May higit na 70 na mababago na mga pagpipilian, ang Master Slider ay may isang malawak na makaakit sa mga gumagamit.

4. Slider Pro -Tumutugon na WordPress Slider Plugin

Slider Pro, isa sa pangunahing tatlong nagbebenta sa CodeCanyon, ay nagbibigay ng isang malinis at likas na gumagamit na interface sa admin na lugar at isang maayos na nabigasyon na karanasan para sa mga gumagamit.

Ang Slider Pro ay iniiwasan ang hindi kinakailangan na mga palamuti, kung saan maraming beses na nagiging balakid para sa mga gumagamit sa pagkuha ng mga impormasyon na kinakailangan nila, at sa halip ay tumutuon sa pagkasimple at sa pagganap, habang nagbibigay pa rin ng isang malawak na saklaw ng mga posibilidad na makapagbago.

Slider Pro

Ang aking paboritong tampok ay ang malalim na paguugnay na tampok kung saan bawat pagbabago sa slide ay nag-uupdate sa URL sa nabigasyon na bar ng broswer sa angkop na URL na hash.

Kabilang sa ibang mga kamangha manghang tampok ay:

  • pinahusay na pag-upload ng larawan
  • madali na makapagbago
  • maayos na mga animasyon
  • maramihang mga pagkakaayos
  • at marami pang iba

Ang Slider Pro, sa pangalan nito, ay isang propesyonal na solusyon na iyong kinakailangan.

5. RoyalSlider - Touch Content Slider para sa WordPress

Ang nag-iisang pinakadinodownload na slider sa CodeCanyon, ang Royal Slider para sa WordPress ay puno ng mga hindi matiis na mga tampok. Ginagamit nga mga kumpanya na iba - iba tulad ng Coca Cola, Ralph Lauren at Land Rover, ang plugin na ito ay ginagawa lahat na maaari mong gustuhin mula sa isang slider.

RoyalSlider

Ang pinakakaakit-akit na tampok ay ang buong-screen na tampok na likas na sa HTML5 na buong screen na suporta. Perpekto para sa pagpapakita ng mataas na resolusyon na potograpiya.

Kabilang sa ibang mga kamangha manghang tampok ay:

  • maramihang mga slider sa bawat pahina ay pinapayagan, kahit na sa iba't ibang mga skin
  • touch swipe na nabigasyon na suporta
  • tumutugon na disenyo
  • patayo o pahalang na mga thumbnails, mga punto o mga tab para sa nabigasyon
  • at marami pang iba

Ang Royal Slider ay siguradong magpapabilib sa inyong mga bisita sa kalinisan at propesyonal na kakayahan nito.

6. Logos Showcase - Maramihang Paggamit na Tumutugon na WP na Plugin

Ang Logos Showcase na plugin ay partikular na ginawa para sa mga gumagamit na gustong lumikha ng grupo ng mga larawan na may panlabas at panloob na mga link o kailangan na ipakita ang isang listahan ng mga logo ng mga kliyente o mga isponsor.

Logos Showcase

Ang pinakakamangha mangha na tampok ng Royal Slider ay ang kakayahan nito na ipakita ang mga logo sa kulay abo na bersyon na may pagpipilian na ipakita ito sa orihinal nitong kulay sa pamamagitan ng paghover dito kung gugustuhin.

Kabilang sa ibang mga kamangha manghang tampok ay:

  • may pagpipilian ng tatlong magkaibang paraan para maipakita ang mga larawan
  • ang kontrol ng bilis ng paglipat at ang otomatiko na pagscroll ay pinahintulutan
  • ang kontrol ng karaniwang laki ng mga larawan
  • pagpipilian na magtakda ng mga URL sa bawat logo kung saan mabubuksan ito sa parehong pahina or sa isang panibagong pahina
  • at marami pang iba

Ang Logos Showcase ay ang slider na pipiliin kung ang iyong prayoridad ay ang pagpapakita ng mga logo at mga listahan na mas epektibo.

7. Carousel Anything para Visual Composer

Ang Carousel Anything, maaari mong gawin ang alinmang nilalaman na maging isang slider: pinakabagong blog na mga post, mga patunay, mga miyembro sa grupo, mga slider ng larawan, bidyo, o alinmang gusto mo.

Carousel Anything

Ang pinakanagustuhan ko tungkol sa plugin na ito ay ang pagkasimple, malinis na interface at ang pagkamadli sa paggamit.

Kabilang sa ibang mga kamangha manghang tampok ay:

  • tumutugon
  • touch at swipe
  • buong mababago
  • kakayahan na gumana sa kahit alinmang mga tema
  • at marami pang iba

Ang Carousel Anything ay siguradong magpapasaya sa mga gumagamit na may iba't ibang mga nilalaman na gusto nilang gawan ng mga slider.

8. Ang Ultra Portfolio – WordPress

Ang Ultra Portfolio ay nangungunang umaakit sa mga gumagamit na interesado sa paggawa ng mga portpolyo na may mga kasamang slider na tampok. Ito ay nag-aalok ng isang malaking bilang ng pagkakaayos na pagpipilian at talagang nagbibigay ng kakayahang umangkop at paggana.

Ultra Portfolio

Ang pinaka kaakit akit na tampok sa slider na ito ay ang kakayahang makontrol ang mga epekto sa animasyon at bilis ng animasyon.

Kabilang sa ibang mga kamangha manghang tampok ay:

  • walang bilang na mga pagkakaayos
  • WooCommerce na integrasyon
  • Google Font na integrasyon
  • ang kakayahan na kontrolin ang bilang ng mga hanay ng iba't ibang mga resolusyon ng screen at mga lapad. (2, 3, 4, 5, 6 mga hanay)
  • at marami pang iba

Ang Ultra Portfolio ay dapat ang iyong pipiliin kung gusto mo na isama ang mga paggana ng slider na may isang malawak na saklaw na pagpipilian na porfolio.

Konklusyon

Ito ay malinaw ngunit isang napakaliit lamang na subset ng mga pagpipilian at mga produkto na maaari matagpuan sa Envato Marketplace. Kung hindi ninyo matagpuan kung ano ang hinahanap ninyo dito, bakit hindi ninyo tinganan kung alin pa ang nandito?

Bukod pa dito, kung ikaw ay interesado na mas malaman pa ang tungkol sa pagpapaunlad ng WordPress, huwag mag-atubiling suriin ang marami naming mga pagtuturo na magagamit.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.