Students Save 30%! Learn & create with unlimited courses & creative assets Students Save 30%! Save Now
Advertisement
  1. Code
  2. PHP
Code

15 Pinakamahusay na PHP Kalendaryo, Pagpapareserba at Kaganapan na mga Script

by
Length:LongLanguages:

Tagalog (Wikang Tagalog) translation by Anna Nelson (you can also view the original English article)

Maraming mga dahilan kung bakit PHP Kalendaryo, Pagpapareserba at Kaganapan na mga Script ay pwedeng maging mahalagang karagdagan sa iyong pook-sapot. Kapag, halimbawa, ikaw ay tagapagbigay ng serbisyo, importante na magkaroon ng sistema ng pagpapareserba ng appointment sa iyong pook-sapot na papayagan ang iyong mga potensyal na kostumer na makita kung kailan ka pwede at mamili ng petsa at oras ng appointment na pinagamaganda para sa kanila.   Mababawasan nito ang mga hindi kinakailangang mga tawag sa iyong negosyo para gumawa ng appointment at gawing bakante ang iyong oras at ang oras ng iyong tauhan para sa ibang mga gawain. 

Ang mga online na kalendaryo ay magagamit ng mga organisasyon kahit gaano man ito kalaki para tulungan ang mga miyembro ng kanilang pangkat na ibahagi ang mga kaganapan at mga gawain at panatilihing may alam sa mga tinatrabaho ng ibang mga miyembro. 

Ang kanilang gamit ay hindi lamang limitado sa mga kumpanya, gayunpaman. Ang mga nasa larangan ng sining, mga manunulat, mga mangaawit/mananayaw/artista, mga blogger at sinumang mga indibidwal na may aktibong publikong buhay ay pwedeng gumamit ng mga online na kalendaryo para malaman ng mga tagapagsubaybay at mga tagahanga nila kung kailan at kung saan ang kanilang mga pampublikong paglabas. 

Dahil ito ang mga nasa isipan, naglista kami ng 15 ng aming PHP Kalendaryo, Pagpapareserba at Kaganapan na mga Script na ito ay magagamit mula sa CodeCanyon, para tulungan kang mamili ng tama para sa iyo. 

1. Ang Cleanto - na sistema ng pagpapareserba ng appointment 

Ang Cleanto na sistema ng pagpapareserba ng appointment ay kakapasok lang ng merkado noong mga huling buwan ng nakaraang taon at patuloy na pinapatunayan ang kanyang kakayahan.  Itong sistema ng pagpapareserba ng appointment ay perpekto para sa maraming iba't ibang mga uri ng kumpanya ng serbisyo na naghahanap ng maaasahang paraan ng pagbigay sa mga kliyente ng online na pagpapareserba na puno ng tampok. 

Cleanto

Mga nangingibabaw na katangian:

  • PayPal/Authorize.Net/Stripe mga paraan ng pagbayad
  • mga paalala sa email
  • awtomatikong pagkumpirma ng pagpapareserba 
  • kakayahang magdagdag ng mga pahinga sa iskedyul 
  • kakayahang mag-export ng pagpapareserba, kostumer at mga impormasyon sa serbisyo 
  • at marami pang iba 

Ang Cleanto - na sistema ng pagpapareserba ng appointment ay isang matibay na opsyon para sa mga may-ari ng negosyo na gustong bigyan ang kanilang mga kliyente at mga kostumer ng maaasahang online na sistema ng pagpapareserba. 

2. Booking System

Ang Booking System script ay isang pang sistema ng pagpapareserba ng appointment na nag-aalok ng apat na iba't-ibang mga uri ng kalendaryo para iproseso ang mga online na pagpapareserba para sa anumang industriya. 

Booking System

Mga nangingibabaw na katangian:

  • katambal ng PayPal
  • nangangasiwa ng mga buwis at iba't ibang mga pera 
  • kakayahang mag-export sa Google Calendar/iCal/Outlook
  • maaaring ilimbag na PDF iskedyul
  • at marami pang iba 

Booking System ay isa sa pinakamabentang PHP Calendar Scripts sa CodeCanyon at magandang opsyon para sa mga naghahanap ng maaasahang sistema ng pagpapareserba ng appointment.

3. Ang PHP Kalendaryo ng mga Kaganapan na Kontrol 

Ang PHP Kalendaryo ng mga Kaganapan na Kontrol script ay nag-aalok ng malawak na sakop ng mga tampok, tulad ng paglimbag at pagtingin sa kalendaryo ng mga kaganapan at mga impormasyon sa bilang sa isang disenyo na magugustuhan ng bawat gumagamit. Maaaring baguhin para bigyang access ang iba't ibang mga uri ng gumagamit. 

