Students Save 30%! Learn & create with unlimited courses & creative assets Students Save 30%! Save Now
Advertisement
  1. Code
  2. WordPress
Code

20 Pinakamagagandang Add-on at Extension ng Visual Composer sa 2017

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Nang may higit sa isang milyong taga-gamit sa buong mundo, ang kilalang drag and drop na page builder, Visual Composer, ay binigayang inpirasyon ang isang hukbo ng mga developer na lumikha ng napakaraming magaganda at kapaki-pakinabang na mga add-on at extension na dinaragdagan ang kakayahan nito at nagbibigay ng tila walang hanggang mga posibilidad pagdating sa paglikha ng pinakainaasam na WordPress site. Ang Weive ay bumuo ng listahan ng 20 sa pinakamagagandang mga add-on at extension na ito na maaaring  matagpuan sa Code Canyon.

Ang ilan ay mayroong malawak na pagpipilliang mga feature sa loob ng isang makapangyarihan extension, habang ang iba ay mayroong iisang partikular at espesyal na tungkulin.  Ang ilan sa mga ito ay dati pa maaaring makuha at mayroong reputasyon bilang ang maaasahang plug-in para sa mga gumagamit ng Visual Composer habang ang iba ay bago pa lamang ngunit mayroong potensyal na bumuo ng sariling mga taga-sunod. Anu’t ano pa man, ikaw ay tiyak na makahahanap dito ng plug-in na masasagot ang lahat ng iyong mga dalangin, o kahit ang iilan man lamang sa mga ito.

1. Ang Massive Addons para sa Visual Composer 

Ang Massive Addons para sa Visual Composer ay dumating sa naunang parte ng nakaraang taon at mayroon nang bilang ng mga taga-sunod.  Ang kumpletong extension na ito ay punong-puno ng mga feature na mapapasaya kahit ang pinakamabusising web designer. Higit pa rito, ito ay tumutugma sa nakararaming mga theme sa WordPress na sinusuportahan ang Visual Composer 4.7+.

Massive Addons for Visual Composer

Kapangsin-pansing mga katangian:

  • higit sa 70 na shortcode at addon na maaaring i-ayon sa personal na kagustuhan
  • 31 na mga page template
  • sinusuportahan ang WooCommerce
  • higit sa 15 na mga video para sa pagsasanay
  • at marami pang iba

Ang Massive Addons for Visual Composer ay ang kailangan mo kung naghahanap ka ng extension para sa Visual Composer na mayroong malawak na kakayahan.

2. Visual Composer Extensions Addon 

Isa sa mga pinakamabenta sa Code Canyon, ang Visual Composer Extensions Addon ay puno ng nakahihilong dami ng mga feature kabilang ang Google Font Manager na mayroong higit sa 810 na mga font, higit sa 70 na CSS3 na animation, at ang kakayahang pumili ng kahit anong element ng Visual Composer sa sidebar. Bilang dagdag, sa pag-download ng addon na ito, ikaw ay makakukuha ng built-in na downtime/maintenance manager para sa iyong site na papayagan kang lumikha ng sariling downtime page.

Visual Composer Extensions Addon

Kapangsin-pansing mga katangian:

  • higit sa 150 na iba’t ibang mga elemento
  • Icon at Google Font Manager
  • sariling premium na Lightbox
  • panglikha ng template at widget
  • at marami pang iba

Sa tala nito ng sunod-sunod na mga update at dagdag na mga bagong feature sa maganda nang produktong, Visual Composer Extensions Addon ay siguradong mananatili bilang isa sa mga paborito para sa mga darating pang mga tao. 

3. Ang Kaswara - Modern Visual Composer Addons 

Ang Kaswara – Modern Visual Composer Addons ay kasasali lamang sa merkado nitong Enero at bagaman hindi kasingrami ang mga elemento nito kumpara sa ibang mga addon at extension na matagal nang ibinebenta, paniguradong marami itong nakukuhang atensyon dahil sa maganda’t elegante nitong mga disenyo. 

