Unlimited Plugins, WordPress themes, videos & courses! Unlimited asset downloads! From $16.50/m
Advertisement
  1. Code
  2. Web Development
Code

50 Mahusay na mga Galerya ng Larawan na Maaari mong Gamiting Ngayon

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Robert Alexander (you can also view the original English article)

Nandito ang 50 sa ating mga paboritong libreng galerya ng larawan na madali mong maipapasok sa disenyo. Ginawa ang mga ito na mayroon ng lahat mula sa CakePHP hanggang sa jQuery at Ruby sa Rails. Isang sigaw sa lahat ng developers na kabilang sa pagbabahagi ng kanilang gawa sa komunidad!

Bago tumalon sa libreng koleksiyon, kung naghahanap ka ng primyum na solusyon, mayroon kaming ilang propesyunal na galerya ng larawan na pagpipilian sa CodeCanyon, katulad ng WordPress Gallery Plugins at PHP Images & Media Scripts.

Wordpress Image Gallery Plugins
Plugins ng Galerya ng Larawan sa GraphicRiver, seksiyon ng Wordpress.

Papunta sa Libre!

1. Gallery 2

Ang Gallery 2 na yata ang may pinakamalaking komunidad at isa sa pinakamadalas gamitin na mga script ng galerya sa web.

2. Zenphoto

Ang Zenphoto bills mismo ang “pinakapayak, pinakapaki-pakinabang na software na galerya para sa iyong site”. Ang script ay gawa sa PHP.  

3. Minishowcase

Ang Minishowcase ay isang payak at munting php/javascript na galerya ng larawan.

4. TripTracker

Ang TripTracker ay isang maliit na JavaScript na viewer ng larawan at player ng animated na slideshow.

5. Dynamic Drive CSS Image Gallery

Sa halip na gumamit ng JavaScript, ang Dynamic Drive CSS Image Gallery ay pangkalahatang pinagagana ng CSS.

6. Ajax Photo Gallery

Ang libreng Ajax-powered na galerya ng larawan na humihila ng larawan mula sa Picasa mula sa XML.

7. SimpleViewer

Ang libreng flash-based na script ng galerya ng larawan na may kasama ring opsyonal na Pro version na naghahandog ng mas madami pang pagpipilian at pagpapasadya.

8. Jalbum

Ang Jalbum ay isang hybrid na online/offline software na dinadownload mo sa iyong computer na siyang mag-aupload ng mga galerya ng larawan sa iyong puwang sa jalbum.net.

9. Coppermine

Katulad ng Gallery 2, ang Coppermine ay isa pang “makaluma” na script na PHP na album ng larawan na nasa paligid na nang maraming taon.

10. Plogger

Ang Plogger ay isang PHP na script na galerya na may mga kapaki-pakinabang na tampok katulad ng inline ajax photo editing, zip upload files, at ang kakayahan na gumawa ng sariling mga tema.

11. CSS Play

Isang makintab, madaming pahina na galerya na gawa ang kabuuan sa CSS.

12. Polaroid Gallery

Ang Polariod Gallery ay isang kawili-wiling flash script na nag-ayos ng iyong mga larawan (mula XML file o Flickr RSS feed) sa gallery ng "polaroids".

13. dfGallery

Ang dfGallery ay isang magandang libreng flash gallery script, na may nakocustomize na mga tema at administrasyong seksyon na gawa sa PHP framework CodeIgniter.

14. (E)2 Photo Gallery

Isang mahusay na JavaScript na galerya ng larawan na gawa sa MooTools.

15. AutoViewer

Ang AutoViewer ay nag-aayos ng mga larawan sa Flash gallery sa tukoy na pagkakasunod-sunod ng mga larawan at titulo.

16. Smooth Gallery

Isa pang JavaScript na galerya ng larawan na gawa sa munting framework MooTools.

17. Satellite

Ang script ng galerya ng larawan na nagpapahintulot sa mga gumagamit na makagawa ng nakocustomize na mga galerya mula sa kanilang mga account sa Flickr.

18. Hoverbox

Ang Hoverbox  ay isang payak, magaan na CCS-only na galerya ng larawan.

19. Flash Gallery

Katulad ng iminumungkahi ng pangalan, ang Flash Gallery ay isang payak na XML at Flash powered na galerya na madaling icustomize.

20. HighSlide JS

Habang hindi teknikal na script na galerya, ang HighSlide ay nagpapahintulot sayo na madaling maizoom paliit at palaki ang mga larawan, gamit ang payak na JavaScript effect.

21. Pixelpost

Ang Pixelpost ay isang pagbaluktot sa script na galerya ng larawan na nagdadagdag ng blogging tungkol sa larawan sa paghahalo. Bukas na pinagmulan, mabilis at madaming lengguwahe.

22. Script at Style Auto-Generated Photo Gallery

Isang nakakatawang script na nagdadala ng directory ng mga larawan at gumagawa ng galerya ng larawan. Gawa sa PHP at JavaScript.