PHP Events Calendar Control

Mga nangingibabaw na katangian:

  • kakayahang ayusin batay sa mga kaganapan, mga kategorya, mga lokasyon, mga kalahok, o istatistika
  • kakayahang magtalaga ng mga kaganapan sa iba't ibang mga gumagamit 
  • kakayahang magtalaga ng iba't ibang karapatan ng access para sa mga tagasubaybay 
  • kada taon, kada buwan, kada linggo at araw-araw na pagsubaybay
  • at marami pang iba 

Ang PHP Kalendaryo ng mga Kaganapan na Kontrol ay nasa merkado ng medyo matagal na at napatunayang may kakayahan. 

4. Ang Iskedyul sa Trabaho ng Empleyado/Maramihang-kalendaryo 

Ang Iskedyul sa Trabaho ng Empleyado/Maramihang-kalendaryo ay may mga tampok na magagamit ng mga kumpanya sa pangangasiwa ng pagiging kapaki-pakinabang ng kanilang pangkat. Ang kalendaryo ay pwedeng ayusin para bigyan ng access ang mga piling miyembro ng pangkat at payagan ang itinalagang tagapangasiwa na magtalaga ng mga gawain, o pwedeng irekord ng mga miyembro ng pangkat  kanilang itinalagang gawain para sa kanilang sarili o mga appointment. 

Employee Work Schedule Multi-calendar

Mga nangingibabaw na katangian:

  • pampubliko, pangpribado o kalendaryong pang-grupo 
  • popup dialog para sa pagdagdag, pagbago at pagtanggal ng mga aytem 
  • kakayahan ng parehong mga tagapangasiwa at mga gumagamit na gumawa ng mga kalendaryo 
  • sinusuportahan ang mga kaganapang nauulit 
  • at marami pang iba 

Ang Iskedyul sa Trabaho ng Empleyado/Maramihang-kalendaryo ay perpekto sa mga maliit o malaking mga kumpanya na kailangan ng paraan para maging alerto ang mga empleyado sa mga gawain at mga kaganapan na tinatrabaho nila.

5. Ang Kalendaryo sa Pagpapareserba ng mga Rerentahan Tuwing Bakasyon 

Ang Kalendaryo sa Pagpapareserba ng mga Rerentahan Tuwing Bakasyon ay isang script para sa online na pagpapareserba ng mga rerentahan sa bakasyon na pinapayagan ang mga may-ari ng bakasyunan o mga ahensiya sa  pangangasiwa na gumawa at mangasiwa ng mga kalendaryo para sa libreng ipaparenta para sa kanilang ari-arian na pwedeng bakasyunan. 

 Vacation Rentals Booking Calendar

Mga nangingibabaw na katangian:

  • pwedeng baguhin depende sa gusto mo
  • mga abiso sa sulatroniko para sa may-ari/tagapangasiwa 
  • XML/JSON na availability feeds
  • mag-export ng mga kalendaryo sa iCalendar na format
  • at marami pang iba 

Kapag ikaw ay may-ari ng bakasyunan o ahensiya, ang Kalendaryo sa Pagpapareserba ng mga Rerentahan Tuwing Bakasyon ay magandang opsyon sa pagpapareserba ng kalendaryo para tulungan kang pangasiwaan ang iyong mga bakasyunan.

6. Ang Kalendaryo ng Kaganapan 

Ang Kalendaryo ng Kaganapan ay pinapayagan kang gumawa ng maraming kalendaryo na nakalaan para sa iba't ibang mga lokasyon o mga kategorya. Ang bawat kaganapan ay may sariling popup na tampok na pinapayagan kang magdagdag ng mga importanteng detalye tulad ng oras ng simula at pagtatapos para sa bawat kaganapan, mga paglalarawan na nasa teksto, mga larawan, mga bidyo, lokasyon, mapa, atbp. 

Events Calendar

Mga nangingibabaw na katangian:

  • kakayahang gumawa ng walang limitasyong bilang ng mga kalendaryo 
  • kakayahang makita ang mga detalye ng kaganapan sa pamamagitan ng rollover popup
  • kakayahang magdagdag ng mga bidyo at galeriya ng larawan para sa bawat kaganapan 
  • kakayahang magdagdag ng kawing ng pook-sapot ng kagapanapan 
  • at iba pa

Ang lawak ng posibilidad na ang Kalendaryo ng Kaganapan inaalok ay papatok sa maraming gumagamit sa iba't ibang seksyon.