Kaswara - Modern Visual Composer Addons

Kapangsin-pansing mga katangian:

  • contact mula sa designer
  • manager ng shortcode
  • bahagi para sa replica
  • Icon at Google font manager
  • at marami pang iba

Nakabubuo na ng tapat na mga tagasunod nang dahil sa mahuhusay nitong mga feature Kaswara - Modern Visual Composer Addons ang bagong dating na dapat bantayan sa Visual Composer addon market.

4. Ang Ultimate Addons para sa Visual Composer

Ang Ultimate Addons ay isa sa pinakamatataas ang marka at pinakamabenta na addon para sa Visual Composer at hindi ito kataka-taka. Nang may 20 na update mula sa pagbuo nito, ito ay isang addon na patuloy na gumagana upang manatiling inuunahan ang mga kakompitensiya nito at magdala ng produkto na ginagampanan ang pangangailangan ng malawak na hanay ng mga designer. 

Ultimate Addons for Visual Composer

Kapangsin-pansing mga katangian:

  • parallax at video na background
  • mga video tutorial
  • higit sa 40 na natatanging elemento
  • 15 na demo page para sa inspirasyon
  • at marami pang iba

Isa sa mga laging paborito, ang Ultimate Addons para sa Visual Composer ay tiyak na maaasahan bilang isang Visual Composer addon.

5. Ang Visual Composer KIT (VCKit) Addon

Ang Visual Composer KIT ay isa sa mga bagong addon ng Visual Composer sa CodeCanyon, na inilabas sa unang bahagi ng Abril. Nang may higit sa 40 na mga elementong maganda ang pagkakadisenyo at mga feature na maaaring gawing sarili, ang kumpletong addon na ito ay siguradong mangunguna sa CodeCanyon sa mga darating mga buwan at taon.

Visual Composer KIT VCKit Addon

Kapangsin-pansing mga katangian:

  • limang naka-disenyo nang mga demo hompage template
  • higit sa 45 na mga animation effect
  • Isang-pindot lang na pag-install
  • at marami pang iba

Isa pang maganda’t bagong kumpletong addon, ang Visual Composer KIT (VCKit) Addon ay maganda’t mayaman sa mga feature na pagpipilian ng mga gumagamit ng Visual Composer. 

6. Ang Visual Composer Extensions Addon All in One 

Ang Visual Composer Extensions Addon All in One ay pinagsasama ang 64 na iba’t ibang mga tungkulin na pinalalawak ang kagamitan ng Visual Composer sa isang makapangyarihan na addon.

Visual Composer Extensions Addon All in One

Kapangsin-pansing mga katangian:

  • carousel at gallery
  • Listahan ng mga gagawin at mga presyo
  • timeline na maaaring galawin
  • iHover na may 35 na transition
  • at marami pang iba

Ang Visual Composer Extensions Addon All in One ay isa pa sa mga luma ngunit mapakikinabangan at kayang tumayo nang mag-isai sa merkado ng Visual Composer.

7. Video at Parallax Backgrounds para sa Visual Composer

Ang Video at Parallax Backgrounds para sa Visual Composer ay isang dalubhasang addon kung saan madali kang makapagdaragdag ng mga video background pati mga image parallax scrolling effect sa iyong WordPress site. Mayroon din itong Row Adjuster Elements, kung saan maaaring mong lawakan ang iyong mga row nang full-with, full-height o full-screen.

Video Parallax Backgrounds For Visual Composer

Kapangsin-pansing mga katangian:

  • HD na video background
  • parallax sa apat na direksyon at maayos
  • mga hover background
  • paghaluin at pagtugmain, iisa o maraming parallax, video at hover background
  • at marami pang iba

Ang Video at Parallax Backgrounds para sa Visual Composer ay nagbibigay ng masaya at madaling paraan upang bigyang buhay ang iyong website sa pamamagitan pagdagdag ng mga video at parallax na feature sa iyong background.