23. Postcard Viewer

Isang flash script na kumukuha ng mga larawan, naglalagay sa mga ito sa "postcards" at nagsasaayos sa mga ito sa galerya.

24. Andrew Berg's Flash Photo Browser

Isang payak na flash-animated na browsing script ng larawan. Payak ngunit masaya.

25. Flickr Photo Album for Wordpress

Ang Tan Tan Noodles ay may plugin para sa Wordpress na humihila sa iyong Flickr photosets at gumagawa ng albums sa Wordpress.

26. Galleria

Ang Galleria ay isang magaan na script ng galerya ng larawan na base sa jQuery.

27. Lightview

Isang malinis, magaang solusyon sa paggawa ng payak na larawan at mga galerya ng media sa mga overlay.

28. Fancy Zoom

Ang Fancy Zoom ay piraso ng JavaScript na nagpapahintulot na maizoom mo paliit at palaki ang mga larawan nang hindi nangangailangan ng pangalawang pagdownload sa larawan.

29. Imagevue

Isang magaling na flash na galerya ng larawan na may mga album ng larawan, mga slideshows at lugar para sa admin.  

30. jpGalScroll Photo Gallery

Isang payak na piraso ng galerya na gawa sa jQuery na nag-aalok ng pag-scroll at pagbilang ng pahina.

31. nextgen gallery

Ang nextgen gallery ay isang matipunong galerya ng imahe na plugin para sa mga gumagamit ng Wordpress, gawa mula sa jQuery.

32. Singapore

Tinagurian bilang "pinakamaliit na malaking galerya", ang Singapore ay isang magaan, makapangyarihang galerya ng larawan na gawa sa PHP.

33. jQuery Cycle

Isang plugin para sa jQuery na nagpapahintulot sa iyo na mag"cycle" sa mga galerya ng mga laraawan sa iba-ibang paraan.

34. Imagin

Ang flash na galerya ng larawan na nag-aayos ng mga larawan sa mga galerya at sub-galerya.

35. Phormer

PHP-based na galerya ng larawan na hindi na nangangailangan ng MySQL database at nag-iinstall sa loob ng kulang sa 3 minuto.

36. Gullery

Ang Gullery ay isang payak na galerya ng larawan na gawa sa Ruby sa Rails. Perpekto para sa personal na portpolyo o maliit na galerya ng larawan.

37. Paano gumawa ng Galerya ng Larawan sa CakePHP at Flickr

Ang kawili-wiling tutoryal kung paano gumawa ng web-based na galerya ng larawan mula sa PHP framework CakePHP at Flickr.

38. filebrowser

Isang maliit na PHP application nagpapahintulot sa iyong na mag-thumbnail ng mga larawan upang gamitin sa web. Gawa ng Lussumo.

39. FAlbum

Isang Wordpress-powered na galerya ng larawan na nagpapakita ng mga larawan at photosets mula sa Flickr.

40. Slimbox 2

Isang munti, sang-ayon sa standard, ganap na maikocustomize na lightbox na viewer ng larawan ng gawa mula sa jQuery.

41. Animated JavaScript Slideshow

Isang slideshow na script ng tampok na galerya na gawa mula sa Javascript, na mas mababa sa 5kb.

42. iPhotoToGallery

Isang iPhoto na plugin na nagpapadali sa paglilimbag  sa mga larawa sa Gallery 2.

43. FrogJS Gallery

Isang payak, mayumi na script na galerya na gawa mula sa Lightbox, ngunit nagsoshowcase ng mga galerya sa iba’t ibang pamamaraan.

44. Lumikha ng Kagila-gilalas na mga Galerya ng Larawan sa MooTools

Ang pag-aari ng Nettuts+ na Jared Rhizor ay may magaling na tutoryal kung paano gumawa ng payak na galerya ng larawan sa MooTools.

45. Tutoryal ng Django-based na galerya ng larawan

Payak na tutoryal kung paano gumawa ng galerya ng larawan sa Python framework Django.

46. Zen Gallery

Eleganteng flash na script na galerya at mga gamit sa paglalagay ng mga larawan sa iyong site.

47. folderblog

Isang libre, magaan na PHP script na nagpapakita ng mga larawan mula sa folder papunta sa galerya.

48. Duh Gallery

Isa pang Wordpress na plugin ng galerya.

49. Original Photo Gallery

Isang set ng mga script na nagbibigay sa kliyente ng side script upang ma-scale ang mga larawan at mailimbag ang mga larawan sa galerya na porma.

50. Paggawa ng panghuling dynamic na galerya ng larawan sa Flash 8

Isang gabay para sa panggitnang gumagamit ng Flash upang makagawa ng dynamic na galerya ng larawan, na niloloadan ng XML.

Premium na Plugins ng Galerya sa CodeCanyon

Kung naghahanap ka ng kalidad na solusyon, mayroon kaming malawak na pagpipilian ng premium na galerya ng larawan sa CodeCanyon, halilmbawa WordPress Gallery Plugins at PHP Images & Media Scripts.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.