7. Ang Ajax na Kalendaryo ng Puno ng Tampok 2 

Ang Ajax na Kalendaryo ng Puno ng Tampok 2 ay pwedeng baguhin batay sa gusto mo na kalendaryo na dinisenyo para tulungan kang maging maayos. Ito ay mabentang update ng isa pang matagal ng mabentang,Ajax na Kalendaryo ng Puno ng Tampok.

Ajax Full Featured Calendar 2

Mga nangingibabaw na katangian:

  • PHP at JS na mga bersyon na may kasamang PHP na klase
  • kakayahang mag-awto-embed YouTube, Vimeo, Dailymotion, SoundCloud, atbp.
  • kakayahang mag-export ng kalendaryo o mga kaganapan sa iCal na format
  • sinusuportahan ang mga kaganapang nauulit 
  • at marami pang iba 

Ang Ajax na Kalendaryo ng Puno ng Tampok 2 ay isang napakagandang simpleng kalendaryo na puno ng iba't ibang tampok na puno ng pang-akit.

8. PHP na Kalendaryo ng Kaganapan 

Isa pang CodeCanyon na mabenta, ang pangunahing trabaho ng PHP na Kalendaryo ng Kaganapan ay magpakita ng mga kaganapan sa kalendayo sa iyong pook-sapot.

PHP Event Calendar

Mga nangingibabaw na katangian:

  • pwede sa iba't ibang mga browser (IE6+, FF, Safari)
  • madaliang mag-export ng datos sa iCal o Google na kalendaryo
  • maghanap ng gawain
  • simpleng MySQL database back end
  • at marami pang iba 

Bilang isa sa mga mabentang mga script ng PHP na kalendaryo sa CodeCanyon, PHP na Kalendaryo ng Kaganapan ay isang mahusay sa pagganap na matutulungan kang magdagdag ng mga detalye ng iyong kaganapan sa iyong pook-sapot na walang masyadong problema.

9. Ang Google, iCal at XML na Kalendaryo ng Listahan ng Kaganapan para sa PHP 

Ang Google, iCal at XML na Kalendaryo ng Listahan ng Kaganapan para sa PHP ay isang nagagalaw na script na kukuha ng mga kaganapan mula sa iyong[], isa pang iCal stream o isang XML file, at gawin silang komprehensibong listahan ng mga kaganapan. Kasama sa script ang mga kawing ng Facebook at Twitter para pwede mong ibahagi ang listahan sa iyong mga social network. 

 Google iCal XML Event List Calendar for PHP

Mga nangingibabaw na katangian:

  • kasama ang skins para mabago ang kalendaryo sa iyong pook-sapot 
  • kumuha ng mga kaganapan mula sa Google Calendar, iCal, o XML
  • kasamang Twitter and Facebook na mga pindutan
  • araw, buwan at taon na layout
  • at marami pang iba 

Ang Google, iCal at XML na Kalendaryo ng Listahan ng Kaganapan para sa PHP ay isang magandang paraan para gawin ang mga kaganapan sa iyong kalendaryo na isang listahan. 

10. Freelance na Kalendaryo 

Ang script na Freelance na Kalendaryo ay dinisenyo para punuin ang Ultimate Client Manager (UCM) system. Magpapakita ng anumang alerto at mga aytem na dapat gawin mula sa sistemang UCM sa iyong personal na kalendaryo.

Freelance Calendar

Mga nangingibabaw na katangian:

  • libre at pwedeng ibahagi 
  • sinasama ang pagbabayad sa pamamagitan ng PayPal 
  • pwedeng mag-imbak at maghanap ng impormasyon ng kliyente, mga detalye ng mga kaugnayan, atbp.
  • kakayahang ikontrol ang mga permiso para mga tauhan lamang ang makakakita kung gusto mo 
  • at marami pang iba 

Hindi mo kailangang maging freelancer para makinabang sa Freelance na Kalendaryo —ito ang perpektong kagamitan para sa sinuman na gumagamit ng sistemang UCM.

11. CIFullCalendar v3

Ang CIFullCalendar v3 pinapayagang ang mga gumagamit na iorganisa, magplano, baguhin at ibahagi ang mga kaganapan sa kalendaryo sa pamamagitan ng madaliang pag-drag, pagbitaw, pagbago ng sukat, pag-klik, paghawak, pagkategorya, pagkawing, atbp. 

CIFullCalendar v3

Mga nangingibabaw na katangian:

  • mag-import/mag-export ng mga kaganapan
  • ibahagi ang mga kaganapan sa mga ibang gumagamit sa iba't ibang grupo 
  • mga kaganapan na pwedeng i-drag
  • madaling ilimbag
  • at marami pang iba 

Ang CIFullCalendar v3 ay magandang opsyon para sa mga negosyo o mga grupo na gustong makipagtulungan online at manatiling may kaalaman sa mga iskedyul ng bawat isa.