8. Ang Team Showcase para sa Visual Composer WordPress Plugin

Ang Team Showcase para sa Visual Composer ay isa pang dalubhasa na plugin para sa Visual Composer na nagbibigay kakayahan na magdagdag ng bahagi para sa pangkat o kawani kahit saan sa iyong website gamit ang iba’t ibang mga layout.

Team Showcase for Visual Composer WordPress Plugin

Kapangsin-pansing mga katangian:

  • sampung predefined na mga responsive theme
  • apat na iba’t ibang display option
  • kakayahan lumikha ng sariling mga link para sa bawat miyembro ng pangkat
  • animated na in at out slider
  • at marami pang iba

Bagaman dinisenyo para sa pagpapakilala ng mga miyembro ng pangkat, ang Team Showcase para sa Visual Composer WordPress Plugin ay maaari ring baguhin ang layunin tungo sa mga display testimonial o sa iba pang mga lamang imahe at teksto.

9. Visual Composer - Sortable Grid at Taxonomy Filter

Kung ikaw ay naghahanap ng interesanteng paraan upang ipakita ang iyong mga produkto o pinapaskil, ang Sortable Grid at Taxonomy Filter ay ang sagot para sa iyo. Ang addon na ito ay puno ng mga feature na yayahaan kang ipakita ang iyong mga produkto, pinapaskil o iba pang klase ng linalaman sa loob ng seleksyon ng mga grid layout. 

Visual Composer - Sortable Grid Taxonomy Filter

Kapangsin-pansing mga katangian:

  • maaaring gawin sarili
  • limang iba’t ibang grid layout
  • mga CSS3 animation upang bigyang buhay ang iyong mga grid item
  • sariling taxonomy filteróiyong maaaring paganahin ang mga filter post mula sa itinakdang kategorya
  • at marami pang iba

Ang Visual Composer - Sortable Grid at Taxonomy Filter ay isang magandang addon na nagdadala ng kaibahan sa iyong paraan ng pag-ayos at pagpakita ng laman tulad ng mga pinapaskil, produkto, at iba pa.

10. Ang Visual Composer Add-on Image Hotspot na mayroong Tooltip 

Ang Visual Composer Add-on Image Hotspot na mayroong Tooltip ay kasama ng isa pang mabentang CodeCanyon addon, ang Visual Composer Extensions All In One. Ngunit para sa mga walang ganoong plugin, binibigyan kayo nito ng pagkakataon na magdagdag ng hospot icon na mayroong popup tooltip sa kahit anong imahe sa iyong site.

Visual Composer Add-on Image Hotspot with Tooltip

Kapangsin-pansing mga katangian:

  • ang tooltip feature ay sumusuporta ng teksto, imahe, video, at iba pang uri ng linalaman
  • hotspot icon ang position ay madaling gawing sarili
  • ang mga hotspot icon ay may baryasyon ng mga kulay
  • at marami pang iba

Ang Visual Composer Add-on Image Hotspot na mayroong Tooltip ay hindi para sa lahat ngunit maaaring pakinabangan ng mga potograpo at e-commerce o pang-edukasyon na mga site

11. Ang Testimonials Showcase para sa Visual Composer Plugin

Ang Testimonials Showcase ay dinesenyo para ika’y tulungang ipakita at isaayos ang iyong mga testimonial. Ito ay maraming mga tema, kulay, at naisasariling mga pagpipilian na magbibigay sa iyo ng pagkakataong isama ang addon sa iyong site nang walang problema. 

Testimonials Showcase for Visual Composer Plugin

Kapangsin-pansing mga katangian:

  • sampung mga responsive theme
  • grid o slider display
  • pormularyo na nagbibigay pagkakataon sa mga mamimili na magsulat at  magsumite ng kanilang mga testimonial
  • kakayahan salaan ang mga testimonial
  • at marami pang iba

Ang Testimonials Showcase para sa Visual Composer Plugin ay magugustuhan ng mga negosyo na kailangan ng elegante at madaling solusyon sa pagkolekta at paglahad ng tugon ng mga mamimili.