12. Ang Kalendaryong File Download 

Ang Kalendaryong File Download ay kakaiba sa mga kalendaryo dito sa listahan. Ang gawain ay gumawa ng kalendaryo ng mga file na pwedeng i-download kada araw, kada linggo, kada buwan, o kada taon. 

File Download Calendar

Mga nangingibabaw na katangian:

  • panel ng tagapangasiwa para mapangasiwaan ang mga file 
  • araw-araw, kada linggo, kada buwan at kada taon na mga pagtingin 
  • mag-download ng mga file sa pamamagitan ng kalendaryo
  • sumasagot sa iyong pangangailangan 
  • at marami pang iba 

Ang Kalendaryong File Download ay isang simpleng script na ka-akit-akit sa mga nangangailangan ng kakayahang mag-download ng mga ulat o ibang mga file sa dati ng itinalagang iskedyul.

13. Kalendaryo ng Kaganapan - PHP/MYSQL Plugin

Ginawa ng may jQuery Punong Kalendaryo at sinama sa grid layout ng Bootstrap, ang Kalendaryo ng Kaganapan ay pinapayagan ang mga gumagamit na mag-organisa at mag-plano ng kanilang mga kaganapan.

Event Calendar - PHPMYSQL Plugin

Mga nangingibabaw na katangian:

  • gumawa ng mga bagong uri ng kaganapan 
  • kakayahang magdagdag ng mga field tulad ng pamagat, kulay, paglalarawan, kawing at larawan 
  • Mga Google ng Font at mga Font Awesome na Icon
  • at marami pang iba 

Ang pagiging organisado at pagpaplano ng mga kaganapan ay mahirap sa ngayon, pero Kalendaryo ng Kaganapan - PHP/MYSQL Plugin ay gagawin niyang madali.

14. Facebook sa kalendaryo ng kaganapan para PHP

Sa sa kalendaryo ng kaganapan para PHP script, pwede mong ipakita ang lahat ng mga kaganapan sa Facebook sa kalendaryo ng kaganapan depende sa gusto mo sa tatlong mga layout: buo, siksik, o listahan na pagtingin na may mga detalye ng mga kaganapan. Pwede mong ilagay ang kalendaryo ng mga kaganapan kahit saan sa iyong pook-sapot.

Facebook Events Calendar For PHP

Mga nangingibabaw na katangian:

  • tignan ang mga kaganapan sa pamamagitan ng kalendaryo o listahan na estilo 
  • madaliang pagtingin sa impormasyon ng kaganapan sa rollover popup
  • madaling i-install at isama sa pook-sapot 
  • at marami pang iba 

Ang Facebook sa kalendaryo ng kaganapan para PHP ay magiging patok sa iba't ibang gumagamit na gustong isama ang kanilang kalendaryo sa mga kaganapan sa Facebook ng walang masyadong pangongopya at pagdidikit.

15. eCalendar - Responsive sa kalendaryo ng kaganapan

Sa madaling salita, ang eCalendar - Responsive sa kalendaryo ng kaganapan ay dinisenyo para panatilihin ang mga indibidwal na mga gumagamit o mga kumpanya na organisado gamit ang kalendaryo na pinapayagan ang mga gumagamit na magdagdag ng mga kaganapan kung kailangan, pati na rin ang mga detalye tulad ng pamagat ng kaganapan, lokasyon at oras, atbp.

eCalendar - Responsive Events Calendar

Mga nangingibabaw na katangian:

  • pwedeng mamili sa dalawang mga disenyo 
  • pwede sa iba't ibang mga browser (IE8+, Safari, Opera, Chrome, Firefox)
  • mga kaganapan ay nakaimbak sa iyong MySQL database
  • disenyong sumasagot sa iyong pangangailangan 
  • at marami pang iba 

Ang eCalendar - Responsive sa kalendaryo ng kaganapan ay simple at magugustuhan ng mga gumagamit at patok sa parehong indibidwal na gumagamit at mga kumpanya.

Konklusyon

Ang mga itong 15 Pinakamahusay na PHP Kalendaryo, Pagpapareserba at Kaganapan na mga Script kayurin lamang ang panlabas ng mga produkto na makikita sa Envato Market. Kapag wala sa kanila ang nagustuhan mo, marami pang ibang mga opsyon na patok sa iyong interes. 

At kapag gusto mong paghusayin ang iyong kakayahan sa PHP, tignan ang aming mga kapaki-pakinabang na mga libreng PHP na tutoryal.

Advertisement
Advertisement
Advertisement
Advertisement
Looking for something to help kick start your next project?
Envato Market has a range of items for sale to help get you started.