12. Ang Unique Hover Effects - VC Addon

Ang Unique Hover Effects ay isang simple ngunit nakamamanghang addon sa Visual Composer na nagbibigay buhay sa iyong mga imahe at naglilikha ng iba’t ibang hover effect kabilang na ang mga caption.

Unique Hover Effects - VC Addon

Kapangsin-pansing mga katangian:

  • higit sa walong magpagpipiliang image animation
  • kakayahang gawing sarili ang mga setting para sa bawat imahe
  • panlabas na linking
  • higit sa anim na mga caption animation
  • at marami pang iba

Makikita  ng mga website na puno ng imahe na ang Unique Hover Effects - VC Addon ay isang magandang rekurso sa paglikha ng mga kaakit-akit na caption.

13. Ang Modal Popup Box para sa Visual Composer

Ang Modal Popup box ay kasama sa mabentang ng Code Canyon ang Ultimate Addons para sa Visual Composer ngunit maaari ring bilhin nang mag-isa para sa mga naghahanap ng popup feature. Ang addon na ito ay pinapayagan kang magdagdag ng mga popup para sa malawak na baryasyon ng mga kadahilanan: mga opt-in para sa email subscription, shortcode, imahe, video, pormularyo para sa mga contact, o widget para sa social media.

Modal Popup Box For Visual Composer

Kapangsin-pansing mga katangian:

  • kakayahang lumikha ng mga popup ng iba’t ibang linalaman, kasama ang mga imahe at video
  • sinusuportahan ang MailChimp
  • duporta para sa shortcode
  • at marami pang iba

Ang Modal Popup Box para sa Visual Composer ay madaling solusyon para sa pagdagdag ng iba’t ibang mga uri ng mga popup at opt-in sa iyong website.

14. Ang Smart One Page Navigation  Addon para sa Visual Composer

Ang Smart One Page Navigation ay isang magandang plugin para sa mga gumagamit na naghahanap ng mabilis, madali, at simpleng paraan ng paglikha ng mga landing page o single-page website.

Smart One Page Navigation - Addon For Visual Composer

Kapangsin-pansing mga katangian:

  • sinusuportahan ang Google Fonts at Font Awesome Icon at Image Icon
  • nabigasyon na smart at sticky
  • sinusuportahan ang full-screen scrolling
  • walang hanggan na pagpili ng kulay
  • at marami pang iba

Isang five-star na markadong addon, ang Smart One Page Navigation ay ang natatanging Visual Composer addon na iyong kailangan upang lumikha ng magagandang single-page website o landing page.

15. Ultimate MailChimp Form Builder para sa Visual Composer

Ang plugin ay dinesenyo upang tulungan ang mga gumagamit ng MailChimp serbisyong para sa email subscription lumikha ng mga pormularyo para sa mga subscription nang mabilis at madali gamit ng Visual Composer.

Ultimate MailChimp Form Builder for Visual Composer

Kapangsin-pansing mga katangian:

  • walang hanggan na mga account sa MailChimp sa iisang site
  • sumusuporta ng mga field na maaaring gawing sarili
  • madaling custom layout sa Visual Composer
  • at marami pang iba

Ang mga gumagamit ng MailChimp ay matutuwa na tignan ang Ultimate MailChimp Form Builder.

16. Ang Fast Gallery para sa Visual Composer WordPress Plugin

Ang Fast Gallery ay pinapayagan kang bumuo ng iba’t ibang mga photo gallery at ipasok ang mga ito sa iyong WordPress site.

Fast Gallery for Visual Composer WordPress Plugin

Kapangsin-pansing mga katangian:

  • walong klase ng mga gallery
  • siyam na iba’t ibang mga layout
  • mga animation na may higit sa 200 na mga effect
  • mayroong mga video tutorial
  • at marami pang iba

Sa malawak na seleksyon nito ng mga gallery type, layout at animation effect, ang Fast Gallery para sa Visual Composer WordPress Plugin ay magiging isang hindi mapapalitang kasangkapan para sa mga site na puno ng imahe.

17. Food Menus Addons para sa Visual Composer WordPress Plugin

Ang mga Food Menu Add-on ay mayroong magandang seleksyon ng iba’t ibang food menu layout at sandamakmak na mga feature na maaaring gawing sarili upang matugunan ang iba’t ibang mga istilo at panlasa.

Food Menus Addons for Visual Composer WordPress Plugin

Kapangsin-pansing mga katangian:

  • 24 na food menu na maaaring pagpiliian
  • maraming food menu sa iisang pahina
  • higit sa 1,000 na mga icon
  • mga hover effects na maaaring gawing sarili
  • at marami pang iba

Ang Food Menus Add-ons ay ang perpektong Visual Composer addon para sa mga website na nakatuon sa mga restaurant, cafe, caterer at chef, pati na rin sa lahat ng mga blogger na mahilig sa pagkain. 

18. Visual Composer | Pricing Tables By NBGoyani

Ang Pricing Tables ay isa pang addon sa Visual Composer na iisa lang ang layunin na para sa mga kailangang lumikha ng mga pricing table para sa kanilang mga online business.  Ito ay maraming mga table na maganda ang pagkakadisensyo sa malawak na seleksyon ng mga kulay at animation. 

Visual Composer Pricing Tables By NBGoyani

Kapangsin-pansing mga katangian:

  • higit sa 18 na natatanging istilo
  • kakayahang palitan ang mga kulay upang tumugma sa iyong website
  • higit sa 60 na load animation effect
  • mayroong kasamang Font Awesome
  • at marami pang iba

Ang Visual Composer | Pricing Tables By NBGoyani ay mayroong simple at natural na paraan ng paglikha ng magagandang mga pricing table para sa iyong website.

19. Visual Composer Add-on Bookshelf

Ang Bookshelf ay kung ano ang ipinapahiwatig ng pangalan nito, isang visual Compresor addon na pinapayagan kang maglagay ng virtual na lalagyan ng mga libro sa iyong WordPress site. Maaari kang maglagay ng mga imahe ng mga libro o magasin mula sa iyong kompyuter at lagyan ng link tungo sa mga may-akda, o maaaring gamitin kasama ang Flipbook WordPress Plugin, na kakailanganing bilhin nang hiwalay.

Visual Composer Add-on Bookshelf

Kapangsin-pansing mga katangian:

  • nakatakdang lawak na madaling gawing sarili
  • madaling mapapalitan ang mga kulay
  • pangalan ng kategorya para sa mga libro
  • kakayahang mag-outlink
  • at marami pang iba

Ang Visual Composer Add-on Bookshelf ay tamang-tama sa pagpakita ng mga item na 2D, mga magasin layout na iyong linikha o mga libro na nais bigyang atensyon.

20. Vera - Essential Multimedia Addons para sa Visual Composer

Ang Vera ay isang multimedia addon para sa Visual Composer na nagbibigay sa iyo ng kakayahang magdagdag ng video, audio at radio player, multimedia carousel, countdown timer at iba pa sa iyong WordPress site.

Vera - Essential Multimedia Addons for Visual Composer

Kapangsin-pansing mga katangian:

  • mga video, audio at radio player
  • showcase pro para sa mga logo
  • multimedia carousel
  • multimedia playlist slider
  • at marami pang iba

Isa sa magagandang mga bagay sa pagbili ng Vera - Essential Multimedia Add-ons para sa Visual Composer ay na pagkabili rito, ang mga gumagamit at patuloy na nakatatanggap ng mga bonus na maaaring pahabain ang kagamitan ng plugin.

Konklusyon

Iilan pa lamang ang 20 na plugin na ito sa mga produktong maaaring matagpuan sa Envato Market. Kaya kung wala sa mga itong pumukaw ng iyong atensyon, marami pang ibang magagandang pagpipilian doon na maaaring maging interesante. 

At kung iyong nais gumaling sa paggawa ng mga Wordpress site, tumungo lamang sa site at tignan ang mga kapaki-pakinabang na libreng mga Wordpress tutorial na aming inaalok. 

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.